Chapter 4: Leighton

12 3 5
                                    

Last Year of Junior High
[Leighton]

Finals na which is also equivalent to Aptitude Exam for Senior High.

"Ash!" Lumingon ako sa likod habang nagla-lakad papuntang gymanasium ng school.

Hindi kase sa class room tini-take ang finals. Dito sa gym kung saan halo-halong estudyante ang makakasalamuha mo. Kahit na nasa junior high ako depende pa 'rin kung sino ang makakatabi ko dahil alphabetical order ang seats ng bawat examinee. Kasama din namin mag-take ang seniors dahil ito 'ring finals exam nila ang basis for college entrance. Kaya't malabo ang exam leakage dahil sabay-sabay ang pagt-take ng exams.

"Yes Sofia? What do you need?" Mataray kong sagot.

"Taray! Porket Ace Player slash MVP kailangan mataray na? Kala ko ba lalaki ka?" Pang aasar niya.

Yes. I've been awarded as the new MVP of the Team.

"Tawa pa." Seryoso ko namang sagot na nagpatahimik sa kaniya.

Nakasalubong din namin si Kaye. Imposible kaseng magkasama kami dahil magkaka-layo ang surnames namin. Sofia Salvador, Katherine delos Reyes and Ashley Hilton. Napailing ako. Masyadong malayo.

Nag-start na ang exam at una kong ni-take ang English subject. Luminga-linga muna ako. Wala talaga 'kong kilala sa mga katabi ko. Haist. Si Maggi Valdez naman kaya malayo sakin. Si Lime naman nasa bandang unahan malapit kay Cap Trixie and Kaye. Haist. Lumingon ako sa likod at nakita ang pinaka-nakakairitang nilalang sa mundo. I mentally rolled my eyes. Yung taong mas pipiliing matalo kaysa ipaglaban ang kakayahan. Tsk. That eavesdropping hell Leighton.

Nagkasalubong ang mga mata namin. Malamig. Parang nakita ko na siya dati. Saan kaya?

Sa sobrang tagal ng titigan namin ay halos isigaw na sa mukha ko ang test booklet na hawak ng isang officer:

MS. PARIS ASHLEY HILTON - JUNIOR HIGH (LEVEL III)

"So ipinamu-mukha mo sa'kin na oras na at kailangan ko na mag-exam ganoon ba?" Mataray kong sabi sa officer na freshmen Student Council. Sila kase ang nag-aasikaso ng Final Exams dahil hindi pa naman sila required mag-take ng exams.

"Yes Ms. Hilton. You should prepare your pencil, eraser, and sharpener. Keep other things on the floor." Mahinahong tugon niya naman sakin.

Sinunod ko naman siya at muling sinulyapan si Leighton sa likod. Tinapunan ko siya ng pinaka-matalim 'kong tingin ngunit hindi naman siya natinag.

He just smirked. How I really hate this guy. Arrgh!

Nagpatuloy lang ako sa pagba-basa at pag-sagot sa exams. Madali ang finals kumapara sa mga naririnig kong chismis na karamihan daw sa junior high ay hindi nakaka-proceed sa senior dahil sa hirap ng exams. Baka di sila nag-review.

Continuous ang process ng exams kung saan kapag natapos ka na sa isang subject ay pwede ka na mag-take ng next subject hanggang matapos mo lahat.

I finished answering English and Filipino for one hour which I thought mabilis compare sa nakaraang exams. Madali lang naman para sa'kin dahil halos parehas lang naman sila ng topic.

Kinuha ko na ang Math. I scanned every page ng booklet at napansin kong madali lang din ito. Geometry, Trigonometry and Algebra. Hindi naman sa pagmamayabang pero Best in Math ako lagi. Tinapos ko ang Math in just forty-five minutes. Ipinasa ko na ito at next na kinuha ang Science.

Bumalik ako sa seat ko at napansin na halos kanina pa ko tini-tingnan ng mga studyante. Why? Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso na sa upuan. Binuklat ko ang Science booklet at napansin kong medyo mahirap ito. Wala nga yata akong napag-aralan sa mga to. Tsk.

REBOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon