CHAPTER 1

53 4 0
                                    

5 years later

Ruby's  POV

"Ruby?"

"Ruby Monty!? ay oo nga Ruby babe!!"

Napangisi na lamang ako sa aking nakikita, sino ba naman kasi ang hindi mapapangiti eh kung makatawag parang ito lamang ang tao dito sa airport.

Nakangiti akong lumapit sa kanya dala-dala ang aking maleta.

"Halaka girl! ikaw na ba talaga yan!!!!?" halos pumiyok na itong pinsan ko na siyang naghintay sa akin dito.

"Hindi ata" nakangisi ako habang sumasagot.

" Ay hala nanirahan lang sa Cebu ng limang taon, nag-iba ng ugali" nakangusong sambit nito.

"Luhh nabubuang kana? hallucination lang yan insan, huwag kang magpapadala", inis ko pa sa kanya, iyon naman talaga ang katangian ko, I teased a lot lalo na sa mga relatives ko, especially this Riri babe.

"Ano bayan Ruby lika na nga!" inis nitong inalis ang aking kamay sa hawak kong maleta sabay alis.

"Ay puta hoy Riri umayos ka dyan!" mas lalo akong ngumisi ng itinaas niya ang gitnang daliri sa ere habang naglalakad papunta sa nakapark na sasakyan.

"Kahit umula't bumagyo hindi talaga to magbabago" I sighed when satisfaction is written in my face.

Sa lahat kasi ng mga pinsan ko ay ito lang ang pinakaclose sa akin, alam niya ang lahat ng gagaguhan ko noong bata pa kami, we're the same 24 years old right now pero tong mga bibig hindi parin nagbabago mas lalo pa atang lumala eh napakamot na lamang ako sa naisip.

Agad akong pumasok sa loob at itong kanta ang agad bumungad na nagpahinto sa aking makaupo dahil para akong natulos sa kinatatayuan ko ngayon because of some memories that I'd want to cherish way back, mga ala-alang pilit ko nang kinalimutan.

Mga ala-alang dapat huwag nang hukayin, dapat ay ilibing na habang buhay.

"Well you only need the light when it's burning low, only miss the sun when it starts to snow
only know you love her when you let her go

only you've been high when you're feeling low
only hate the road when you're missing home
only know you love her when you let her go
and you let her go""

Naestatwa pa ako dito sa kinaroroonan ko ng magsalita si Riri.

"Shit ano bayan ang bagal mo Ruby babe" pagalit na sambit ng pinsan ko pero hindi naman kapani-paniwala, huwag ako ang lukuhin may babe sa dulo ng salita niya hakhak bati na agad kami yehey!

Pinagpawisan ako dun ah buti nalang iniba ni Riri ang tugtog dahil mukhang napansin niya ata ang pagkaestatwa ko ng marinig ang let her go na kanta.

let her go....

Ito na naman tayo sa katagang to.

Isinuot ko na ang seatbelt ng makaupo na ako, agad ko naman hinalungkat ang Instagram ko, I've been posting my pictures in here mabikini, pagkain o kaya magagandang tanawin kaya naparami narin tong followers ko, 300k+ iyon, mukhang nagagandahan na ata sakin tong mga tao ah isipin mo hindi naman ako sikat pero pinatulan padin tong account ko, tao nga naman ining.

Agad akong nagkuha ng video sa aking pinsan habang nagmamaneho tapos sakin naman, pangiti-ngiti ako sa video tas nagadd ako ng caption na ' here I am'.

Ilang minuto pa lamang ang nagdaan mga 50k views na ata tong story ko sa IG yikesss mukhang madaming online ngayon ah.

Pagkatapos kong magpost at nagscroll ng kunti ay ibinaba ko na tong phone ko sabay tingin sa paligid, sa labas kung saan itong lugar na halos libutin namin noong ni Dan~

ROMANTICO SERIES 1: His Only PleaWhere stories live. Discover now