Chapter 5

26 3 0
                                    

"Ayieee! Go baby Amber! Bakit kase di mo kayang maging confident sa sarili mong kakayahan? May talent ka sa pagkanta huwag mong itago yon" sabi sa akin ni Scarlet matapos kong sabihin sa kaniya na ako yung kakanta para sa School Fest.

Hindi ko na kinuwento sa kanila yung nangyari sa bahay kagabi. Punyeta, nakakahiya yung mga katangahan ko. At kung iku-kwento ko pa sa kanila panigurado ay aasarin din nila ako.

"Eh sa napapangitan ako sa boses ko eh. Baka naman nagusap-usap kayo ng ibang ssg members para i-prank ako ha. Kunwari maganda talaga boses ko kahit hindi" sabi ko sa kanya habang nakahawak sa baba ko at nakataas ang isang kilay.

"Luh hindi ah. Kung ano ano na naman naiisip mong gaga ka. Ni hindi ko nga nakakusap yang ibang mga member ng ssg eh" napaisip naman ako sa sinabi niya.

Sabagay di naman sila close ng ibang ssg members. Pero may chance pa din na pwede siyang idamay ng ibang ssg members sa masamang balak nila para sa akin. Hay 'wag na nga isipin yon ah baka maloka na akong tuluyan.

"Nung Friday pa yan si Amber. Kung ano ano iniisip masyadong paranoid. Malapit na yata mabaliw yan eh" napairap na lang ako sa sinabi ni Francis. Baka nga tama siya. Baka masyado lang akong napa-paranoid since it's gonna be my first time singing in fornt of many people. Dala na lang siguro ng kaba kaya ako nagkakaganito.

"Nyenyenye! Kinakabahan kaya ako. Ikaw kaya biglang gulatin na kakanta ka harapan ng madaming tao di ka mag-iisip ng kung ano ano?" pagtataray ko kay Francis na ginulo naman yung buhok ko.

Tiningnan ko siya ng masama. Kung nakakamatay lang ang tingin matagal nang nakabulagta sa sahig ang isang 'to.

"Let's say na mag-iisip nga ako ng kung ano ano pero hindi naman nung kagaya nung sayo. Ang iisipin ko siguro ay kung anong mangyayari sa araw na kakanta ako sa stage. Na baka kung anong mangyare ganon" napanguso na lang ako sa sinabi ni Francis

May point siya don. Nababaliw na siguro ako. Kasi naman kung bakit sa dinami-dami ng magagaling kumanta dito sa buong school eh ako pa ang napili. I really tend to overthink of things especially when it comes at times like this.

"Okay lang yan Amber. Mas magandang isipin mo na lang na magiging successful ang pagkanta mo, isang kanta lang naman siguro ang kakantahin mo diba?" pagtatanong sa akin ni Scarlet. Now that she mentioned it napaisip din ako kung ilan yung kakantahin ko. Common sense na kang diba. For sure isa lang kakantahin ko kainaman naman sila kung dalawa.

"Oo isa lang naman yon panigurado"

"Bakit hindi na lang kaya ako mag-gitara habang ikaw kumakanta? Para naman hindi ka ganun kabahan pag kumakanta na sa harapan" natuwa naman ako sa sinuggest ni Francis. It would be amazing if we perform together. Hindi na ako ganun mac-conscious sa kung anong maaring mangyari sa School Fest.

"Hala oo nga no. Sure ka na ba diyan?" tumango lang siya sakin. Nakakatuwa talaga. Bakit sobrang bait yata ngayon ni Francis? At bakit ngayon niya lang naisip yon at hindi pa nung Friday? Edi sana nakapag-practice na siguro kami nung Sabado.

"Oo naman. Para hindi ka ganun kabahan sa stage. Mas malaki ang chance na pumiyok ka o pumangit yung pagkanta mo pag kinakabahan ka at madami kang iniisip. Dapat mag-enjoy ka na lang sa araw ng pagkanta mo" napatango-tango naman ako sa sinabi niya.

"Practice na tayo mamaya. Mas maganda na yung maagang mag practice para masanay ka"

"Sama ako sa inyo mamaya para naman makapagbigay ako ng opinyon if there's something off sa way ng pagkanta ni Amber" sabi ni Scarlet.

Notice me CrushWhere stories live. Discover now