Chapter 16

8.1K 143 1
                                    

Chapter 16:

ZANDER’S POV

Kauuwi ko lang galing sa date namin ni bellfrog. Pagpasok ko sa gate ng bahay ay ipinarada ko na yung kotse ko sa garage namin tapos pumasok na ng bahay. Nang maka pasok na ako ng bahay ay agad na akong sinalubong ng isa sa mga katulong namin sa bahay.

“Sir. Kanina pa po kayo hinihintay ng papa niyo. Sabi po niya sa akin pagdumating na daw po kayo ay agad ko pong sasabihin sa inyo na papuntahin ka sa office niya. May importante daw ho siyang sasabihin sa inyo. Yun lang po yung sabi ng papa niyo.” Agad na sabi ng katulong sa akin pagpasok ko ng bahay.

“Ok. Thank you.” Yun lang yung sabi ko sa kanya at umakyat na ako sa taas para puntahan si papa sa office niya. Ang office ng papa ko ay nandito sa bahay, kapag wala siyang trabaho buong araw siyang nandito. Pero kapag may trabaho naman siya doon siya sa office ng companya namamalagi. Bale may office siya dito sa bahay at meron din siyang office sa companya namin.

Nang marating ko na yung kwarto ng opisina ni papa ay agad na akong kumatok. At hindi nagtagal ay pinapasok niya na ako.

“Pa?Bakit niyo po ako pinatawag?” sincere na tanong ko sa kanya.

“Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.

“Ahh, ehh. Sa mall po.”

“Anong ginawa mo dun at bakit ginabi ka ng uwi, sinong kasama mo?” Wow? Pwede hinay hinay lang sa pagtatanong?

“Ahh, nagshoping po. Kasama kop o yung mga kaibigan ko.”

“Bakit ka ginabi ng uwi?” ano ba yan? Pauli-ulit unli?

“Ehh, kasi pa..” hindi na natuloy yung pagsasalita ko ng bigla siya uling nagsalita.

“Alex,anak. Hindi ka dapat nakikihalubilo sa mga taong hindi mo kakilala. At lalo na’t hindi ka pwedeng makipagkaibigan kahit kanino at lalong-lalona sa babaeng ito.” Sabi niya sa akin tapos may hinagis siyang mga larawan. Tapos tinignan ko yung larawang hinagis niya sa akin and to my surprise lumaki yung mga mata ko. O_O

Hindi pwede to si bellfrog  yung tinutunkoy niyang babae na kasama ko kanina.

“Pa? All this time pinasusundan niyo pa rin ako? How can you do this to me?”

“Hindi kita pwedeng pabayaan, youre the future company owner of our company at dapat alam ko ang kilos at galaw mo. Ayokong takasan mo yung mga responsibilidad mo sa companya. Kaya kahit saan ka man pumunta may mga matang naka tutok sa kilos at galaw mo.” 

“Pa? Anak niyo po ako. At hindi ko magagawang takasan ang mga responsibilidad na naka atas sa akin. Atsaka bakit kailangan ko pang tumakas e mawawala din naman ako sa mundong ito.”

“Oo, anak kita. Pero mas mabuti ng nakakasiguro ako na hindi mo ako lolokohin. At wag na wag mong sasabihin na mamatay ka dahil hindi ka mamamatay . hindi!” sana nga tama ka.

 So? Can you tell me kung sino tong babaeng to? Is she your girlfriend? Sabihin mo sa akin ang totoo.”

“Ahh, pa. Nagkakamali ka hindi ko pa siya girlfriend. Kaibigan ko lang po siya.” Oo, hindi ko pa siya girlfriend pero malapit na.

“Kaibigan? Diba sabi ko sayo? Hindi ka pwedeng makipagkaibigan sa kahit na sino na walang permiso ko? Alex? Nagagawa mo na akong sawayin? Yan ba yung nakukuha mong impluwensiya ng mga bago mong kaibigan? Yung sawayin ako?” pateh ba naman ang pagkakaroon ng mga kaibigan dapat ko pang ihingi ng permiso sayo? Ano ka? Sinuswerte?

