Dreaming of the Stars

15 0 0
                                    

Simula

"Sir, pwede namang iba na lang gawin ko kung gusto nyo ako bumalik. Bata pa po ako at may pangalan akong iniingatan para sa kinabukasan ko. Baka naman po pwedeng hindi na sumayaw"

Kanina pa ako nagmamakaawa sa amo ko na hindi na sumayaw. Isipin mo na sobrang bata ko pa para sa ganito at hindi ko na kaya kasi nag-aaral pa ako at may pangarap pa ako. Ayaw ko namang madungisan agad ang pangalan ko.

" Clara, paano? Gusto kitang ibalik kasi maraming naghahanap sa'yo. "

Babalik naman ako pero hindi ko na dapat gawin yung pinagagawa nila. Sasayaw ka sa harap ng mga lalaki tapos yung damit mo sobrang iksi. Ayaw ko naman maging mainit sa paningin nila at pagnasaan ako.

"Sir, Kanta po! Kaya ko pong kumanta.  Gawin nyo pong bagong gimik sa Club nyo. Magseserve pa rin naman po ako pero ayaw ko na sumayaw ng ganoon  sir. " Sagot ko. Nag-explain pa ako ng gusto kong mangyari at sana makumbinsi ko na sya.

"Pag-iisipan ko pa. Basta pumunta ka mamayang gabi." Sabi nya at ibinaba  na ang tawag.

Dumiretso na rin ako sa susunod kong klase at noong patapos na ay naisipan kong pumunta na, baka sakaling magbago ang isip nya at payagan ang gusto ko.

Malakas na tugtugan at ingay ng mga nagsasayawan at nagsasaya sa gitna ng bar ang sumalubong sa akin. Marami ang nagbubulungan dahil di magkarinigan, at para nang naghahalikan sa sobrang lapit ng mga mukha.

Nilapag ko agad ang bag ko sa isang sulok sa loob kung saan magkakasama ang mga "Performers" daw kumbaga. Sumasayaw, para magbigay ng aliw sa mga mayayaman na kayang magsayang ng pera para sa pagnanasa. Karamihan ay mga estudyante sa mamahaling unibersidad.

"Pang-ilan ba ako ngayon?" tanong ko kay Chiena na naglalagay ng sobrang pulang lipstick sa kaniyang labi.

"Huli, ngayon ka na lang daw ulit bumalik sabi ni Boss eh tsaka may iba ka raw gustong gawin" sagot nya habang nagpupunas ng mga lumagpas na kulay sa gilid ng labi.

"Sige, labas lang ako ah. Yosi" Inangat ko ang kamay ko at tinuro ang labas.

Mas narinig ko ang ingay, dumami pa lalo ang mga tao. Siguro ay may event kaya ganito. Marami akong nakikitang di pamilyar eh.

Tinanaw ko ang mga tao, ang bawat mukha at kanilang mga ginagawa. Karamihan ay mga lalaki na mukhang mayayaman at conyo magsalita. Namumula na at parang kanina pa nagkakatuwaan. Nilibot ko pa ang paningin hanggang sa naging pamilyar na ako ulit sa amoy, ingay at nakikita, at dumiretso na sa labas.

"Miss, may lighter ka ba dyan?" tanong ng isang lalaki na parang nag-aaral sa UST o FEU? Mukhang fuck boy eh.

"Yes, do you want me to light up your world?" sinabi ko kahit na mukha syang seryoso na naghahanap talaga ng lighter para masindihan na yung yosi nya, na kanina pa naghihintay na magbaga katulad nya. Mukha syang iritable.

"Charot" dugtong ko

"Im not here for a talk with a stranger, miss. Just let me borrow your lighter. "

Nagsalubong ang kilay nya habang masamang nakatitig sa akin. Sa isang tingin mo pa lang sa kanya, mukha nang inalagaan at binabad sa aircon at sabon na mamahalin. Sakto ang puti, malinis tingnan, matangkad, matangos ang ilong, maganda ang pormahan, at maganda ang pagkakaayos ng buhok na mukhang malambot kapag hinawakan. Pero it's a big NO for me. Mayaman.

Pinahiram ko yung lighter ko habang nag-iisip kung bakit hindi vape ang gamit nya, eh ganun kadalasang nakikita ko sa mga estudyanteng nagyoyosi dito, pero never mind.

"For whatever reason you are here, wag ka magpakalugmok sa alak o tuwa na nandito. Saglit ka lang niyan matutulungan pero di talaga masosolve yung problem mo. Just saying"

Dreaming of the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon