"Come on Maddie! It's my birthday." Iniligpit ko ang aking mga gamit para makapag lunch na kami ng aking mga kaibigan.
"Busy ako sa araw na iyan Au. I'm sorry." Liningon ko sila and I regret of looking at them. They are giving me a pleading look.
I sighed. It's true that busy ako this Saturday. I'm going to pack my things kasi titira muna ako sa kaibigan ng mama ko until their business trip will be done. And besides, marerenovate ang aming bahay dahil yun ang gusto ni lolo na pagdating niya dito sa Pilipinas ay maayos na ang lahat.
"Saglit lang naman. Kahit hindi mo na tapusin ang party, basta pumunta ka." Do I have a choice then?
"I'll think about it Au." Kinuha ko na ang aking bag. "Pero kain nga muna tayo. I'm hungry."
Lumabas kami at mabilisang tinungo ang cafeteria dahil siguradong maraming estudyante ngayon dahil sa event mamaya.
"Sa malapit na coffee shop na lang kasi tayo." Kanina pang pilit ni Pia sa amin.
"I want to eat some rice today Pia." El rolled her eyes. "Atsaka baka pati sa coffee shop ay maraming tao roon."
Pagkapasok namin sa cafeteria ay halos wala ng espasyo ng mga ibang estudyante kaya napilitan kaming maghanap ng ibang kainan.
We entered the fast food reataurant na medyo malayo sa school namin. Thank God marunong magdrive si El, at hindi na namin kailangan pang maglakad ng malayo.
"Kayo na ang mag order, ako na ang magbabantay dito sa upuan." I said at umupo na. Inilabas ko ang aking wallet at naglabas ng limang daan at iniabot kay Pia. "Kung ano ang sayo, yun din ang akin." I smiled lazily.
Pinanood ko sila na pumila sa counter bago bumaling sa labas. Buti na lang at dito kami sa mismong glass wall pumwesto para kita sa labas.
Si Pia ang pinakamalapit ko sa kanila. Bukod sa siya ang pinakamatagal kong kaibigan ay mas komportable talaga ako sa kaniya. Mas nag-o-open up ako sa kaniya when it comes to problem. She always listen to me. Si Au at El, masyadong mabunganga. Napaka pranka nila, lalo na si El.
Bumaling ulit ako dito sa loob. Iginala ko ang aking paningin sa buong kainan. Hindi gaanong maraming tao dahil na rin malayo ito sa university. Up and down ang building na ito and the gray and red colors are so beautiful to watch.
Naagaw ang atensyon ko sa mga nagtitiliang kababaihan sa labas kaya napatingin ako doon kung ano o sino ang pinagkakaguluhan nila. Tatayo na sana ako nang biglang dumating ang aking mga kaibigan.
Tumingin na ulit sa labas at saktong paalis na ang sasakyan kanina and all the girls are walking away now with a wide smile plastered on their faces. Nagkibit balikat na lamang ako at tinuon ang aking atensyon sa aming mga kaibigan.
"Oh my gosh girls! I heard sa babae kanina sa likod ko na nandito raw si Lance." Au said excitedly. Napataas ako ng kilay. Ako lang ba ang hindi nakakakilala sa kaniya? I mean, I already heard that name and kept on saying na model raw ito pero never akong nagka-interes sa kaniya.
"Oo nga at narinig ko rin ang tilian kanina diyan sa labas kaya baka nga nandito siya." Pia also clapped her hands like a kid.
Umupo si Pia sa tabi ko at sa harap namin ang si Au at El. "Maybe Maddie saw him. Ayaw niya lang ishare sa atin." Napatingin naman ako sa kanila. Wth?! Never akong nagkagusto sa kung sino man ang sinasabi nila.
"No. And girls, alam niyo naman diba na never akong naging interesado diyan sa idol niyo? Pilit pa nga kayo ng pilit sa akin nung last semester eh." I said without looking away.
"Kung sa bagay nga naman." Nagkibit balikat silang tatlo at nagsimula na kaming kumain.
Au ordered a spaghetti and a piece of fried chicken, ganun din ang kay El. Ang sa amin naman ni Pia ay palabok at one piece chicken dahil alam niyang I hate spaghetti.
YOU ARE READING
Never a Happy Ending
RandomLance Kieran Espinoza is a model because of its versatility. He is not serious about entering into a relationship because his work is controversial. But suddenly Maddie came into her life, a normal and simple college student with dreams in life, wou...