Chapter 2 * Aww *

422 13 1
                                    

Dj’s POV

Hmpp. Kung pwede lang sanang mag-stay ako ditto araw-araw gagawin ko. Kase ang ganda ditto sa Tabing dagat , tahimik alon lang ng dagat ang maririnig.Malinis, Fresh air. Feeling ko pag nandito ako , sobrang free ko na. Yung wala ka ng aalalahanin pang mga problema.

At ngayon andito ako LAIYA Beach Resort,ditto sa Batangas . Ako lang at ang buong family ko ang nandito . Pinakiusapan kase ng Parents ko yung may ng Beach na to. Syempre di naman makakatanggi yung may ari kase Bestfriend yung ng mommy ko . Sabe ni Mommy shares daw sya ditto kaya wala kaming bayad . Di naman nalulugi tong beach na to eh , isang araw lang naman magc-close kase nga andito kame atsaka dinadayo to ng mga turista. Palaging madameng tao kaya malaki rin ang kinikita ng Beach na to.

Naglalakad ako ngayon sa tabing dagat  and suddenly may nakita akong babae . nakaupo sya sa may sand at hinihintay ang sunset .Hapon na kase.  Di ko alam kung bakit sya nandito kaya nilapitan ko na lang sya at tumabi sa may right niya.

“ Ahmm, Miss bakit ka nga pala nandito? “ alam ko hindi maganda yung pagkakasabe ko pero wala eh nasabe ko na . Di rin kase ako mapakali kung bakit sya nandito .

Tumingin lang sya sken at ibinalik ang tingin sa  paglubog ng araw at di sinasagot ang tanong ko . Haiist . May pagka-loner din naman ako kaya di ko alam kung pano kakausapin tong babaeng toh.

Sa totoo lang di naman ako masyadong malapit sa mga girls kase , ayoko sa lahat yung nilalandi lang ako. Hearthrob din ako sa School pero wala pa rin ako nagiging  GF . Sa totoo lang ang ganda ng babaeng toh at ang amo  pati ng mukha niya pero matalim kung titingnan mo ng mabuti ang kanyang mata. Maputi sya , Curl ang buhok at parang may lahi . at di ko alam kung bakit di ko sya nilalayuan siguro dahil Gumaan ang pakiramdam ko ng tumabi ako sa kanya.

Tinitingnan ko lang ang babae habang nakatingin sya sa kalawakan. Bigla syang tumingin saken at biglang yumuko. Siguro nahihiya sya sken.

“ Miss pwede ko bang malaman yung pangalan mo ? “ din a ko nagdalawang isip na itanong sa kanya ang pangalan niya.

Napansin kong may sinusulat siya sa sand at agad ko naman itong tiningnan at nagbabakasakaling pangalan niya ang isusulat niya. At nakita ko na Anna ang nakasulat.

“ ahm. Anna right ? kung pede sana maging magkaibigan tayo kahit ngayon lang. Huwag kang matakot sakin di naman kase kita sasaktan.” Mahinahon kong sabe  .

Tamango lang sya saken , sign as OO pwede akong makipagkaibigan. Bigla syang tumingin sken , siguro gusto niyang magpakilala ako kaya ginawa kona.

“Ako nga pala si Daniel pero DJ ang tawag nila saken . Galing ako sa mayamang angkan ng Padilla . 4th year Highschool And 16 years old. Mahilig ako sa Batman. At marunong din akong kumanta. Ikaw magkwento ka naman about sayo.” Napansin kong nag-iba yung expression nya nung sinabe kong mayaman ako, pero di ko na lang pinasin yun.

“ ANNA ?! , ANNAAH!!” sigaw ng isang babae na siguro ay ang kanyang ina. AT ng Makita nya kame bigla syang nahiya sken.

“Sir,pasensya na po kung nakaistorbo sa inyo yung anak  ko huh . Nakalimutan ko po kaseng sabihin na dadating po kayo..” at bigla syang tumingin kay anna. “ Anna , ano ba , kanina pa kitang hinahanap .  Halika na at umuwi kana huh.. “ at pagkasabe nya non ay umalis na sya. Aalais na nga rin sana si Anna pero bigla syang tumingin saken.

“S-salamat p-po sa pagsama mo nyo saken Sir Daniel “ naiilang nyang sabe skin. Pero nakakatuwa kase kahit papaano kinausap nya ako.

“ ahm. DJ nalang. Wag mo na akong tawagin ng sir. At salamat din sayo kase may bago na kong kaibigan.” Sabay ngiti sa  knya na kinahuhumalingan ng mga babae. At tumango lang sya sken at umalis na.

Match Made in Heaven <3 ( JulNiel FanFic )  [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon