Kabanata 9

1.5K 64 2
                                    

Simula nung nagkaroon kami ng eksena ni Ice sa cafeteria hindi na muli siya nag pakita saakin. Limang araw na ang lumipas pero kahit saan sa school hindi ko siya nakikita.


Tanging yung matangkad lang na kaibigan niya ang namamataan ko malapit sa building nila madalas. Ang pagkakaalam ko ay Arthur ang pangalan noon. Narinig ko kasing pinag uusapan siya nila Cindy nung isang araw.


Sabado ngayun at nag aayos ako ng gamit. Pinapauwi ako ni Mama, uuwi daw si Daddy. Minsan lang ito mangyari kaya dapat talaga kong umuwi agad kasi sa makalawa, babalik na sa Daddy sa duty.


Isa siyang sundalo. Nagkakilala sila ni mama nung minsang na destino si Daddy sa Lugar namin at doon sila nanuluyan sa isang bahay malapit sa bahay nila mama. Ang lolo ko ang kapitan noon dito sa barangay. Kaya sa tuwing nadadayo ang mga sundalo sa bahay nila Mama noon, nandon siya para tumulong sa pamimigay ng pagkain sa nga bisita.

Dahil mahaba ang hair ng nanay ko, edi yun niligawan siya ni Daddy. Kaya ako nabuo, pasalamat dapat ang lahat kila mama at daddy dahil kung hindi naging sila, wala sanang isang maganda na Xierra sa mundo ngayun. Chos!


"Daddyyyy! Miss na kita!" sinalubong ko siya ng yakap.


"Miss ko na din ang prinsesa ko. Namayat ka naman?"


"Wala namang bago Dad, kelan ba ko tumaba? Hehe."



"Pumasok na kayong mag ama dito. Napakainit diyan sa labas." Si mama talaga kontrabida.


Pumasok na kami sa loob, kung hindi baka pagsarhan kami ni mama ng pintuan. Totoo nga! Pag di mo siya sinunod agad lagot ka.


Minsan noong tinawag niya kami ni Kuya Lesley kumain, di kami agad lumapit kasi nanunuod kami ng anime sa sala namin.
After nung pinapanuod namin sabay kaming pumunta sa kusina.


Wala nang pagkain sa mesa noon. Pag tingin naman sa pintuan palabas sa garden sa likod ng bahay, papasok doon si damulag, alagang aso ni Kuya.


Kaya kinuha ni Kuya yung aso niya at binuhat, sobrang bigat. Busog na busog at ang laki ng tyan niya.


"Aba, nadalaw kayo sa kusina?" bungad ni mama pag pasok niya doon kaya napalingon kami ni Kuya sakanya.


"Ma nasaan pagkain, gutom ba ako." sabi ni kuya


"Nandyan hawak mo. Buksan mo tyan ni Damulag ng makita mo."


Doon lang namin na realize na pinakain niya pala kay damulag yung dapat na pagkain namin. Natulog kaming gatas lang ang laman ng tyan namin noon.



Simula non, tuwing magtatawag si Mama kumain, agad agad kaming tumatalima ni Kuya. Mahirap na.


"Ma, si Kuya hindi uuwi?"

"Mamayang hapon pa dating niya dito. May naka bangga daw kasi sa kotse niya. Ipinapaayos nila yun ngayun kasama nung nakabangga."


"Mabuti hindi napaano si Lesley." sabi Daddy.


"Oo nga po Daddy."


"Kumain na, mamaya na ang kwentuhan." sabat ni Mama.


So kumain na kami. Ako na ang nag presinta na maghugaa ng pinggan. Ito lang naman ang alam kong ambag sa kusina.


Ano ba yan! Naalala ko nanaman tuloy yung pinag gagawa ni Cleya sa kusina ko!! Lintek na babae. MAGALING nga talaga sa kusina amp!


Suot ang Police uniform ni Kuya, bumaba siya sa kotse niya. Halata ngang bagong ayos.


"Mabuti nga mabait yung tao. Alam niyang mali po siya Dad kaya nag offer na siya ng ang magpapaayos. "


"Edi mabuti at hindi kana gumastos."



"Talagang ni kusing wala Dad. Hindi halata doon sa bata na siya ang may ari nung malaking Repair shop, nalaman ko lang dahil Sir at boss ang tawag sakanya doon. Naniguro ako kaya nag tanong ako sa isang trabahador, ang sabi mahilig sa sasakyan kaya nagpatayo ng sariling shop. Napakabata pa, palibhasa mukhang mayaman."


"Daddy, balik na ako sa apartment. May dapat pa akong aralin. May nalalapit kaming exam e. Ingat ka bukas pagbalik mo sa Duty ha."


"Ofcourse iha. Mag ingat ka din doon. Pwede kana mag boyfriend pero wag pababayaan ang pag aaral ha. Alam kong matalino kang bata. Alam mo kung ano ang tama sa mali."



"Oo naman dad."



"Hay nako Ernest, sabi saakin ni Cleya may boyfriend na yang anak mo. Mayaman daw at magandang lalaki."



"Totoo ba iyon, nak?" tanong ni Daddy.


"Hindi Dad, nagsisinungaling lang yun. Promise."


Wala naman talaga. Wala pa naman. Hehe.


"Sige, umalis kana nang maaga ka pang makarating sa apartment mo."


Doon din malapit sa apartment ang punta ni Kuya kaya sabi niya sabay na ako sakanya. So habang nasa byahe, nag iisip ako ng kung ano pwede kong iganti kay Cleya. Hmmp.

"Ingat kuya!" Hinalikan ko siya sa pisngi bago bumaba.


"You too, Xie. Lock mo gate mo palagi."


Umalis na siya kaya tumalikod na ako. Akmang papasok palang sa gate ng mamataan ko ang magaling kong pinsan at si Johann.



Lintek lang ang walang ganti. }:-)



_____
Happy reading!

ICE GUILLERMO [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon