X

257 40 1
                                    

It's been one month since I allowed Eli to court me. Nakauwi na ako ng Batangas at walang nakakaalam sa nangyari except kay Charles and Chloe. Walang nagbago sa amin,  we always update each other,  sa chat, text,  call,  video call at mas unti-unti ko na siyang nakilala dahil don. 


We both know our priorities lalo na ngayong parehas kaming gagraduate at nagiging mas open na kami sa isa't isa. Walang gabi na hindi kami nagusap, mahirap, oo,  dahil we don't see each other but still,  we have a strong connection because we always keep in touch. 


Nandito ako ngayon sa library at nagaaral about balancing equation sa chemistry.  Hindi naman naaapektuhan ang studies ko, ganun pa rin naman ang routine ko.  Actually mas lalo nga ako naganahan kasi siyempre, nadagdagan ang inspirasyon ko sa buhay. 

"Samahan mo ko sa National Book Store mamaya ha, paguwi" Kiana said.


"Bakit? "


"Hu-huh?  Wala lang may hahanapin lang akong libro."


Napatango na lamang ako bilang sagot. Hindi na kami masyado nakakatambay sa spot namin kasi nagiging busy na kami sa acads namin. 


-


"Asan na ba 'yon? " Kiana said while roaming around the bookshelves. "Ano ba kasi hinahanap mo? "


"Basta.....  Ayun! "


Napatingin naman ako sa kinuha niyang libro. "Kailan ka pa nahilig magbasa ng love stories? " natatawang tanong ko sakaniya. "Ma-maganda daw kasi 'to,  it's about two people who have a connection but didn't admit their feelings for each other. "


Napatigil naman ako dahil sa kaniyang sinabi. It,  it reminds me of Eli and I. Inaamin ko na minsan nagkukwestyon pa rin ako.  I know,  nagpaalam siya sa akin na liligawan niya ako pero never niyang sinabi na gusto niya ba ako or mahal niya ako. Parang wala akong pinanghahawakan.


"Eh-eh a-anong kinalabasan? " tanong ko. "Duh?!  Kaya ko nga binili eh,  para malaman ko. Chika ko na lang sayo after ko mabasa"



Nandito kami ngayon sa isang coffee shop,  medyo madilim na sa labas but I don't mind,  nagpaalam naman ako kay mom.I checked my phone and Eli has two missed calls.  Tatawagan ko na sana pero biglang nagsalita si Kiana. 


"Girl,  tignan mo oh, si Eli" sabay pakita sa akin ng phone niya. It was an ig story, He's wearing a tshirt and a cap.  Yun lang ang kita sa video, he's talking with his friends.  My eyes widen when I saw the next story.


It was a girl.. dancing in front of Eli,  tapos maririnig mo sa video ang kantyawan at music.  Hindi ko maaninag ang reaksyon ni Eli dahil madilim at tanging party lights lang ang nagsisilbing liwanag. But, but there's something inside my heart.  It, it feels heavy. 


"Grabe,  I'm excited na sa college life,  I want to experience that fun too. " Kiana said. 


Napatulala na lang ako.  I, i don't know what to react.  Because first of all,  Kiana didn't know the real score between me and Eli.  Siguro they thought na wala na sa akin si Eli dahil hindi ko na siya nakukwento and the other one is... Ioopen ko kaya 'to sa kaniya?  But,  nanliligaw pa lang naman siya eh.  Pwede siyang tumigil anytime.  It's his choice anyway. 

DUBBED (Social Media Series #1)Where stories live. Discover now