Tomato Dance

2 0 0
                                    

"Tomato dance"

"Asan naba yung regalo ko?"sabi ko habang hinahanap yung nawawala kong regalo pupunta kasi ako mamaya sa isang christmas party sa school 'panigurado ang daming pagkain don'

Napatawa nalang ako sa iniisip ko nang biglang

"HOY BRUHA ASAN KANA BAT ANG TAGAL MO?!"sigaw ng aking pinakamabait na kaibigan 😑

Itinuloy kona ang paghahanap ng aking regalo at sa wakas nakita ko narin,nagmamadali kong pinulot ang aking regalo at pumunta na sa baba,ng makababa ako ay ayan na!nakita kona ang nakabusangot na mukha ni Missy

"Bat ang tagal mong bumaba ha?!siguro iniisip mo naman yung pagkain no?"

"Hindi ah nawala kasi yung regalo ko kaya yun" sabi ko habang hindi makatingin ng deretso sa mga mata ni missy kasi sa loob loob ko ay inisip ko naman talaga yung pagkain hehehe kasalanan ko bang ang laman nang magandang utak kong to ay pagkain?

"Halika na nga baka ma late pa tayo" sabi ko nalang at nauna nang lumabas at syempre walang nagawa si missy kaya sumunod nalang siya 'hehehe sorry bess it's not my fault na may kaibigan kang palaging gutom'

Sumakay na kami sa jeep at makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa aming paaralan

Dumiretso na kami sa aming classroom ay inilibot ko ang aking paningin...may mga kaklase akong nag m-ml merong nag-uusap yung iba nag ma-make up pa at yung iba ay nag paparlor but ang pinakanahagip nang aking paningin ay ang mga pagkain 'woah' nagutom ako tuloy

Napanguso nalang ako at Inilagay na namin ang mga regalo sa ilalim ng aming christmas tree makalipas ang ilang oras ay nagsimula na ang aming programa at syempre na una yung games nilaro namin una yung tomato dance

"Okay class go and pair yourself now!" Masayang sabi ng teacher namin

Nilingon ko si missy para sana makipag partner pero paglingon ko ay wala na siya 'luh san pumunta yun?' sinubukan kong hanapin siya at ang bruha ay may partner na pala and what shocked me most ay yung partner niya ay yung crush niya,napatingin siya sa akin at nangingiting nag piece sign nalang siya sakin at kinausap muli yung patner niya 'abat para-paraan din ang isang to' nang inilibot ko ang aking paningin at nagulat ako nang may partner na ang lahat 'shukss mukhan hindi muna ako makakasali dito' napabuntong hininga nalang ako at nang pumunta na ako sa upu-an ko ay...

"Ma'am sorry po na late ako traffic kasi" hinihingal na sabi nang CRUSH KO,oo crush ko since grade 7 eh senior high na kami ngayon.

"It's ok Mr. Ferrer nagsisimula palang kami and were playing tomato dance now but you have to choose your partner" sabi ng teacher ko

"Ok po" nakangiting sabi niya 'ang gwapo talaga ni crush pag nakangiti hayssst' inilibot niya ang kanyang paningin at napakamot sa batok "Mukhang wala na po akong partner"

"Impossible yan kumpleto tayong lahat ngayon and all of you must have pairs,class sinong wala pang partner dito?"

Nagulat ako nang itinaas ni Missy ang kanyang kamay kahit may partner na siya

"Miss reyes?i thought you already have a partner?"ani teacher

"Opo ma'am meron na po ako pero siya po wala" at ang walang hiya itinuro ako,agad naman akong pinamulahan ng mukha nang malaman kong ako ang magiging partner niya

Nagulat ako nang lumapit siya sakin at grabe ang lakas ng tibok ng puso ko habang lumalapit siya sakin

"It's settled then your my partner and we need to play that tomato dance together"nakangiting sabi niya sakin

'IS THIS FOR REAL?!HELP ME MATUTUNAW AKO SA NGITI NIYAAA'hindi ko na namalayan na nasa gitna n apala kaming dalawa and the game started,inilagay niya ang tomato sa noo naming dalawa at pinagdikit namin ang noo namin sa tomato para hindi mahulog (sa iba choss) he placed one of his hands in my shoulder and one in my hips and start to sway a little pero in a way na hindi mahuhulog yung tomato at ako naman ay hindi alam kung ano ang gagawin

"Do exactly what im doing right now"mahinang sabi niya,sinunod ko naman ito tumagal yung music at konti nalang ang natitira,napatingin ako sa kanya and para akong natutunaw nang makita kong nakatitig siya saking mga mata
"Uhmmmm..."sabi ko,enebe crush weg keng genyen eheee

His eyes went down to my lips at that's when I stiffened

"Umm j-jake?"wala na akong masabi dahil sa lakas ng pintig ng puso ko

"D*mn it hindi kona kaya to Im sorry"di mapakaling sabi niya

"H-huh a-ano b-" hindi kona natapos ang aking dapat sasabihin dahil hinalikan niya na ako at dahilan rin na mahulog ang kamatis na nasa noo naming dalawa,pulang pula na ako at gulat akong napatingin sa kanya pagkatapos niya akong halikan gusto ko siyang sampalin dahil sa ginawa niya pero parang nawalan ako nang lakas Oo crush ko siya pero Aisstt!

"I want your lips to be mine"nakangiting sabi niya

"Mr.Ferrer and Miss Lopez you two are out"sabi ng teacher namin

"Okay lang po ma'am atleast naka score" nakangiting sabi niya at napatingin sakin,agad naman akong nag-iwas ng tingin dahil prinoproseso ko parin yung ginawa niya sakin

'S**t this tomato dance is not what I expected'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tomato DanceWhere stories live. Discover now