THOAMB #3 - Call

2.2K 88 0
                                    

Chapter 3

Lara's POV

"Hoy babae bakit ngayon ka lang?" bungad sakin ni Anna pag pasok ko sa coffe shop. Sinuot ko muna ang apron na gagamitin ko bago sya sinagot.

"May nakakainis kasing boss na may sapi ata o baliw lang talaga na kung ano ano pang ginawa para lang mapapili ako."

Pumunta na ako sa pwesto ko pag ka sagot ko sa tanong nya, wala ako sa mood para mag kwento pa. Naiinis ako sa lalaking iyon. Ano ba naman kasi ang nasa isip nya at ganun ang mga naisip nyang pag pipilian.

Pag nakita ko sya uli baka masapak ko na sya bigla.

"Uy Chad kumusta?" napalingon ako dahil sa sinabi ni Anna. Chad? As in Chadler Sandoval? Nakita ko ang isang lalaki na pumasok ng coffe shop at tama nga si Chadler nga ang lalaking ito. Nilapitan sya ni Anna at nag usap sila, nakita ko pang tumawa si Chadler. So marunong pala sya nun, kala ko kasi robot ang isang iyan.

Muling bumukas ang pinto ng shop at automatic na tumaas ang kilay ko nang mag tagpo ang mga mata namin ng bagong dating. Seryoso ang mukha nya at parang handa itong manapak ng kahit na sinong babangga sa kanya. Inirapan ko sya at pumunta na ulit sa pwesto ko, naiinis parin ako sa kanya.

Lumapit si Anna dala ang mga order nila.

"Lara tatlong ice americano sa table 4, paki bigay na rin sa kanila pag tapos. A-ano kasi m-masakit ang tyan ko mag c-cr muna ako." Hindi na ako naka angal dahil kumaripas na sya ng takbo paalis. May iba namang pwedeng mag bigay bakit ako pa.

Ginawa ko na ang order nila at dinala iyon sa kanila. "Here's your order sir." Magalang kong sabi sa kanila kahit gusto ko na silang sapakin parehas.

Aalis na sana ako pero agad nya akong pinigilan. "Hey woman, let's talk." Di ko sya pinansin at nag tuloy tuloy na pabalik sa pwesto ko. Wala akong balak kausapin sya dahil baka mawala ang inis ko at pumayag na ako sa gusto nya.

Di nag tagal ay narinig ko nalang ang pag bukas at pag sara ng pinto, nakita kong palayo na sila sa coffee shop. Napabuga ako ng hangin feeling ko tuloy ang sama ng ginawa ko, gusto lang naman nya ako makausap e.

Natapos ang shift ko sa coffee shop. Nag paalam muna ako kay Anna bago lumabas ng shop.

"Nasaan ba ang cellphone ko?" tanong ko sa sarili ko habang hinahanap ang cellphone sa bag ko.

Saktong mahanap ko ito. "Aray." Angal ko ng may makabangga ako.

"Nako sorry miss." Sabi ng nabangga ko. Tinignan ko sya maigi. Naka suot sya ng eyeglasses at naka baba ang buhok nya pero kita parin ang kapogiang taglay nya.

"Okay lang, sorry din." Sagot ko sa kanya at umalis na. Parang may mali sa lalaking iyon. May kakaiba sa mga ngiti nya.

Pag karating ko sa bahay ay nag palit muna ako ng damit pag katapos ay nag luto at kumain na.

Kinuha ko ang cellphone ko dahil nag ring iyon.

"Hello?"

"Stay away from him." Kinilabutan ako dahil sa tono ng boses na mayroon ang taong kausap ko. Bago pa ako makasagot at makapag tanong ay naputol na ang tawag.

Hindi pa man ako nakakabawi sa takot ay tumunog nanaman ang cellphone ko.

"H-hello? S-sino to?" kinakabahan kong bungad sa tumawag.

"Hey woman, why are you stuttering?" naka hinga ako ng maluwag nang marinig ko ang boses na iyon.

"Sir L-lucas." Nawala ang takot na nararamdaman ko dahil sa kanya. Ang weird man pero feeling ko ligtas ako pag andyan sya.

The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon