Day 2 : Encounter

10 0 0
                                    

Malamig ang hangin na lumalapat sa balat ko. May panaka nakang kidlat sa kalangitan at hindi ko alam kung nasaan ako. Kada kikidlat ay magliliwanag kaya naman sinamantala ko iyon para malaman kung nasa anong klaseng lugar ako.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at napagtanto kong nasa isang malaking arena ako na walang bubong. Bitak bitak na ang sahig na tinubuan ng mga damo. Nilulumot na rin ang nakapaligid na malalaking poste rito. Pabilog ang hugis nito na wari'y isang orasan na bato at nakaturo ang isang kamay sa hugis talang ginto na nasa gilid nito at matalim na matalim ang bawat dulo niyon.

Ilang sandali pa'y bumuhos ang napakalakas na ulan dahilan para mabasa ako. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nagbakasakaling may masilungan kahit maliit na bahay o puno. Ngunit puro bukirin ang nakikita ko. Para bang trapped ako sa bilog na ito na siyang lumang luma na. Ilang sandali pa, may nahagip ang mga mata kong isang nilalang. Wari ba'y nakasilip ito at nagtatago sa isang poste na nakapaligid sa malaking bilog na kinatatayuan ko.

"M-may tao ba dyan?" Kahit pa nanginginig ang boses ko dahil sa takot ay pinilit kong magtanong sa pagbabakasakaling tulungan akong makahanap ng masisilungan. Akmang lalapitan ko ang posteng pinagtataguan niya ng lumabas ito subalit nakatalikod. Kitang kita ko ang malaki at itim na itim nyang pakpak at ang makintab na balahibo nitong basa. Naglakad ito papalayo kaya naman minabuti kong sundan ito.

Ilang sandali pa, biglang itong tumigil sa paglalakad at humarap sa akin. Kitang kita ko ang lamig sa abong mga mata nito.

"Ravish" tawag nito sakin habang malamlam ang mata na para bang sobrang lungkot niyon.

Nagmulat agad ako ng mga mata at hinihingal na humawak sa dibdib. Napanaginipan ko nanaman. Agad akong tumingin sa alarm clock na nasa study table ko. Alas dose na pala ng gabi. Sa ilang taon kong napapanaginipan ang lalaking iyon, ngayon lang nag-iba ang pangyayari pero hindi nagbabago ang lamig at lungkot sa mga matang 'yon.

Pababa ako sa kusina para uminom ng tubig ng biglang mamatay ang ilaw. Nag brown out pa ata. Kumuha na ako ng tubig at ininom 'yon. Paakyat na ako ulit ng kwarto ng bigla akong makarinig ng malakas na hangin na para bang may malaking nilalang na lumilipad sa taas ng bahay. Minabuti kong silipin 'yon para na rin mapanatag ang loob ko lalo't binabagabag nanaman ako ng mga panaginip ko. Agad kong kinuha ang flashlight na nasa drawer ng cabinet sa salas at binuksan 'yon.

Ilang sandali pa, naramdaman ko ang unti unting paglakas ng hangin at paglamig nito na dumadampi sa mukha ko. Hindi pa man ako nakakarating sa pinto ay biglang bumukas yon dahilan para pumasok ang sobrang lakas na hangin na pakiramdam ko'y niyayakap ako. Hahakbang na sana ako para isara yung pintong binuksan ng hangin ng biglang may bumagsak sa tapat ko. Isang lalaki. Kitang kita ko ang itim na itim niyang pakpak at ang makintab nitong balahibo. Nakaluhod ito at nakayuko saakin ngayon hanggang sa nagtama ang mga mata naming dalawa. Para bang hinahatak ako ng prisensyang iyon nang ilahad nya ang mga kamay nya sakin at hindi ko na napigilan pa't binigay ko sa kanya ang kamay ko.

"Ravish" wika niya habang nakatingin sa mga mata ko at nakahawak sa kamay ko. Ilang sandali pa'y nakaramdam ako ng unti-unting panghihina at panginginig ng tuhod dahil sa matinding enerhiyang lumulukob sa buong pagkatao ko. Naramdaman ko rin ang unti-unting paghapdi ng batok ko na para bang nasusunog iyon.

"Ravish!" sigaw nang lalaking may itim na pakpak at unti-unti nang naglaho ang imahe nya sa paningin ko.

Napamulat ako ng mata nang maramdamang may tumatamang init sa mukha ko. Nasisinagan pala ako ng araw dahil malamang tanghali na. Napatingin naman ako sa kaliwang bahagi ng kama ko at nakita ko doon si mama na mahimbing na natutulog at nakadukdok sa gilid ng higaan. Nang ginalaw ko ang mga kamay kong hawak nya ay agad naman syang nagising.

60 Days Summer Of Rosa (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon