Chapter 2

23 5 5
                                    


Hello! Please vote my story! Loveyou! ❣️

_________________________________________

Hindi ko alam ang aking gagawin sa mga oras na ito. Nasa likod lang namin yung lalaki kanina. Sigurado ako na kapag nakita niya ako ay magagalit siya at pabayaran pa ang uniform niyang madumi na.

Kinakabahan ako. Paano kung tawagin nanaman siya sa unahan?Hindi naman ako makakaligtas sa kaniya dahil magkaklase lang din kami.

Ano nga ba ulit ang pangalan niya? Hays!

Sobrang tahimik ng mga kaklase ko. Marahil ay ayaw nilang ma-surprise ni Sir Wade . Si Sir Wade ay kilala sa school dahil sa kaniyang 'Surprise' sa mga estudyante niya. Halimbawa ay ikaw ay nag-ingay sa oras ng klase niya ay sasabihin niya ang katagang 'Surprise' tsaka niya pupunitin ang iyong crosswise paper na para sa Recitation. Kapag walang Recitation ang ginagawa niya ay lalagyan niya ng guhit ang attendance mo, ibig sabihin ay maminusan niya ang grade mo.

Sa ngayon ay hindi nagparecite si Sir Wade. Nagpasulat lang siya ng mga lecture at ididiscuss 'yun kinabukasan. Sumasakit na ang daliri ko dahil ang haba ng lecture. Nakailang pahina na ako ng notebook ko.

"Lintek, isulat mo nga ako Kaira"

"Taena ka, sa akin kapa magpapasulat kita mong mabagal ako magsulat. Kayo matatapos na samantalang ako ay nasa gitna palang"

Nagkibit balikat nalang ako at nagpatulog sa pagsusulat.

" Tapos na ba? " Tanong ng aking kaklase na si Marry sa aming Secretary.

"Oo..."

"Ang mga tapos na magsulat pumila dito para macheckan ko na. Bukas ididiscuss ko 'yan tapos mag recitation na tayo" Nagsiunahan sa pagpila ang mga kaklase kong bida-bida. Ayoko naman tumayo kasi makikita ako nung nakabunggo ko kanina. Pinasa ko nalang kay Marry ang notebook ko para siya na magpacheck.

Tapos na siguro ang lahat magsulat pero itong si Kaira hindi pa. Lintek na babaeng to oh. Teka parang hindi nagpacheck yung lalaki ah.

Lumingon ako sa likuran pero pasimple lang. Nagulat ako dahil nakatingin siya sa akin. Lintek! Binalik ko agad ang tingin ko sa unahan. Namukhaan niya ba ako?Taena naman.

"Goodbye, Class"

"Siiiiiiiirrrrr!!!Hindi pa ako tapooooos!" Sigaw ni Kaira.

"Bukas mo na ipacheck. Palagi ka nalang huli" ani ni Sir at lumabas ng room namin. Bwahahaha bagal bagal kasi eh.

"Hahahahaha ano na Kaira?" Ngumuso ito at nagcross arms.

"Bwisit ka tinatawanan mo pa ako, Panget!"

"Mas Panget ka naman"

Maagang natapos ang last subject namin kaya maaga din kaming uuwi. As usual ang mga Classmates naming babae ay nagpapaganda kasali na doon si Kaira na kahit ilang beses magpaganda ay hindi gumaganda. Charot!

Palagi kaming nag-aasaran nitong si Kaira. Actually parehas naman kaming maganda pero mas maganda ako sa kaniya duh! Inaasar lang namin ang isa't-isa na panget. Noong isang taon ay nanalo ako bilang Ms.English ng school at siya naman ang Ms.Math .Oh diba ang ganda namin? Hahaha.

Habang inaantay si Kaira sa kaniyang pagpapaganda ay nagcellphone muna ako. I open my facebook account and madaming nag add at nagchat sa akin. Iba talaga ang karisma ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero madami akong manliligaw kaso wala akong type sa kanila dahil gusto ko makilala yung lalaki sa panaginip ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FORELSKET(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon