Memories Of Us

6 1 0
                                    

Memories Of Us
Alexandr'

Kung sa sandaling dumating ang oras na tayo'y isa nalang alaala at nakaraan para sa isa't sa, kung dumating man ang oras na dinadaanan nalang natin ang isa't isa, kung dunating sa puntong hindi na tayo magkakilala, kahit na ang mga pangako natin ay biglang mapako, isa lang ang pakatatandaan mo, na ang ating isipan ay nakakalimot ngunit ang puso ay panghabang buhay na alaala.

Hindi ko lubo's na maisip, isang dalagang mala diwata sa ganta ang unang magpapakilala. Ang sabi mo "hello! Magandang umaga, Emilia Aster nga pala, ikaw?" kasabay nito ang pag haplos mo sa palad ko, sa lamig ng iyong kamay kasabay ng magaganda mong mata at mala rosas mong labi ay napangiti mo ako ng sandali

Ika ko "Peter, Peter Joaquin".

Mabilis tayong nagkakilala at naging mabuti sa isa't isa, sabat tayong pumapasok dahil araw araw kang dumaraan sa aking tahanan upang ako'y iyong sabayan, at sa pag sapit ng recess at tanghalian ay magkasabay tayong kumakain habang nag kekwentohan, sinabi mo sakin pangarap mo maging sundalo kahit na babae ka sa kadahilanang ayaw mong may nakikita kang inaapi. Sinabi ko sayo ang pangarap kong magtayo ng maliit na kalenderya, naaalala ko pa nung sinabi mo saaking "ako unang magiging costumer mo, promise" nangako ka at umaasa ako.

Pag sapit ng kinahapunan ay oras na ng uwian, sabay parin tayo umuwi, at habang nag lalakad pauwi ay nag kekwentohan tayo ng masasayang alaala, isa na dito yung oras na binato mo ako ng binalot bato sa papel habang nag kaklase ngunit sa kasamaang palad ay iba ang timaan.

Isang araw, sa ating paglalakad paluntang paaralan ay sinabi ko saaking gusto mo nang mamaalam, hindi mo sinabi ang dahilan kung bakit. Pero alam ko naman sa mga mata mong ayaw kong lumisan.

Ilang araw ang lumipas ay ika'y kailangan nang lumisan, hindi mo sinabi kung saan ang tungo, ka'y sakit ng sandali na unti unti kang nilalayo ng kapalaran, ka'y sakit isiping na kailangan mong mamaalam.

Lumipas ang na ang ilang araw, linggo at buwan, wala parin akong natatangap na mensahe galing sayo, hindi mo pa naman suguro ako nakakalimutan ano? Handa akong maghintay, handa akong dibdibin ang sakit, handa ako sa lahat pero...

Limang taon na ang lumipas papapasok na tayo ng koleheyo ngunit wala parin akong balita sayo.

Sa isang bayan malapit sa syodad ay dito nako magaaral, hangang ngayon inaasahan ko parin ang pagbabalik mo. Umaasa ako na sana sa muli nating pagkikita ay ako'y iyong makilala, natatakot ako sa sandaling ako'y iyong lampasan nalamang, natatakot ako sa hindimo na ako makilala dahil sa taon na lumipas.

Hindi na ba talaga kita makikitang muli? Kahit kelan hindi ako naging handa na kalimutan ka, lagi kang nasa puso't isip ko.

Kung muli man tayong magkita ay ako naman ang unang lalapit upang magpakilala, sisimulan mulit natin ang storya nating huminto dahil sa ating pagkakalayo. Hindi na muli akong papayag na pag hiwalayin tayo ng tadhana.

Lumipas ang ilang buwan, habang ako'y kumakain mag isa sa gilid ng kalsada ay isang babae ang aking nakabanga, dito huminto ang aking mundo nung nakita ko ang hiwaga sa mga mata ng magandang dalaga, hindi nako mag hihinala, tama ikaw nga.

Tuwang tuwa ako nung nakita kitang muli sapagka't muli na tayong magsasama, tinanong kita kung tanda mo pa ako "Emilia? Emilia! Ako to si peter!" kasabay nito ang mahigpit na yakap ko sayo, ngunit nalungkot ako nung hindi mo ako nakilala, ganun nalang ba ang pitong taon nating pagsasama? Maglalaho nalang sa salitang matapos nalang ilang buwan mula nung lumisan ka?

"ahh peter? Peter!" ang sinabi mo matapos mo akong mamukaan sa itsura, oo ako nga, hindi parin nag babago ikaw parin ang kaibigan ko. Niyaya kita kumain sa kalapitan upang mag istoryahan, akala ko nakalimutan mo na ako Emilia.

Ika'y aking tinanong kung anong nangyare, pero hindi mo parin sinabi ang kadahilanan, pinilit kita kung ano ba talaga upang ako'y maliwanagan pero ni-isa wala kang binangit na dahilan.

Habang nagiistoryahan ay isang matipunong lalaking naka suot na toxido ang papalapit sa ating pwesto na para bang sa iyo ang deretso, at eto na nga naka lapit na siya sa iyo at sinabing

"darling, tara na baka ma late na tayo sa reunion nating pamilya"

End.














You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Memories Of UsWhere stories live. Discover now