9

19 1 0
                                    

Maaga akong nagising ngayong araw at mabuti naman at nag announce na wala kaming pasok ngayon at bukas. Pupwede na akong pumunta mamaya sa bayan!

Teka? Sinong sasamahan ko sakanila? Di kaya magalit ang isa kapag namili ako??

Andito ako ngayon sa hapag kainan namin. Niyaya ako ni nanang na mag agahan dahil maaga nga akong nagising.

"Kumain ka muna ate mamaya mo na isipin yon."

Dumaan ang kapatid ko sa likod at sinabi iyon,,  Agad naman nawala sa isip ko ang dalawang nagyaya saakin na pumunta ng bayan.

Si Qlein nga pala ang isasama ko! Bakit ko pa iniisip ang dalawang iyon!! Lalo na yung mokong nayon!

"Gusto mo bang sumama kay ate mamaya?" pag aya ko ng malambing sa kapatid ko.

Hindi ko nalang siya sinungitan dahil kelangan ko siya isama mamaya.

"San tayo pupunta ate?" tanong naman niya saakin habang nagsasandok ng kanin at nilalagay sa plato ko.

"Sa bayan ading. Hindi ba't piyesta ngayon?" sambit ko sakaniya ng malambing at pag papacute ko pa.

Biglang nagliwanag ang mukha niya at binitawan ang sandok at ang kanin para yakapin ako.

"Akala ko hindi mo na ako isasama ate e" sumimangot siya saakin,

Sus paawa pa tong kapatid ko e!!

"Hindi mo ako sinama kahapon ate e! Siguro may kadate ka ano?" pangungulit pa niya saakin.

"Sinong may ka date?!" singit ni nanang na galing sa bakuran.

Tinakpan ko ang bunganga ni Qlein at sumagot kay nanang "Ah wala po nanang! Kumain na tayo!"

Kinurot ko ng bahagya si Qlein sa binti niya para tumigil at bumalik sa pwesto niya.

Sumimangot siya saakin at bumelat. Ngunit inirapan ko nalang siya ng mata.

Kelan ba naging ganito ka sutil ang kapatid ko!

"Hala sige! Kumain na ngarod tayo!" sabi ni nanang para matahimik na kaming dalawa ni Qlein.

Pagkatapos namin kumain ay si ading ko ang nagligpit at ako ang naghugas.

Pinaglinis at pinaglampaso ako ni nanang ng sahig rito sa baba at buong taas. Pati sa mga kwarto sa taas. Si nanang naman ay abala sa pagluluto ng aming pananghalian.

Natapos ako ng 11 am, humiga ako sa sofa saglit at nakatulog na lamang ng hindi namamalayan.

Nagising na lamang ako ng tinatapik tapik ako ni Qlein sa tuhod.

"Ate! Gumising kana." bulong saakin ng kapatid ko at tinatapik parin ako.

"Ano ba wag ka nga magulo jan! Napaka sutil mo Qlein ha!" sabi ko sakaniya ng nakapikit parin.

"Ate bumangon kana dalian mo nakakahiya!" sabi niya ulit sakin ngunit tumataas na ang boses.

Hindi ko siya pinansin at tinalikuran ko si Qlein at humarap ako sa sandalan ng sofa at ipinatong ang binti ko roon.

Binaba ni Qlein ng pabalibag ang binti ko at doon na ako nainis.

Bumangon ako para sigawan at pagalitan ang kapatid ko.

"ANO KA BANG BATA K-" hindi ko na natuloy ay sasabihin ko dahil nagulat ako sa lalaking nakatayo sa gilid ng pintuan.

"Sabi ko naman sayo e gumising kana e!" bulong sakin ng kapatid ko.

Si Ruan ang nakatayo sa gilid ng pintuan namin! at nakangiti pa saakin!

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumayo ako at tumakbo pataas.

Dancing in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon