Ally's P.O.V.
Tatlo na sa amin ang namatay. Kunti na lang ang oras namin. Kapag hindi namin matatapos ang larong ito ay nasisigurado kong makakatikim kami ng punishment mula sa Master.
Sabi ni Honey na ang pattern ng ilaw ay red, red and green. Ibig sabihin kapag kag green na, that's my que to press the button sa likod ng statue. Pero kanina kay Marsha mapipindot na sana niya iyon but then natamaan siya ng bow ng biglang umikot ang statue. Huminga ako ng malalim. I guess alam ko na kung ano ang dapat kong gawin.
"Stay here," sabi ko sa kanila. Saka naglakad papalapit sa statue ng mag green na ang ilaw.
"Ally becareful," bilin ni Reixel sa akin.
"Maghanap ka ng timing, I'm sure na maipapanalo natin 'to," sabi naman ni Honey.
Natigilan kami ng biglang nag red ang ilaw. Narinig ko ang malakas na tibok ng aking puso. Sana matapos na ang larong 'to. Gusto ko nang umalis sa malaimpyernong lugat na ito.
Red light. After this, red light ulit. Kailangan kong maghanda kapag nag green na ang ilaw. Humarap ang statue ng mag red light ulit. Nakakatakot ang mukha nito. May nakakaloko itong ngiti. Medyo napalunok ako ng laway sa kaba.
Umilaw na ang green light. Nagmadali akong tumakbo para pindutin ang blue button. Napindot ko ito ngunit bigla itong nag red. Humarap ito sa akin. Sh*t katapusan ko na. Ipinikit ko ang aking mata saka hinintay ang pagtusok ng palaso sa aking noo.
Click!
Napadilat ako ng marinig anh tunog na 'yon."A-Ally nagawa mo!" hindi makapaniwalang sabi ni French.
Bumuga ako ng malalim saka naglakad pabalik sa kanila. Ginawaran nila ako ng matamis na ngiti.
"Thank you Ally you made it," bati ni Reixel sa akin. Napatingala ako sa timer. 1:23 minutes left. Buti na lang at naihinto namin ang laro.
"Good to know na walang mapapunished sa atin ngayon," sabi naman ni Honey.
"Oo nga tama ka," pagsang ayon ko.
"Ayos ka lang Celes?" tanong ko. Nag thumbs up lang siya saka ngumiti. Muling tumunog ang walkie talkie sa may stage. Humarap kami rito.
"Player number 01, 09 and 13 your game is over." Anunsyo nang Master. "The rest of the players, congratulations for winning the stage 03 of the game." Masayang bati nito sa amin. Sinamaan lang namin siya ng tingin.
"Are you all ready for our next game?." tanong niya sa amin. Hindi kami sumagot.
"Silent means yes hahaha." sabi nito sabay tawa. Nakakatakot ang tawa niya. Parang robot na nagsasalita sa radyo.
"The venue of our next game is inside the door with the red paint," pagpapatuloy niya. Iginala ko ang aking paningin dito sa loob ng court. Nahanap ko na. Nasa tabi ito ng stage.
"I found it," sabi ko sa kanila. Itinuro ko kung saan ito naroroon.
"See you there," huling sabi ni Master bago ito nawala.
"I think I'm not ready for the next game," sabi ni French ng magsimula na kaming maglakad.
Huminga ako ng malalim. "Ako nga rin," sabi ni Reixel. Paika-ika parin ito kung maglakad.
"Hindi pa tayo nakakaisang araw rito pero feeling ko pagod na pagod na ang katawan ko," sabi ko sa kanila.
Nagthumbs up lang si Celestria saka tinuro-turo ang sarili niya saka nag a-acting na parang pagod. Natawa naman kami sa kanya.
BINABASA MO ANG
Animus: Escaping Death
Mystery / ThrillerAs the game progressed, the girls realized they weren't the only six playing inside the facility. Can they make it to the end? ***** Honey, Kazianna, Reixel, Celestria, French, and Ally awoke to find themselves shackled and seated on large wooden ch...