"Yes hello? Yes book me a flight for the day after tomorrow I'm going back to the Philippines as soon as possible. Thankyou"I hang up the phone after talking to my Papa's secretary.
After for almost 10 years living here in London, finally I'm going back. Sa totoo lang ayoko pa sana bumalik pero kailangan ako ni Papa. Alam naming lahat sa pamilya na may malubhang sakit si Papa kaya lahat ng hiling nya pinagbibigyan namen.
And this is his wish, na bumalik ako ng Pilipinas at doon magtrabaho para makasama naman daw nya ko.
"Gio pare di ka pa ba bababa? Nakahanda na sila lahat don tara na"
Tonight, is my despedida party. Hinanda to ng best friend kong si Lance para naman daw mag enjoy ako sa last day ko dito sa London. Konti lang ang invited at talagang mga close friends lang dahil wala naman akong gaanong kaibigan. Puro aral lang inatupag ko habang andito ako, ayoko madisappoint ang pamilya ko. Siyempre, lalo na sya.
Bumalik nanaman sa alaala ko ang mga masasaya naming memories at diko namalayang nakangiti na pala ko.
"Pare para kang asong nakangisi dyan ano ba nasa isip mo ha?" Tanong ni lance.
"Wala, wag kana nga mangialam dyan tara na uminom nalang tayo"
Tinapik ko sya sa balikat at inaya na sa table kung saan andon ang mga kaibigan namen.
Ngayong araw na ang flight ko maaga akong gumising para di ako mahuli kaya pagdating sa eroplano tulog na tulog ako. Di ko nga namalayan na malapit na kaming lumapag.
And here I am andito na ulit ako sa Pilipinas kung saan nagsimula ang lahat.
Dumeretso na agad ako sa bahay namen at doon ko nakita ang aking Papa na busy magbasa ng Dyaryo kaya di agad napansin ang pagdating ko."Hey Son! U're finally here, thank God" masayang sabi ni Papa at sinalubong ako ng yakap.
"Mabuti naman pinagbigyan mo ang hiling ko, masaya ko na andito kana ulit anak"
"Ikaw pa ba Pa matitiis namen" ngiting sabi ko.
"Oh by the way, nagpahanda ako ng hapunan tara na sa lamesa"
"Sige po Pa."
Inalalayan ko syang tumayo at tumungo na nga kami sa lamesa. Di ganon kalaki ang bahay namin dahil galing lang naman kami sa hirap, pina extend lang ni Papa ito ng magkapera na kami. Ayaw kasi nyang ibenta to o bumili ng bagong bahay dahil andito ang memories nila ni Mama.
Pagkatapos ng hapunan ay umakyat nako sa kwarto ko at nagpahinga. Bukas na bukas pupuntahan ko ang dati kong eskwelahan at bibisitahin ang aking Tito na ngayo'y School Principal na doon. Nabanggit din ni Papa na nakiusap daw sakanya si Tito na baka pwede doon muna ako magturo dahil tapos naman ako sa kursong Education dahil magreretired na ang isa sa matandang guro doon.
Pumayag naman ako dahil hiling ulit yon ni Papa.
Kinabukasan pumunta nako sa eskwelahan.
Naglalakad ako sa hallway papunta sa office ni Tito ng may mahagip ang mata ko. Para akong namamalimata, imposibleng makita ko sya matagal na syang wala. Pinakatitigan ko pa ang babaeng nakaupo sa isa sa mga bench habang nakikipag usap ito sa isang lalaking estudyante rin. Kamukang kamuka nya talaga iyun.Lalapit na sana ako ng bigla namang tumayo ang babae at naiinis na naglakad habang nakasunod sakanya ang lalaking kausap neto kanina.
Pinagsa walang bahala ko nalang ang nangyari at nagtungo na sa Principals Office.
"Salamat talaga Gio iho, tatanawin ko tong isang malaking utang na loob. Wala kasing agad mapili ang mga heads kung sinong pwedeng ipalit kay Mrs. Sally dahil hindi birong section ang hawak neto"
"Don't bother tito. Di naman po kayo iba saken eh and ako dapat ang magpasalamat dahil mas marami po kayong naitulong saken"
"Sige iho, bukas pwede kana magsimula andyan na sa folder na binigay ko sayo ang schedules ng klase mo"
"Sige po tito, mauna nako"
"Mag-iingat ka ikamusta moko sa kapatid ko ha"
Eto na ang First Day ko dito sa Arellano High School, kung saan ako nagtapos ng highschool.
Inayos ko ang unipormeng suot at naglakad na papunta sa klase ko.
Pagpasok ko, diko alam kung classroom ba o impyerno ang napasukan ko. Kaya pala puro paalala saken ni Tito kahapon at sabi'y walang may gusto pumasok sa klaseng iyon.Magulo ang lamesa, ang mga upuan di mo alam kung saan patungo. Ang mga babae puro daldalan at ang iba ay busy kakamake-up. Ang mga lalaki naman busy maglaro sa kanilang mga cellphones at ang iva ay tila may concertsa likod at kumakanta.
Tumikhim ako at inayos ang aking tayo. Sapat na para mapansin nila ang presensya ko.
"Goodmorning. I'm Sir Gio, and from now on I'll be your teacher for Oral com"
Nagulat ako ng lahat sila ay nakatulala sakin at parang ngayon lang ako nakita.
Oo nga pala bago lang ako dito."Bago lang ako dito at sana ay maging maayos ang patutungo naten sa isa't-isa"
Sandaling katahimikan. At eto nanaman sila nagkakagulo at nagsisigawan.
Pilit kong pinakalma ang aking sarili at sinimulan na ang klase. Wala akong pakialam kung magulo sila basta kung sino lang ang nakikinig iyun lang. It's their lost anyway kung bumagsak man sila sa subject ko.After ng lesson ay nagpaquiz na agad ako. Medyo tumahimik naman na ang paligid dahil abala sila magkopyahan.
Nang magcheck kami ay lima lang ata ang nakapasa sa 10 item test out of 35 students na andito sa loob ng classroom."Sir bat po kasi di nyo kami sinabihan na naguumpisa na po pala kayo magklase, yan tuloy bagsak kami"
"I'm sorry the moment I enter your classroom it means na start na ng klase ko and I don't care kung di kayo makikinig. It's your lost. So next time, I hope lesson learned class"
Palabas na sana ko ng room ng may isang estudyanteng pumasok at dere-deretsong umupo. Di manlang talaga ako pinansin.
Nang humarap ito, agad ko itong nakilala.
Sya yung kahapon sa may bench.
---
Date Published: May 11 2020
10:50pm