Prologue

26 0 0
                                    

---

Halos gusto ko nang lumipad para lang makapunta agad sa restaurant na sinasabi ni Rix. It's been two weeks nang last ko siyang nakita at nakausap. Gosh! Miss na miss ko na siya.

Halos tumalon ako sa saya ng nayakap ko na siya, subalit wala man lang akong naramdaman pabalik. "Hi baby! I miss you!" sabay halik ko sa pisngi niya.

Wala nanaman siyang tugon. Baka nagtatampo pa rin.

Blangko lang ang itsura niya habang nakatingin siya sa'kin.

"Baby ano ba? Sorry na please? Alam mo namang busy ako sa school diba?Di mo man lang ba'ko namiss? Naiintindihan mo naman ako diba?" malungkot na sunod sunod kong sabi.

"Let's end this"

Whh.. Whatt?

"Ano ka ba Rix?! Do you hear yourself?! 'di to magandang biro!" pagalit kong sabi

"I'm serious, Fayeanne"

I know galit lang siya. "Ano ka ba baby? Alam kong nagtatampo ka lang, sorry na okay? Stop this nonsense!"

Di ko siya makilala sa paraan nang pagtitig niya sa'kin. "Alam kong alam mo, na pag seryoso ako sa sinabi ko, seryoso ako"

Wtf is happening!

Unti-unting lumalabo ang mata ko sa pabubuhos ng luha. Hindi ko kilala ang nasa harapan ko. Mahal ako neto, eh. Pinaramdam niya! "Ano bang sinasabi mo Rix!" pilit normal kong sabi.

I'm shaking.. takot sa sunod niyang sasabihin..

"Are you deaf Fayeanna? or just pretending that you didn't hear?! Ayoko na! Sawang sawa na ako! Pagod na pagod na'ko!"

Di na napigilan ng luha ko at bumuhos itong tuloy-tuloy. "Akala ko ba ayos naman tayo? Mababaw lang 'yong away natin eh, alam mo yun. Baby please, wag mo namang gawin saken to" mahina kong tugon.

"Tama na, ano ba! Pinapahirapan mo pa'ko! Ang hilig hilig mong mang pilit! Kaya ka napagiiwanan eh!"

Pilit? Kaya ba pati siya, iiwan ako?

"Ano bang nangyayari sa'yo? May problema ba? Tungkol saken? Sayo? May nagawa ba ako?" umiiyak kong sabi. Alam ko naman kasing pag tungkol sa studies okay lang sakanya. Ang alam ko kase okay naman kami.. "O... May iba na ba?"

"Wala, wala akong iba" seryoso niyang sabi.

"Oh, ano to? Anong dahilan mo? Please explain! Nahihirapan na'kong intindihin eh.."

"Anong ano to? Ayaw ko na, tumigil kana!"

Tumigil? huh

Ba't parang ang dali dali niya lang sabihin yan? "Three years, Rix! Ba't parang wala lang sa'yo ha?! Three fucking years!" nahihingal kong sabi. tanginang iyak to oh!

Tumingin lang siya sa gilid sabay sabing "Tama na Faye, ganyan kana ba kadesperada? Para panatilihin sayo 'yung taong ayaw na?"

sakit naman putangina..

"Ayaw mo na talaga?" malumanay kong sabi.

"Oo, kaya hayaan mo na'ko. Ayoko na."

Huminga ako ng malalim "O sige, basta huwag na huwag kanang babalik at magpakita sa'kin!" tumayo ako at sabay takbo upang hindi niya na makita kung paano ako sobrang nasasaktan.

Iniwan na'ko nang lahat-lahat,, pati siya iniwan na rin ako..

Ba't ang dadali sakanilang iwan ako?

When the Right Time ComesWhere stories live. Discover now