Mapagpanggap

26 5 8
                                    

Day: Tuesday
Date: May 12, 2020
Time: 2:00 - 2:20 pm

Kamusta na kayong lahat?
Kaya pa ba?
Syempre kakayanin diba?

Hindi ko na sasabihin pa ang aking ngalan,
At hindi ko na rin sasabihin ang dahilan.

Sa mga simpleng salita
Hindi inaakala
Na ang puso'y nasasaktan

Ang sabi nila
Huwag akong umiyak
Masyado raw akong sensitibo
Simpleng bagay ay iniiyakan ko

Dahil roo'y kinamuhian ko ang sarili ko
binalak na kitilin ang buhay ko
O sugatan ang sarili ko
Ngunit hanggang do'n lamang
Dahil hindi ko naman magawa

Pilit kong pinipigil ang sarili ko
Ngunit sadyang ayaw sumunod ng aking mga mata
At patuloy itong lumuluha

Pasensya na,
Kung ako'y masyadong sensitibo
Buti sana'y kung ang aking puso ay bato.

Masyado na akong maraming napapansin
Kaya heto ngayo'y puno ng hinanakit
Kung hindi ko lang sana ito pinansin
'Di sana ako umiiyak gabi-gabi.

Hangga't maaari ay ayaw kong maging manhid
At maging malamig,
Dahil ayaw kong makasakit
Kahit ako na lamang ang masaktan
Huwag lamang sila
'Pagkat sila'y mahalaga

Kahit ako'y pagod na pagod na
Pilit pa rin akong bumabangon
Pilit na gumigising sa umaga
Kahit na ayaw ko nang imulat pa ang aking mga mata
Para lang magpanggap sa harap ng mundo

Sige na ngingiti na lamang ako
Kahit na ang puso ko'y nadudurog.

Ayos lang ako.

- mapagpanggap

Lihim na mga salitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon