Chapter Five

11 0 0
                                    

Chapter Five

"AAAAAHHHHHHH!" maarte kong sigaw. Sino ba naman hindi mapapasigaw diba?

"Sshhh baka may makarinig sayo." at talagang gusto nya whisper sa ears lang ah?

"S-sino ka?" kinakabahan pero dapat matapang lang Ysa.

"Ako ang Mother ng mga mother." ano daw? edi lola sya?

"Ano ho?" Okay lalaki sya guys pero mother. You knows. Rainbow. We support LGBTQ+!

"Ako si mother." okay.

"Mother ano ho?" tanong ko kasi naguguluhan na ako.

"Mother ng mga mother. Wag ka na masyadong magtanong, eto naman kala Miss U ang labanan dami question." aba? Sumasagot.
Tinulak ko sya sa may binata at napasigaw sya.

Bali buto non. Joke. Mabait ako.

"Ah? Ano ho bang ginagawa nyo dyan mother? Magnanakaw ho kayo? Bakit nyo ho ako kilala?" magpapaalam ata to bago kumuha ng gamit. Nako di nya need kasi bibigay ko lahat ng taba ni auntie hahaha. Chour!

"Nagpakita ako sayo dahil mukhang natuklasan mo na ang panyo." kinikilig pa sya. Vaklang to! Kaenes.

"Dahil may busilak kang puso, mabait sa mga nangangailangan kahit wala ka rin naman pero tinulungan mo ako kaya iyan ang gantimpala ko sa iyo." nawindang aketch sa sinabi ni mother. Alam kong mabait ako pero bakit panyo? Walang iba mother? Chour!

"Eh bakit ho panyo? At wala naman ho akong maalala na tinulungan ko kayo mother." tumawa naman ito na parang naloka na, kakatawa nya nakalunok sya ng lamok.

"Ayos ka lang mother? Wag na ho kayong tumawa. Pumasok ho kayo dito. Di na lang kayo kumatok sa pintuan. Umakyat pa talaga kayo sa bintana?" katuwa tong vaklang to.

Umupo kami sa kama ko. At amp napakaganda nya. Kamukha ni Vice President. Yung sa showtime. Yung nanghamon kay Quinilao. Chour! Whatevah!

"Kung hindi mo natatandaan ay ako ang batang musmos na natutulog sa tabi ng palengke." napaisip ako, ay nashookt ako dzai! Sya yon? Eh bata yon e.

"Ah naalala ko na ho mother." hinampas ko pa sya sa balikat. Feeling close ako e.

"Hindi lang isang bases kundi lagi mokong inaabutan ng pagkain. Kaya heto ang panyo." inabot nya sakin yung panyo na amoy pawis.

Tiningnan ko lang sya at tiningnan nya rin ako. So nagtitinginan kami. Malinaw baga? Ala eh!

"Iyang panyo ay may powers. Kaya nitong baguhin ang pangit mong mukha. See oh dear may pigsa ka sa pisnge." bastos to si mother. Pigsa daw bulkan yan. Hawak hawak ko ang panyo at tiningnan lang ito.

"May kilikili powers ho pala ito mother. How to on the power ho para gumana?" gusto kong malaman hindi naman dahil gusto kong gumanda part na yon pero diba? Kung ako ikaw? Wala lang.

"Kelangan mo lamang na ipunas sa mukha mo yan Ysa at lagi mong dalhin kahit saan ka pumunta. Nawawala ang bisa nyan kapag naliligo." anak ng tatay. Kaya pala bumalik sa dati mukha ko e. Naligo ako kanina. Akala ko kasi ligo lang kelangan ko. No ligo from now on Ysa.

Pinunas ko sa mukha ko yon ng biglang lumiwanag. Sobrang nakakasilaw. "Mother? Why are you switching on? Nakakasilaw ho." Tumawa lang ito at nawala ang liwanag. Nawala na din si Mother. Hala? Sumama sya sa liwanag dzai.

Napatingin ako sa salamin. "AAAHHHH!" paos na ata ako. Bakit ba ako sigaw ng sigaw kasi?Gumanda na ulit si Ysa. Kelangan pala ipunas sa feslak, kahit amoy pawis. Tinali ko uli yon sa buhok ko. Tumingin ako sa salamain at parang nananaghinip lang ako. Akala ko sa libro lang to, sa palabas pero totoo sya. Napangiti ako.

Lahat ng mga magagandang asal na ginagawa mo sa kapwa mo napapalitan ng magandang biyaya. Thank you Lord! Thank you mother of the mothers.

Naiiyak pa ako ng medj medj. "Ma at pa? See oh? Im pretty na".

Panyo ni YsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon