"gumising kana diyan sa kwarto mo babae ka" katok ni mama sa pintuan ng kwarto ko. Anu bayan si mama kay aga aga ang lakas nang sigaw haysst.
"Ang aga pa po mama" pagmamaktol ko eh kasi naman naantok pa ako bahala ka diyan ma. Itinakip ko nalang ang kumot ko sa tenga at pumikit.
"Anong aga aga ka diyan?" pinatid nang malakas ni mama ang pinto ng kwarto ko kaya napabangon ako nang wala sa oras. Tinignan ko si mama grabe galit na talaga siya.
Tumayo ako sa pagkahiga tapos ngitian c mama nang napaka sweet " Opo ma maliligo nako hehehehhe" sabi ko sabay takbo nang banyo. Grabe talaga tong c mama.
By the way ako pala si Ayesha Montecalvo 17 years old simple lang akong babae wala akng hilig mag arte hindi ko nga alam kung bakit tinatawag nila akng nerd siguro dahil nagsusuot ako ng salamin. May kaya rin kami sa buhay si mama ay meron siyang online business na mga pagkain like pizza, coconut balls at minsan meron ring mangga, kamote. Si papa naman ay isang manager sa isang fastfood restaurant. Nag iisa lng akong anak hindi ko alam kung bakit hindi pa sila bumuo para nmn may kapatid na ako HAHAHHAHAA.
Pagkatapos kung maligo ay nagbihis nako ng bago kung uniporme hehehe excited na ako sa bago kung paaralan. Pina transfer ako nila mama sa Brent University at hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko sa bago kung paaralan.
Dali-dali kung sinuot ang salamin ko at lumabas na ng kwarto, dumiritso na ako sa kusina para magpa alam na ni mama hindi nlng akk kakain busog pa ako si papa naman ay siguro pumasok na siya sa trabaho.
Pinuntahan ko si mama sa lamesa naghahanda kasi siya para sa breakfast "Mama alis na po ako" sabay halik sa pisngi ni mama.
" Kumain ka muna" -mama
"Wag na po ito nlng pong pandesal ang kaka inin ko" at kinuha ko yong tatlong pandesal sa lamesa.
"Sige ka baka himatayin ka don sa bago mong paaralan walang makatutulong sayo don kasi wala kami nang papa mo kaya hindi ako papayag na hindi ka kakain" oa talaga tong ina ko hahay.
"Ma, malalate na ako sa first subject ko wag nga kayong oa "
" Ah hehhe segi na nga basta kainin mo yang pandesal ha at bakit nag salamin ka na naman diba meron ka namn dong contact lens sayang namn yong mga pinamili ko kung hindi mo susuotin" lumungkot tuloy yong mukha niya
"Eh hindi ako sanay sa susunod nlng hehhe Bye ma labyo" sabi ko at mabilis na tumakbo palabas nang bahay.