A Beautiful Lie

62 0 1
                                    

A/N: Sana po magstihan niyo itong munting one-shot. Inspired po ito sa "Beatiful Lie" na quote ni Erich sa Suddenly Its Magic, pero inspired lang po talaga. Hindi po ito fanfic. At ang gwapo ni Mario Maurer. BOW. xDD

*~*~*~*~*~*~*

A Beautiful Lie

When you’re with the person you love most, will you be happy knowing that it’s all just a beautiful lie?

START

“Sige, alis na ko, ha? Kailangan ko na kasing umuwi. Sorry, di kita maihahatid.”

Lie. Tumango ako at ngumiti. Fake smile.

 “I love you.”

Ngumiti siya.

“I love you too,” sabi niya.

Lie. Ngumiti na lang ako ulit. Fake smile ulit.

Pagkatapos nun, umalis na siya.

Liar, you’re a big liar. Alam ko naman na tuwing Friday, pinupuntahan mo siya, pinapanood mula sa malayo. Alam ko naman na pag nagsasabi ka ng ‘I love you’, siya ang iniisip mo, hindi ako. Liar, you’re a big liar. I sigh at umuwi na.

Ako nga pala si Julianna Angela Villanueva, 18 years old, 3rd year college, currently in a relationship with Mark Kiel Cruz. Wait, no, scratch that. We’re not in a relationship. Hindi mo masasabing in a relationship ka kung ikaw lang ang nagmamahal, siya hindi. We’re boyfriend and girlfriend, that’s it, pero hindi kami in a relationship.

Mahal na mahal ko si Mark, since high school pa lang. Hindi kami close non, pero kilala namin ang isa’t-isa. And now, finally he’s become my boyfriend. Mag-on na kami for 6 months now, going on 7, but I know, rebound lang ako. Hindi ako ang mahal niya kundi siya, si Angelica Martinez.

Alam ko, since high school din niya itong mahal kaso may mahal itong iba. Kaya ngayon, hanggang pagtingin na lang siya sa malayo. Nakita ko siyang naiyak non dahil nalaman niyang may ibang mahal si Angelica. Sobrang nawasak ang puso ko non, kaya ni-comfort ko siya. Naging close kami, hanggang niligawan niya ako. Siyempre, sinagot ko agad siya. After 1 week ng panliligaw niya, sinagot ko na siya. I was so happy, that time.

That is, until nakita ko siya, naiyak ulit, nakatingin sa malayo. Nung nakita ko kung ano yung tinitingnan niya, I saw Angelica kissing her boyfriend. I saw pain in his eyes, so much pain that I myself cried. Pasalamat ako at hindi niya ako nakita non. Since then, alam ko na, rebound lang ako.

Isang Friday naman, late na akong nakauwi dahil sa project, at nauna na siya. Nung pauwi na ako, nakita ko siya sa seven eleven, nakatingin ulit sa malayo. Nung nakita ko kung ano ulit yung tinitingnan niya, it was her again, holding hands with her boyfriend. Alam ko na mahal na mahal ni Angelica ang boyfriend niya at alam din ito ni Mark. And it’s hurting him so, so much. I saw it in his eyes again, the pain. At nung panahong yun, pinamukha ulit sakin na rebound lang ako.

Pero, ayos lang. Ayos lang kahit alam ko na hindi sasaya sakin si Mark ng habang buhay. Ayos lang saking masaktan sa bawat segundo, basta mapasaya ko lang siya ng kahit konti, ayos na sakin yun. Siguro para na rin to sakin, para alam ko na anu mang mangyari, sakin pa rin babalik si Mark. Tanga na kung tanga, wala akong pakialam. Mahal na mahal ko kasi talaga siya, and I can’t imagine myself falling in love with another, si Mark lang talaga. So I’ll continue on with this “relationship” even though I know that it’s just a lie, a very beautiful lie.

A Beautiful LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon