Tinatanaw ni Mitch ang babaeng nagligtas sa kanya habang ito'y tumatakbo palayo suot ang royal blue two piece.
Naglaho nalang bigla ang babae.Ni hindi man lang sya nakapagpasalamat rito.
"Sir, ok lang po kayo?" Tanong ng matandang lalake pagkalapit sa kanya. Tanging tango lang ang isinagot ni Mitch. Habol hininga parin sya dahil sa nangyari sa kanya kanina.
Ilang buwan ang lumipas ..sa wakas ay nakalimot narin si Mitch kay Erika. Ang tanging laman nalang ng kanyang isip ngayon ay ang misteryosong babaeng nakita nya sa Balete Island.
Every now and then ay inaalala nya ang babaeng iyon. At para hindi nya makalimutan ang mukha nito ay iginuhit nya iyon sa sketchpad nya. At sa mga oras na tulad ngayon na wala syang ginagawa ay pinagmamasdan nya ang kalahating mukha ng babaeng kanyang iginuhit.
Sunod sunod na katok ang narinig ni Mitch mula sa pinto at noon nga'y niluwa nito ang isang napaka gandang babae. Si Ingrid.
"Hey, where have you been?" May pagka eksaheradang tanong ng babaeng sopistikada kay Mitch habang palakad ito palapit sa kanya.
"Ano bang pinagsasabi mo. Di naman ako umalis." Nasa tono ng iritasyon ang boses ni Mitch sa pagbungad ng kanyang kapatid.
Tumawa si Ingrid. Sya ang nakakatandang kapatid ni Mitch na hanggang ngayon ay dalaga parin sa edad na 32. Sa kanilang magkakapatid ay si Mitch at Ingrid nalang ang di pa nagaasawa kaya sila ang mas close sa isat isa.
"Balita ko kasi yung utak mo kung saan saan nakakarating. Lagi ka daw lutang at malalim ang iniisip." Malakas ang tawa ni Ingrid na pumuno ng ingay sa loob ng opisina.
"Naku ewan ko sayo ate, tigilan mo nga ako. Ang dami kong ginagawa, pwede? ." Iritadong sagot ni Mitch habang ipinapasok sa drawer ang sketch nya.
"Grabe ka naman brother dear, kadarating ko lang naasar ka na agad? Nasasaktan ang feelings ko , di mo ba ako na mi miss? Kasi ikaw miss na miss na kita, brother dear." Maarteng saad pa nito habang palakad lakad sa opisina at tinitingnan ang mga bagong paintings na bili ng kapatid.
"Hay naku.." Napatapik si Mitch sa noo nya. Di nya talaga kaya ang pagkaloka loka ng kapatid nya.
"Anyways nagpunta ako rito para iparating sayo ang pinapasabi ni Papa. " Bigla ay naging seryoso ang mukha nito. "Sasabay ka daw samin tomorrow para dalawin si Mama and you better not be late ,ok?" Alanganing ngiti pa nito. Alam nyang ang topic tungkol sa ina nila ay napaka sensitibo para kay Mitch.
"Pero ate di pa ako ready. No , hindi ako dadalaw kay mama." Madilim ang naging rehistro ng mukha ni Mitch naalala nya ang mga huling sandali ng kanyang ina.
One year noon sa hospital ang mama ni Mitch na nakipaglaban sa Breast Cancer. Awang awa sya sa noon sa Mama nya at di nya magawang dalawin ito sa hospital dahil di nya kaya itong tingnan sa ganung sitwasyon.
Ang laki ng pinayat nito at halos ninakaw na ng sakit ang kagandahan ng ina nila. Ang ina nila ay maituturing na celebrity sa kagandahang taglay nito noon kahit na ito'y may edad na. Ngunit dahil sa sakit ay unti unti itong naglaho.
Walang ginawa si Mitch noon kundi ang umiyak nung pumanaw ang kanyang ina. Buong buhay nya ay nakasama nya ito at naging mabuti ito sa kanya. Di tulad ng mga kapatid nya, nagaral ang mga ito sa America at di nakasama ang kanilang Mama ng matagal.
"I can't, ate" nangingilid ang luha nito
"Mitch, pwede bang i let go mo na ang guilt mo? Alam ko ang nararamdaman mo Mitch, anak din ako at marami din akong pagkukulang kay Mama. Hindi rin madali para sakin na mawala siya. So please patawarin mo na ang sarili mo Mitch, kasi pinatawad ka na ni Mama. Sana naman kahit this time dalawin mo na sya, alam kong nami miss mo na sya at sigurado akong miss na miss ka narin nya." Napahagulgol si Ingrid ng sabihin sa kapatid.
BINABASA MO ANG
The Girl In Black (COMPLETED)
Roman d'amour"Im going to kiss you." Bulong ni Mitch kay Faye Sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Di nya magawang umiwas at umusog. Nasa loob sya ng kotse ni Mitch at maliit ang distansya nilang dalawa. Naguguluhan si Faye. Hindi nya maintindihan kung nagpapaa...