What Makes You Beautiful

10 0 0
                                    

"Can you be my Prom date, Talia?" 

Napaangat ang tingin ko sa lalaking nagtanong sa 'kin.

Halos matumba ako sa aking kinauupuan nang mapagtantong si Brian ang lalaking ito.

Kaagad niya akong tinulungan na makatayo dahil tila nanlambot ang aking mga tuhod sa kaniyang katanungan.

Isang Brian Perez ang nagtanong sa akin kung pwede ba akong maging ka-date niya sa nalalapit naming Prom.

Hindi ko pa naman balak na pumunta kahit na sinabi ni mama na ayos lang sa kaniya, ihihiram na lang daw niya ako ng damit sa pinsan kong si Mary. Nahihiya rin kasi akong pumunta dahil hindi naman ako marunong mag-ayos ng sarili. Isang makapal na salamin lang ang palaging nakalagay sa aking mukha dahil malabo ang mata ko simula nang nakahiligan kong magbasa ng libro nang bata pa ako.

"Talia?" Napakurap ako nang iwinagayway ni Brian ang kamay niya sa mukha ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa tanong niya dahil unang-una sa lahat, sikat si Brian sa school namin, kaklase ko siya pero hindi ko siya nakakausap dahil suplado ito. Ngunit nitong huling buwan namin sa klase ay nagbago ang mga kinikilos niya.

Tumikhim ako bago nagsalita. "B-brian, nagbibiro ka ba?"

Ngumiti ito sa akin dahilan upang bumilis ang tibok ng puso ko. 

Aaminin kong may gusto ako sa kaniya, sino bang hindi? Kilala ito sa school namin bilang campus heartthrob. Kahit na ka-edad ko siya ay hindi mo masasabing isa lamang siyang 16 years old sa kaniyang angking tangkad at kagwapuhan. Maraming nagkakagusto sa kaniya kahit na suplado ito at bihira ngumiti, at isa na ako sa mga babaeng nahuhumaling sa kaniya.

"I'm serious, Talia, will you be my date? Last year na natin ito sa high school and I want to spend a very special night with you. Please?" Kita sa mga mata nito ang labis na pagsusumamo para lang maging date ko. Nanaginip ba ako?

Sinampal ko ng malakas ang pisngi ko para malaman kung totoo ba 'to.

Nagulat naman siya sa ginawa ko at hinawakan ang pisngi na sinampal ko.

Nangunot ang kaniyang noo. "Why did you do that?"

"B-baka kasi panaginip lang 'to, B-brian." Gusto ko ng mawala sa harap niya, jusko po.

Napatawa naman siya nang mahina at umiling-iling.

"This is not a dream. So? Do you want me to repeat myself for the third time?"

Bahagya siyang humakbang papalapit sa akin na siyang kinaatras ko naman.

Wala naman sigurong masama? Sino ba ako para mag-inarte pa?

Last year na naman ito, balita ko sa ibang lugar na rin siya mag-aaral at ibig sabihin ay hindi na kami magkikita.

"S-sige." Nahihiya kong tugon.

"Sige? As in you're saying yes?!" Ang malakas niyang tanong ay umagaw sa tingin ng mga estudyanteng nasa hallway.

Napayuko naman ako sa hiya. "Oo, Brian." 

Napatalon siya sa tuwa at nagulat ako sa biglang pagyakap niya sa akin.

Napatili naman ang iba sa nakikita nila ngayon.

Gusto kong lamunin na lang ako ng lupa ngayon dahil sa hiyang nararamdaman ko. Syempre, dahil rin sa kilig.

-----*-----

Biyernes, ito ang araw ng Prom, isang linggo ito makalipas ang pagyaya sa akin ni Brian bilang kaniyang date.

Dahil isa akong babaeng laging kaharap ang libro, maraming bagay akong naisip na maaaring mangyari sa gabing ito. Tipikal na may dalawang bida sa isang istorya na magkakatuluyan pagkatapos ng isang sayaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Story of Our LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon