Chapter 15:
“Hey? Still there?”
“Ahh, Oo naman. Sige punta na tayo dun. Tara?” Sabi ko sa kanya tpos ako naman yung humila sa kanya papuntang gamestation.
Nang marating na namin yung gamestation ay agad naman akong hinila ni beastboy papunta sa baril-barilan. Naglaro kaming dalawa bali partners kami tapos yung enemy’s namin ay mga zombiez. Ang saya maglaro parang pakiramdam mo na bata ka ulit.
Pagkatapos namingmagbaril-barilan ay dinala niya ako sa bumpcar ayon sumakay kami dun at halos nerbyosin nga ako e. Kainis kasi itong si beastboy lagi niya akong binabangga.
Pagkatapos naming sumakay sa bumpcar ay pumunta na kami sa basketan. Super saya talaga ng feeling, para kasing batang nakalabas sa kulungan si beastboy. Lahat ng makikita niya dito sa gamestation nilalaro niya. Super saya niya ng makakita ng mga ganitong laruan sa gamestation nato.
Kasalukayang nagshoshoot na ng bola si beastboy sa ring ng bigla siyang tumigil parang ma ooff balance pero mabuti nalang kasi nandun ako at naalalayan ko siya. Pinaupo ko siya sa pinakamalapit na upuan dito. Nagtataka ako kung bakit bigla nalang siyang nanghina. Mabuti nalang nandito ako at naalalayan ko siya.
“Oy? Ok kalang ba? Anong nangyari sayo bakit ka nanghina?” Alalang tanong ko sa kanya.
“Ahhh.Ok lng ak...” Naputol yung pagsasalita niya ng biglang sumikip yung dibdib niya na parang nahihirapan siyang huminga.
“Oy? Zander, anong nangyayari sayo? Oy, sumagot ka? Oy?” Sabi ko sa kanya sabay tapik ng kanyang balikat. Biglang napitigil ako ng mapansin kong biglang nawala yung pananakip ng dibdib niya at bigla siyang tumawa.
“HAHAHA? You know bellfrog? Andali mo palang utoin? Alam mo? Hindi ako makapaniwala na nagawa mong tawagin ako sa pangalan ko.”sabi niya habang nakatawa pa rin.
“Ahh ganun? So? niloloko mo lang pala ako? AAAAAAAAAh! Kainis ka talaga!”
“Hahaha, and i truly don’t believe ng Makita ko yung mukha mo kanina. Halos magpanic ka na nga ng Makita mo akong hirap huminga. I know sobrang worried ka sa akin. Ayaw mo pa kasing aminin e. You have a crush on me kaya ganyan nalang yung pagaalala mo sa akin kanina.” Akala ko ba hindi niya na ako aasarin? Eh bakit inaasar niya pa rin ako?
“Walang hiya ka talaga beastboy! Akala ko ba hindi mo na ako aasarin kasi pumayag na akong makipagdate sayo! Eh, bakit inaasar mo na naman ako?! Kainis!Kainis!” sabi ko sa kanya habang hinahampas ko siya ng ilang beses gamit yung pouch na dala ko.
“Ouch! Oo-ok ok. Sorry na hindi na kita aasarin. Tama na. Ikaw kasi e ang sarap mong asarin e.”
“CHE! Kainis ka! Diyan ka na nga!” Sabi ko sa kanya tapos umalis na ako at iniwan siya.
Habang naglalakad ako,naisipan kong pumunta sa grocery store ng mall. Eksaktong sale kasi ngayon ng mall e. Kaya ito mamimili ako ng grocery pero hindi naman mga pagkaing niluluto yung bibilhin ko. Ang bibilhin ko lang e mga snaks, cheese curls, mga cookies na nakabalot, juice, at iba pa.
Habang namimili na ako ng mga pagkain, nakaramdam ako na parang may sumusunod sa akin kaya lumingon ako. Pero ng pagkalingon ko e wala naman akong nakita. Tapos pinagpatuloy ko yung pag grogrocery ko.
Papunta na ako sa counter ng Makita ko na namansiya ulit. Sabi ko na nga ba e, siya yung sumusunod sa akin. Ano bang gusto niya? Nakakainis naman tong beastboy nato.
