Chapter 58 - Sa pagputok ng Bukangliwayway

1.7K 111 95
                                    

Masdan ang araw sa takipsilimMay kulay ng dugo sa gumagapang na dilimMasdan ang bayan sa kanyang gabiMay kalat ng dugo sa lupang kayumanggi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Masdan ang araw sa takipsilim
May kulay ng dugo sa gumagapang na dilim
Masdan ang bayan sa kanyang gabi
May kalat ng dugo sa lupang kayumanggi

Kay haba ng gabing ating susuungin
Kay haba ng landas na ating tatahakin

Sa dulo ng pangarap, may langit na bughaw
Ang mukha ng silangan, may ngiti ng liwanag
Sisikat ang araw singningning ng ginto
Magbubukang-liwayway ang bagong umaga
Darating ang pangako na bagong bukas.

- Agustin Don Pagusara

Note: This is a work of fiction

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, organizations and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This will take long, brace yourselves....

0-0-0-0-0-0-0-0-0-0

Seth Kyrie

Last week of October, 20xx

Neopolitan Manila Medical Center

Nakailang buntong hininga na ako, nasa labas ako at nakatingala sa logo ng ospital. Parang sumasayaw ang mga banner at ang bandila sa alapaap. Nagkalat din ang mga tarpaulin.

Isang buntong hininga ulit.

"Welcome Delegates" yun ang nakita ko sa mga karatula.

Para bang ang pintig ng puso ko lang ang aking naririnig, yun lang ang tanging tunog na umaalingawngaw.

"Kaya mo yan Sky"

Bakit kasi sa dinami-dami ng venue ay dito pa gaganapin ang hinayupak na interview na yan. May mga hotels naman, may mga ibang institution naman, kaya din naman naming bumiyahe pa-Q.C- dito talaga?

The Philippine College of Surgeon General Membership Forum and Board Certification

Itutuloy ko pa ba ito? O tatakbo na lang ako?

One in a Million Chances (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon