Kabanata 6

1.8K 69 1
                                    

Dahil sa bigla biglang pagyaya saakin ni chinitong lamig sa recto, nakalimutan kong may klase pala ako ng 1pm. Naalala ko lang nung nasa mismong book shop na kami.

Mabuti nalang, na-cancel ang klase namin dahil aabsent daw yung teacher namin dahil hindi parin siya nakakauwi galing convention.

Umayon saakin ang tadhana. Hehe.

Nakabili din ako ng apat na libro para sa dalawang major ko, 1 major, 2 different books with different authors.

Mas naiinitindahan ko kasi yung lesson pag hindi lang ako mag i-stick sa iisang libro.

Bago kami umuwi, kumain muna kami sa isang korean restau. Mula sa libro hanggang sa pagkain siya lahat ang nag bayad.

Ako na sana magbabayad nung mga libro ko pero inagaw niya yun saakin kanina nung nasa cashier na ako. So, hinayaan ko na. Alangan mag pabebe pa ako diba?

"Pag katapos nating kumain, uuwi naba tayo?" tanong ko sakanya.

"May gusto ka pa bang puntahan?" balik na tanong niya saakin.

"Wala naman. Pero sayang yung apat na oras na byahe natin kung babalik na agad tayo."

"Then think of a place where we can spend our time until before 4pm."

Dahil wala din akong naisip na pwede naming puntahan, at isa pa. Nahihiya naman ako sakanya. Nag yaya nalang akong umuwi. So bale 6pm nakauwi na kami, mismong tapat ng apartment ko.

"Thanks for inviting me today!, sa susunod ulit." sinasabi ko yun sakanya habang inaalis ang pagkakalagay ng seat belt saakin.

"Won't you invite me to come inside your apartment?"

"Ha?"

"I know whats next to that 'ha?' of yours." Ano daw?

"O sige nga, ano?"

"Its Hakdog."

Dahil sa sinabi niyang iyon ay halos maiyak ako sa kakatawa dahil sa paraan ng pagkakabigkas niya. Hindi niya bagay pre. Hahahahahaha. Napapahawak na din ako sa tyan ko. Natigil lang ako sa kakatawa ng tumikhim siya, kaya ako napatingin sakanyan.

Imbes na mainis, nakita ko pang may mga ngiti sa labi niya habang nakatingin saakin.

"Sana lagi kang ganyan. Lagi kang nakangiti Xierra Eleonor."

Natulala ako sakanya dahil sa mga salitang yun. Nang makabawi ako ay hinawakan ko siya sa braso at hinila papasok sa gate ng apartment.

"Lagi nalang akong napapatulala sa sinasabi mo babe. Hindi na healthy to ha."

Hindi ko na inalis yung shoes ko at deretso nang pumasok. Baka gayahin niya e, nakakahiya. Binitawan ko na din yung braso niya.


"Isn't good?"


"Dyan ka muna sa couch, pagtitimpla kita ng juice."

Binalewala ko yung tanong niya baka kasi ano nanaman masabi ko at malaman niyang matagal na akong may gusto sakanya. Matabil paman din itong dila ko.


Pagpasok ko sa kusina, isang milagro ang nakita ko. Mali, dalawang tao na gumagawa ng milagro. Dahan dahan akong umatras at agad agad na binilikan ko si Ice doon sa sala saka ko siya hinila paakyat sa hagdan at dinala sa kwarto ko.


"Hey, Xierra. Whats the problem? I thought igagawan mo ko ng juice."


"Hindi igagawan no, ititimplahan. Duh!" sinabi ko sakanya yun habang hinihingal. Nakatingala pa ako sakanya kasi ang tangkad niya masyado.

"Then why bring me here in... your room?"


"Ha? Halaaa! Bakit dito kita dinala?"


"Ask yourself."


"Xierra, bakit dito mo dinala si Ice?" pagtatanong ko sa sarili ko.


Nakita kong kumunot yung noo niya kaya napa peace sign ako. Hehe.


"Babe, pasensya na kung dito kita nadala ha. Nataranta kasi ako e, may nakita akong nag mimilagro sa kusana."


"Anong nag mimilagro?" Wow, innocent.


"Wag mo nang tanungin. Basta"


Mukang sasagot palang tong si chinitong lamig nang may kumatok sa pintuan kung saan kami nakasandal.


"Xie, pasensya na ha. Si Johann kasi eh." malanding sabi niya. Napasapo ako sa noo ko dahil sa kahihiyan.


"Cleya! Pwede ba doon niyo nalang ituloy sa bahay nila. Ang lapit lapit naman oh, wengya! So gross!


"Gross daw. As if naman maglalaro lang kayo ng tagu-taguan niyang kasama mo dyan sa kwarto mo?"



"Hoy! Wala akong kasama dito no? Mapangakusa!"



"Xie sige, kunwari wala akong nakita na kotse sa harap nitong apartment mo. Kunwari di ko alam na pagmamay ari yun ng sumundo sayo dito kanina. Bye, Enjooooy!"


Narinig ko mula dito sa kwarto ko yung pagsara ni Cleya sa gate. Kaya nakahinga na ako ng maluwag.



"Sino yun?" tanong niya.


"Pinsan ko."


"So, are we gonna stay here?"


"Ah, ano, pwede.... Chos! Tara baba na tayo para makauwi kana. Hindi muna kita mapaghahanda ng juice kasi ayaw ko muna pumasok sa kusina."



"Okay, fine."

Napansin kong medyo tumamlay yung itsura niya. Bakit? Di pa ba siya nakakatikim ng juice ever since?


Pag bukas ko ng pintuan palabas sa gate, isang malakas na ulan ang sumalubong saakin. Kaya humarap ako kay Ice.


"Hala! Paano yan? Baka mapaano ka kung uuwi ka sa lagay nitong panahon."


"Is that an another term for 'you can stay here for tonight babe'?" nakanigisi niyang tanong.


"Kapal! Di porque crush kita e ano ha!"



Aba hindi ganun yun, pero kung gustong mong ganon, sige okay lang. Hehe.


"Im just joking, youre too serious bubbly girl."


"Paano ka nga Ice Guiermo? Paano ka makakauwi?"

"Can't I really stay here until the rain stop? Xierra Eleonor?"


Jusko lord, biyayaan niyo po sana ako ngayung gabi na matinding pagpipigil. Chaar!


"Ahm, pwede. Pwede naman, sige upo ka muna dyan. Maghahanda ako ng makakain. Pipilitin ko nalang sarili kong pasukin kusina ko."


"Make it delicious. Make the food delicious Xierra."


"Okay babe."


Dahil sa endearment ko ay nakita ko nanaman siyang ngumiti. Hindi nanaman tuloy makita yung mga mata niya. Singkit!



______
Happy reading!











ICE GUILLERMO [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon