TRINA'S P.O.V.
"Uhm. Angel, bat mo tinuturo yung nasa likod ko?" sabi ko.
Nakaturo kasi siya sa likod ko talaga kaya napalingon ako, nakita ko yung isang..
puting bimpo na nakasabit.
"Ah.. eh, ayun oh! Yung ano, yung bimpong nasa likod mo na nakasabit!" -Angel
"Ah"
Yun na lamang ang nasabi ko. Natakot ako nung tinuro niya yung sa likod ko, akala ko kung anong kakaiba nanaman ang makikita ko ngayong hapon. Kinabahan talaga ako doon, pero bakit parang nauutal pa rin si Angel?
Para bang kinakabahan?
"Oh guys, ako naman next!" sabi ni Justin
"Uh, ibang game na lang. Pe-pwede? Ka.. kasi ano eh.." nauutal na sabi ni Angel
"Kasi ano?" tanung ko.
"Ha? Wala, ang boring kasi, tsaka inaantok ako."
"Ah oh sige, eh ano na lang?"
"Ewan ko, kayo bahala. Matutulog muna ako hehe"
Pagkatapos sabihin nun ni Angel, natulog na siya. Lumipat siya sa pinaka-dulo kung nasaan naka-upo si Justin kanina. Kaya bale, katabi ko na si Justin ngayon, pang 2nd sa last row kami naka-upo.
"Ano na gagawin natin?" tanung niya
"Ewan ko eh, ano ba gusto mo?"
"Matulog din. Nakakainggit si Angel eh"
"Oh, dito ka" ni-pat ko yung lap ko para dun niya ipuwesto ang ulo niya. Humiga na siya at nakatulog din agad. Ang bilis nila makatulog, grabe.
"Sleep well baby" sabi ko sakanya habang pinaglalaruan ang buhok niya at kinukurot ang pisngi, ang cute eh :">
Hindi naman ako inaantok kaya ayoko matulog. Kami na lang ni tito ang gising, daddy ni Angel, tapos si tita tulog na rin.
Nakadungaw lang ako sa labas ng kotse, tinitignan lahat ng dumadaan.
"Ano nangyare kay Angel? Parang may nag-iba sa kanya.."
3 hours and 30 minutes later..
Medyo malayo layo pa kami, 2 hours pa na biyahe.
Naririnig ko na silang humihilik, pero yung mahina lang. Tas nakakarinig din ako ng nagsasalita, hala sleep talking. Baka si tito nagsi-sleep driving na! :O
Natawa ako ng napaka-lakas kasi naman, ang corny nung sarili kong joke.
Pero biglang..
"Oy Trinaa, ingay mo nabwahjkan.. eehckjs.." sabi ni Angel.
"Ano daw? Hahaha!"
"Sabi niya ang ingay mo daw!" -Justin
"Hala gising ka na?"
"Ay hindi hindi." -Justin
Nagulat ako, gising na pala si Justin. Nakakagulat naman tong panget na to. Tinanung ko siya kung bakit siya nagising, yung makulit niya namang tawa ang isinagot niya, so nagising siya sa tawa ko. Adik.
Maya maya, nagising na rin si tita..
"Sino gustong pumunta sa restroom, magpapa-gasolina lang ako" sabi ni tito habang pinaparada ang sasakyan sa gasolinahan.
Bumaba kaming lahat maliban kay tito.
Dumeretso ako sa restroom, pero biglang nagtext si mama kaya nireplyan ko. Tuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa nabunggo ako sa..
White restroom wall.
"Ouch! Haha!"
Umaray na nga ako tas tumawa pa, hindi ko kasi nakita yung dinadaanan ko kaya ayun, nabunggo ang engot.
Tapos alam niyo yung puting pedestrian lane?
Inapakan ko yun tapos tumawid, dapat kunwari hindi ako mahuhulog. Haha!
Pagkatapos, pumunta ako sa Treats, yung pabilihan ng pagkain. Nakita ko silang lahat nandun, namimili, pumipili, ganun.
Edi ako din gumaya, kinuha ko sa shelf yung marshmallows na nakita ko, paborito ko yun eh.
Pupunta na sana ako sa counter para bayaran pero nagulat ako nang may biglang dumaan na matanda sa harapan ko, pinauna ko na lang siya. Hmm, white hair..
Pagkatapos kong bayaran, bumalik na ko sa van at pagbukas ko ng pinto, tumubad sa akin ang isang vanilla icecream.
"AHHHH! LUMULUTANG NA PLASTIC CONTAINER!" sigaw kong sabi.
"Hahaha! Baliw, hindi yan lumulutang. Gusto mo?" alok ni Angel sakin.
"Ay sows naman, natakot ako dun. Hindi, sige, hingi na lang ako mamaya haha!"
Tumabi ako kay Justin.
Inalala ko ulit yung mga nangyare kanina, yung restroom wall, white pedestrian lane, mallows, white hair, pati yung vanilla ice cream.
Yung mga nakita ko kasi kanina, yun yung mga sinuggest namin nung naglalaro kami ng I SPY, sinabi ko ito kay Justin at tinanung kung ano ang kasunod.
"Yung puting bimpo diba?" sagot niya.
"Ay onga pala noh? Haha"
Umandar na uli ang kotse, at bumiyahe na.
Hindi naman sa hinihintay ko na makita ko kasunod yung puting bimpo, pero kasi hinahanap ko eh. Ewan ko ba, parang na-amaze o na-weirduhan ako sa nangyayare ngayon.
>> Fast forward
Nakarating na kami sa province nila Angel, dito kami sa bahay bakasyunan nila magse-stay :)
Habang kinukuha ko yung isang di gaanong kalaking kahon sa kalsada, napatigil ako ng may biglang tumigil na isang puti sa harapan ko.
Inangat ko ang ulo
"Ito ba ang hinahanap mo?" sabi nung matangkad na lalaking nakaputi na may hawak na puting bimpo.
"Ah eh, uhm opo?." sumagot ako ng parang naguguluhan, hindi ko kasi makita ang mukha niya, nakatakip kasi yung bimpo. Pero hawak niya ito.
Unti-unti niya itong inalis na para bang nakasuot siya ng isang maskara.
O_O
End of Chapter 6.
BINABASA MO ANG
Night Number
Mystery / ThrillerBlack lady, white lady, red-eyed ghost, Witches, Demon's hour, cursed photo, supernatural beings, at mga kwento kwento ng matatanda, hindi ka pa ba maniniwala kapag nabasa mo ito?