“Pa? Wag niyo naman po akong pagbawalan na magkaroon ng mga kaibigan. Yun nalang po yung meron ako kahit mawala man po ako sa mundong ito atleast nagkaroon ako ng mga kaibigan. Maawa  ka naman pa? Wag niyo po silang ilayo sa akin. Nagmamakaawa  po ako.”

“Ano? You know what your talking about? You are the future company owner of our company. And you think hahayaan kitang mamatay? Hindi ka mamatay Alex. And i assure that. May natitira kapang one month kaya ang one month na yan sulitin mo para sa mga kaibigan pero pag natapos na yang one month na  yan kailangan mo ng kalimutan yung mga taong tinuring mong mga kaibigan. At aalis kana, ipapadala ka namin ng mama mo sa ibang bansa at dun ka magpapagamot. Doon gagawin ang operasyon para sa sakit mo. Hindi ka mamatay Alex, hindi. Ikaw nalang yung pag asa ko, ikaw nalang. Sige pulutin mo na yan at lumabas kana.” Pinulot ko na yung mga nakakalat na litrato naming dalawa ni bellfrog sa sahig at lumabas na ng opisina.

Nakalabas na ako ng opisina niya at tumngo na ako sa kwarto ko. Hinubad ko na yung mga damit ko at nagpalit at humiga na sa kama ko. Unti-unti ko ng pinipikit yung mga mata ko. Habang pinipikit ko na yung mga mata ko. Bigla kong naalala yung nakaraan ko ng bata pa ako.

*FLASHBACK*( WHEN I WAS 7 YEARS OLD)          

“Papa? Tignan mo oh? Ang saya ng mga bata na naglalaro sa labas. Pwede po ba akong maglaro?” sabi ko kay papa habang dumudungaw ako sa bintana ng bahay.

“Hindi pwede anak. Bawal kang mapagod nakakasama sa puso mo ang pagpapagod. Mabuti pang dito ka nalang sa loob. I review mo tong mga documents pateh narin tong graph. Dapat alam mo kong ano na ngayon ang kalagayan ng kompanya natin. Dapat pag aralan mo kong ano yung mga nangyayari sa kompanya natin. You need to know all of this. Do you get me?” sabi niya sa akin tapos sinarado niya bintana. Tapos umupo na ako at binasa yung mga dokumento na ipinarereview niya sa akin.

*End of Flashback*

Gravih nu? Sobrang bata ko pa nun, pero marunong na akong magbasa. Sinanay kasi ako ni papa ng maigi.

Siguro nagtataka kayo kong ano ang sakit ko. Meron akong sakit sa puso. Yun bang hindi ako pwedeng tumawa, hindi ako pwedeng umiyak at hindi rin ako pwedeng mapagod. Simula ng maliit ako hindi ko na enjoy yung pagiging bata ko. Siguro nagtataka kayo kanina kasi parang bata ako ng makapunta ako sa gamestation. Buong buhay ko inilayo na ako ni papa sa mga laruan. Gusto niya mag aral ako ng mabuti. Pag aralan yung  kalagayan ng kompanya. Buong buhay ko. Nabubuhay ako na palaging si papa ang nagdidikta kong ano ang dapat kong gawin.

Naranasan ko lang yung maging Masaya ng makilala ko si Zandra, Nikole, Alex at Bellfrog. Silang lahat ay iisa, iba-iba man yung itawag sa kanya ng mga tao o mga kaibigan niya hindi pa rin nawawala ang pagiging totoong tao niya.  Natutunan kong tumawa at mag enjoy na kasama siya.

Kanina habang na sa game station kami hindi naman talaga ako nagjojoke nun. Totoong nanikip yung dibdib ko, muntik na nga akong matumba kung hindi lang niya ako inalalayan. Muntik na akong atakihin sa puso nun. Kaso nakita ko yung magandang mukha niya na alalang alala sa akin tapos naramdaman ko nalang na iba na pala yung tinitibok ng puso ko. Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko. Pero masasabi ko nalang that day i fell inlove with her.

"A Secret Identity of a Hidden Princess."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon