Chapter 4
Lara's POV
Mag hahapon na pero marami paring customer dito sa coffee shop, buti nalang at may katulong na ako sa pag gagawa ng kape dahil nandito na si Sinister.
Sinister, ang weird ng pangalan nya. Ang alam ko ang ibig sabihin ng Sinister ay unlucky, inauspicious, disastrous, injurious or evil. Grabe naman ang mga magulang nya para bigyan sya ng ganung klaseng pangalan.
"Lara may boyfriend ka na?" biglang tanong ni Sinister.
Sasagot na sana ako ng 'wala' pero naalala ko ang kasunduan namin ni Sir Lucas. Tumawag pa sya kagabi para lang iremind ako.
You're my girlfriend starting tomorrow remember that.
"Meron na." sagot ko sa kanya, dahil ayoko namang suwayin ang baliw na lalaking iyon at baka pag bayarin at pag tripan nanaman ako ulit.
"Sino?"
"Lucas Laffi---"
"Lara may nag hahanap sayo sa labas. Gregory Pogi raw ang pangalan nya."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinawag na ako ni Anna. Gregory pogi huh? Kapal ng mukha porket alam nyang pogi sya.
Lumabas na ako at nakita ko si Greg na kinukulit si Amber na para namang walang naririnig dahil panay lang ang pag cecellphone nito habang nakaupo nanaman sa taas ng sasakyan.
Ang ganda talaga ni Amber. Simple lang sya pero astigin tignan. Kung lalaki lang ako ay ganyan ang tipo ko sa babae. Naka sombrero sya ulit. Naka sports bra lang sya na itim at pinatungan lang ng see trough na t-shirt, naka black jogging pants sya at sneakers na puti.
Nakita ako ni Greg at linapitan ako. "Hey lara, lara nalang ang tatawag ko sayo ha. Pinapasabi ni boss Konrad na dahil first day nyo raw ngayon ay susunduin ka nya pag katapos ng shift mo, kaya hintayin mo raw sya dito."
Hindi na nya ako binigyan ng chance na sumagot dahil agad na syang pumasok sa kotse nya at pinaharurot iyon. Nakita ko pa ang gulat ni Amber dahil hindi nya inaasahan na biglang gagawin iyon ni Greg. Muntikan pa syang mahulog pababa ng sasakyan.
Napa iling iling ako at pumasok na ulit sa shop. Gumawa lang ako ng gumawa ng kape hanggang sa matapos ang shift ko.
"Bye lara ingat ka. Goodluck sa date." sabi ni anna na may pang asar na ngiti.
"Ewan ko sayo. Ingat ka."
Lumabas na ako sa shop pero wala parin sya.
"Tss ano ba iyan kala ko pa naman nandito na sya." Sabi ko at naupo muna sa side walk. Pag lipas ng Five minutes at wala pa sya aalis na ako. First day pa naman namin tapos late na agad sya.
Bakit parang disappointed ako?
Pag lipas ng ilang minuto ay aalis na sana ako nang biglang may humaharurot na motor ang tumigil sa harap ko.
Tinanggal nya ang suot nyang helmet at tumingin sakin. "Sorry Girlfriend, something came up." Sabi nya pag kababa sa motor.
Ilang araw ko na syang nakikita pero hindi parin ako masanay sa taglay nyang kapogian. Nakababa na naman ang buhok nya hindi tulad pag nasa opisina sya na magulo nga pero naka brush up naman. Naka white button down shirt sya at black slacks.
Pero bukod sa itsura nya yung tinawag nya sakin ang nakapag patahimik sakin.
Girlfriend?
"G-girlfriend?"
"Yeah. I will call you girlfriend for you to remember that you are mine." Sagot nya at hinawakan ang kamay ko bago inalalayan pasakay sa motor nya.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Action[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...