“Sabi ko na nga ba e? Kahit iwanan mo man ako kahit saan matutunton parin kita. Kasi alam ko kung nasaan yung pagkain nandun ka rin. And wait? Gravih ka ha? Makakain mo ba lahat ng yan? Eh ang dami –dami niyan a?” So what kong marami man yung pinamili ko? Hindi naman nakakapagod magbawas ng pera e. At sale naman pala ngayon kaya hindi masyadong magastos.
“So what? Pakialam mo? Mind your own business nga. Excuse me.” Yan lang yung sabi ko sa kanya tapos nagderetcho na ako papuntang counter. Pero hindi pa ako masyadong nakakalayo sa kanya ay bigla na naman niya akong hinarangan.
“Hey? Sorry na sa ginawa ko? Please? Patawad? Bilang sorry sa ginawa kong panloloko sayo kanina e ako nalang magbabayad ng lahat ng yan. Please?” sabi niya na nakapuppy eyes sa akin.
“Ok sige. Dahil sabi mo date nga natin ngayon Ikaw naman talga dapat ang magbayad ng lahat ng ito dahil sabi mo ililibre mo ako. Oh, kunin mo tapos ikaw ng pumila sa counter.” Sabi ko tapos binigay ko na sa kanya yung mga pinamili kong grocery.
Nang matapos na kaming mamili, lumabas na kami ng mall and to my surprise e ginabi nap ala kami. Kaya ng makalabas na kami ng mall ay hinila niya ako papasok ng car niya at dinala niya ako sa isang mamahaling El Martino’s restaurant.
“Oy? Bakit tayo nandito? Why did you bring me here?” tanong ko sa kanya ng makaupo na ako sa vacant chair at table na nahanap niyang pwesto na pwede sa aming dalawa.
“Ano kaba? Tinatanong pa bay an? Edi nagdedate tayo? At dito tayo kakain. So relax ka lang, masarap ang foods dito.” Sabi niya tapos tinawag niya yung waiter at nagorder na ng makakain. Oo alam kong masarap ang foods dito ng maliit kaya ako, dito ako madalas dinadala ni papa.
“Pwede naman sana sa iba nalang tayo kumain, parang for the rich only lang naman ang pwedeng kumain dito.” Hindi naman talaga yan ang rason kung bakit ayaw ko ditong kumain, ayaw ko ditong kumain kasi baka may makakita sa amin na kakilala ni papa or si papa mismo yung makakita sa akin na may kasamang lalaki siguro lagot ako, hindi lang lagot kundi patay ako. Ok lang naman kay papa na may boyfriend ako e ang ikinaiinis ko lang e pag nalaman niyang may ka date ako baka tuksuhin na naman nila ako. At ang pinakahate ko sa lahat ay ako yung gagawin nilang topic sa kanilang paguusapan. At naiinis ako kapag ganon yung sitwasyon.
“Ah, wag na dito na tayo. Atsaka mahal yung gasoline kaya dito nalang tayo.” Ano ba siya? Ang yaman yaman niyang tao napaka tipid pagdating sa gasolina.
“Alam mo?Ang barat mo? Ang yaman yaman mong tao e ang barat-barat mo.”
“Haha? Ako barat? Para san ba yung panglilibre ko sayo kung barat lang pala ako? Tinatamad lang akong magpagasolina.”
Sa wakas nandito na yung pagkain namin at kakain na ako! Hmmmmm? Ang bango-bango, amoy palang masarap na.
“Oh, sige kumain ka na. At pagkatapos mong kumain e. Ihahatid na kita sa inyo gabi na kasi e, baka pagalitan ka pa ng parents mo.” Sabi niya sa akin tapos sumubo na siya ng pagkain.
Nang matapos na kaming kumain ay hinatid niya na ako. Pero hanggang sa kanto lang ako nagpahatid. Siyempre ayokong malaman niya yung tungkol sa sikreto ko nu? Hindi niya dapat malaman kong saan talaga ako nakatira. At hindi niya pwedeng malaman kong sino talaga ako.
BINABASA MO ANG
"A Secret Identity of a Hidden Princess."
Teen FictionSi Alex. Si Alex ang anak ng isa sa mga pinakamayamang pamilya na nagmamayari ng isa sa mga sikat na paaralan sa buong asia na tinatawag na WILLSON ACADEMY. Pero imbis na mag aral dito ay pinili nyang mag aral na lang sa isang luma at pipityuging pa...