OZONE (Unique T. Salonga Fanfiction)

16 2 0
                                    


ONE SHOT STORY by burgerpizzafries


Ika-labing pito ng Marso, taong isang libo siyam na raan at siyamnapu't anim


"Pa, sige na, please? Payagan niyo na ho ako, oh? Baka iyon na ang huling beses na makita ko ang mga kamag-aral ko,"


"Manahimik ka, Victoria. Matuto kang pumirmi dito sa bahay," mariing sabi ng aking ama. Kaysa magmaktol pa ay agad akong lumapit kay Mama upang magpaalam.


Alam ko namang hindi niya ako matitiis, at ayaw kong magpatinag sa sinabi ni Papa.


"Ma, alam niyo naman pong tutungtong na ako sa kolehiyo, at pati na rin ang mga kaibigan ko. Sige na, Ma? Please?" patuloy kong pagmamakaawa. Tumingin ako sa kanya na tila naluluha na. Gusto ko talagang dumalo sa party na iyon!


Narinig kong bumuntong hininga ang aking ina, na siyang bumuhay ng aking dugo. Alam ko na ang ibig sabihin nito.


Lumapit siya akin at bumulong, "Sige na, Victoria. Basta ipangako mo sa akin na uuwi ka bago mag alas-onse ng gabi,"


Niyakap ko naman si Mama at muntik na ako maluha sa tuwa. Agad akong pumanhik sa kwarto para i-message ang mga kaibigan ko. Talaga namang saktong-sakto ang pagpapabili ko ng load card kanina sa tindahan ni Aling Nena.


*Kring* *Kring*


Bago pa man tuluyang pumalahaw ang tunog ng telepono sa buong bahay ay lumabas na ako ng kwarto para kuhanin ang tawag.


"Mahal! Please tell me na pinayagan ka ng parents mo for tomorrow," sabi ng nasa kabilang linya. Ang nobyo ko pa lang si Matteo.


Napangiti naman ako, "Ikaw talaga, kahit kailan napaka-coño mo!" sagot ko sa kanya at bahagyang binabaan ang boses, "At oo, pinayagan ako ni Mama. 'Wag kang maingay, ha? Balak ko kasing sorpresahin si Catarina bukas,"


Narinig ko namang tumikim siya, "Alright! Sunduin kita bukas sa kanto, ha? Excited na akong makita ka!"


Pinutol ko na ang tawag kasi alam kong malaki na naman singil nito sa bill ng telepono. Kung bakit ba kasi ang hirap makipag-communicate sa panahong ito?


"Victoria! Lumabas ka nga muna at bumili ng paminta! Nalimutan kong bumili sa palengke kanina," narinig kong sigaw ni Mama sa baba.


At dahil pinayagan niya ako para bukas, kahit ano pang iutos niya ay gagawin ko.


-


"Aba, dalagang-dalaga ka na, Victoria, ah! Ang ganda-ganda mo na!"


"Si Tita naman! Ako lang po ito, hehe," sagot ko naman sa kanya.


OZONE (one-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon