Chapter Fifteen

500 21 1
                                    

"Prezzy, baka mag-extend kami ni Ned ditto, ha? Hindi pa tapos 'yong inaayos naming, eh."

Inayos ni Prezzy ang pagsa-sapatos niya. "Sure. Ingat kayo ni Ned."

"Hindi ka naman nabo-bore diyan, hindi ba? Alam ko'ng hindi ka sanay sa mabagal na buhay diyan. Hindi katulad sa Manila."

Kahit hindi siya nakikita nito ay umiling pa rin siya. "Nope. As a matter of fact, nag-e-enjoy ako dito kahit ilang araw pa lang ako."

May ilang sandaling hindi umimik si Mari sa kabilang linya. Nangunot ang noo niya. Parang alam na niya ang kasunod na mangyayari. Nang exaggerated na tumili ito ay napangiwi siya.

"Oh. My. God. Ano'ng ginawa mo kay Dojo?"

Nasamid ata siya sal away niya. Naalala niya ang pamamasyal nila ni Dojo sa Liliw. Kahit na pinaikot-ikot niya ito ay hindi naman ito nagre-reklamo. Siya kasi ang tipo ng tao na matagal bago makapili ng bibilhin. Kailangan na muna niyang makita lahat bago niya pag-isipan ang gusto niya. Kalimitan ay inaabot siya ng siyam-siyam. Pero sa huli ay isa lang ang bibilhin niya.

Malimit iyon i-reklamo ni Jake sa kanya noong mga unang taon ng relasyon nila. Nahihilo daw kasi ito sa pag-iikot-ikot niya. Simula noon, kapag magsho-shopping siya ay hindi siya nagpapasama dito para walang away.

Pero si Dojo ay nag-e-enjoy na inililibot siya. Hindi niya man lang ito kinakitaan ng pagkabagot kahit na tatlong beses niyang inikot ang lahat ng sapatusan sa Liliw. Ito pa ang nagbayad ng lahat ng pinamili niya sa kabila ng pagtanggi niya.

"Ikaw na nga ang bumili ng pagkain sa bahay. Ako na ang bahala dito."

Sa bahay... she mused inwardly. The way Dojo said it made her feel that she rightfully belonged in this place.

"Precious!" tili na naman ni Mari. "Magsabi ka ng totoo. Ano'ng nagaganap diyan habang wala ako?"

Umingos siya. "Ang OA mo kahit kailan. Ano bang magaganap dito? Eh, 'di, nag-eenjoy ako."

"Anong klase ng pag-e-enjoy?" panunukso na naman ni Mari.

Nairolyo niya ang mata. Pero may sumulpot na ngiti sa labi niya. "Aminin ko man o hindi, Mari, I enjoy being with Dojo. Kahit napaka-impertinente ng lalaking 'yon. But somehow, he makes me feel..." wanted? desired? "Welcomed."

There was a happy twang in Mari's voice when she spoke again.

"Pero hindi nagpapahaging? I mean, wala naman siyang sinasabing... you know..."

Sa kabila ng lahat ay natawa siya. Naalala niya ang sinabi ni Dojo sa kanya na gusto siya nito. Simula noon ay hindi na ulit nito iniungkat ang topic na iyon. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat na ito ang may kontrol ng usapan. Dahil kung siya lang, nawawala siya sa sarili kapag kausap ito. Which she knew was wrong but she couldn't help herself.

"Mari, of all people ay ikaw ang may alam sa sitwasyon naming dalawa. Isa pa, siguro ay nag-eenjoy akong kasama si Dojo dahil ngayon lang ako nakatagpo ng katulad niya. Magkapareho kayo halos ng ugali." Except that Dojo could make me lose control of myself...

"He's a good man," sa wakas ay nasabi niya.

"A lot better than your fiancé," himutok na naman ni Mari. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya iyon pinasubalian. Ayaw niya munang pag-usapan si Jake ngayong gusto niyang mag-enjoy sa gabing ito. "Nasa'n pala 'yung lalaking 'yon? Tinatawagan ko pero hindi sinasagot ang cellphone. Palibhasa taga-bundok, eh."

Nagsalubong na rin ang kilay niya. Nang umuwi sila kanina ay basta na lang ito nawala. Hindi pa niya ulit nakita ito.

"Hindi ko nga rin alam. We're supposed to go out tonight." Nararamdaman na niyang magre-react si Mari kaya inunahan na niya. "With his friends. May acoustic night daw ngayon sa Bellara."

"Ah... Kaya naman pala."

"Ano 'yon?"

Humagikhik ito. "Mukhang kikilos na ang manok ko, ah."

Mangungulit pa sana siya nang may marinig siyang malakas na boses na tumawag.

"Yuhoo! Nandito na ang escort ng magandang binibini!"

"Mari, kita na lang tayo pag-uwi mo."

"Sige. Enjoy the night, Cinderella."

Napailing na lang siya kay Mari. Pagkatapos ay nagmamadali siyang sumilip sa labas ng kwarto niya. Laglag ang panga niya nang makita niya si Chino na nakasuot ng kulay dilaw na polo-shirt at Levis pants. He looked neat and dashing. Malayong-malayo sa huling beses na nakita niya ito na naka-sando at naka-board shorts.

"Wow!" hindi niya mapigilang bulalas. Pulos gwapo ba lahat ng mga jeepney drivers dito sa Siniloan?

Inilagay nito ang baba sa pagitan ng forefinger at hinlalaki nito. "Ayos ba? Papasa ba sa standard mo?"

Natawa siya. Pagkatapos ay tumango-tango. "You're gorgeous, Chino."

Sa pagkamangha niya ay nagkulay-kamatis ang pisngi nito. Nakamot nito ang tungki ng ilong.

"Bigla tuloy akong nahiya."

Lumapit ito sa kanya at inilahad ang kamay. She grinned at the gesture. He looked like a real gentleman.

"Ibinilin sa'kin ni Dojo na huwag ko daw hahawakan kahit dulo ng daliri mo. Pero bahala siya. Moment ko 'to."

Sa sinabi nito ay nagpalinga-linga siya. Hindi nga niya makita si Dojo. "Where is he?"

Chino grinned sheepishly. "You'll see."

Strange and BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon