Biglang kumabog ang dibdib ko ng tapikin ako ni Clark sa balikat."Bye, tsong. See you bukas!", paalam niya bago naglakad sa kabilang direksyon papunta sa sakayan ng MRT. Nginitian ko na lang siya at kumaway habang papalayo siya.
Clark... bakit ikaw pa?
Lumakad naman ko papunta sa sakayan ng jeep habang iniisip siya. Katrabaho ko siya at isa sa mga close friend ko. At sa lahat pa ng tao sa paligid ko, sa kanya pa ko nagkagusto. Tapos ngayon pa, kung kelan kagagaling ko lang sa break up.
Weeks ago ng makipaghiwalay sakin si Gio. Mahal ko siya pero sumangayon ako sa kagustuhan niya na maging friends na lang. Ayaw ko noong una, pero dahil nasa iisang circle of friends lang kami, mas nanaig sakin 'yong kaayusan para sa lahat. Hindi naman kasi sila pwedeng mamili between me and him. Not to mention na ako ang may kasalanan kaya kami naghiwalay.
Nagawa kong maging kaibigan na lang kahit gustung-gusto ko siyang yakapin sa tuwing magkasama kami. Sabi ko sa sarili ko, I'll make it up to him just to win him back. Kahit sinasabihan ako ng mga kaibigan namin na nagmumukha na kong tanga kakahabol sa kanya ay lumalabas lang iyon sa kabila kong tainga. I'm still in love with him but it seems like I'm hurting myself more and more.
Thinking of what happened between us, maybe that's the reason why I shifted my eyes to someone else.
Or maybe, my heart did...
Clark
Tsong, nakauwi ka na?Me
Kakauwi ko lang.Clark
Magpahinga ka na.
Ay, kumain ka pala muna.Me
Ikaw din tsong. See you!Clark
See you, goodnight!Napahiwalay kami ni Clark sa mga kaibigan namin nung napunta kami ng ibang department sa work. Noong una ay nakakalungkot, pero hindi nagtagal pakiramdam ko tadhana kung bakit kami napahiwalay sa iba. Naging mas close pa kami at araw-araw magka-chat through social media.
Kahit crush na crush ko siya, nagpipigil ako kiligin kapag kausap siya dahil una, ayoko masira ang friendship namin, pangalawa, hindi ko naman alam kung magugustuhan niya din ako. Thinking na alam niya yung dahilan ng paghihiwalay namin ni Gio.
It was February, team building namin. Overnight lang iyon sa isang private resort. Nagiinuman kaming lahat habang nakababad sa pool. Sobrang chill at saya sa pakiramdam na makapagpahinga. Nasa gilid kami ni Gio, nakaupo siya sa may hagdan at nakasandal naman ang likod ko sa dibdib niya.
Masayang nagku-kwentuhan ang lahat. Puro tawa lang ako dahil lasing na ko. At sa di ko maipaliwanag na dahilan, bigla na lang akong nagtapat kay Gio. Yung sikretong pinakatago-tago ko sa kanya. Isang sikreto na kahit ako ayoko ng alalahanin. Pero dahil sa kalasingan ko, naisip ko na baka this is the right time to tell him hoping maintindihan niya kung magpapaliwanag ako.
Humarap ako sa kanya at niyakap siya. Lumunok ako ng ilang beses bago nagsalita.
"Babe, remember nung sumama ako kay Travis?", napatingin siya ng diretso sa mga mata ko. "I'm sorry nagsinungaling ako, may nangyari samin. He forced me. But please understand na kaya ko tinago iyon sayo dahil hindi ko kayang mawala ka" paliwanag ko.
Nagulat ako dahil hindi man lang ako nautal. Marahil ay dahil sa kalasingan. Pero ramdam kong umaagos ang luha sa mata ko.
Hindi sumagot si Gio, sa halip marahan niya kong nilayo sa kanya. Nagulat din ang mga kasama namin dahil paghagulhol ko. Sinundan ng mga lalaki si Gio samantalang pinatahan naman ako ng mga babae.
