Kabanata 1

293 16 0
                                    

The Palace

"Becca! Anong ginagawa mo diyan?! Bumaba ka nga!" Narinig ko na naman ang nakakarinding sigaw sa akin ni ina. Nandito kasi ako ngayon sa sanga ng isang puno dito sa amin. Dito ako madalas tumambay. Nahiga pa nga ako eh. I told you I'm not an ordinary girl. I can climb up in the trees! I can also run, swim and do the things that a boy only do! Pero iba sa akin! If the boys can do it then I also can do it!

"Ayaw ko! Mahangin dito eh!" Sigaw ko pabalik. Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang malagong dahon ng puno na pinaglalagyan ko. Kasabay nun ang alaala ko sa nangyari kagabi. Nakausap ko ang crown prince! Siguro kong ibang babae ako malamang nag wala na ako dahil sa kilig. Pero dahil iba ako mahirap hanapin ang kilig sa akin.

"Isa Rebecca!" Natawa ako ng narinig ko ang galit na boses ni ina. I rolled my eyes. Bumangon ako sa pagkakahiga sa sanga pero dahil nawalan ako ng balanse ay tuluyan na akong nahulog sa sanga.

"Aray!" Napangiwi ako sa sakit ng pagkakabagsak ko. Agad naman akong dinaluhan ni ina.

"Jusmiyo kang bata ka! Wag ka ng mangakyat sa puno!" Pangaral nito sa akin. Tumayo ako at pinakiramdaman ang sarili. Napangiti ako ng ma realize na wala namang nabali.

"Sige ina, papasok na ako sa bahay." Sabi ko at patakbong pumasok sa bahay.

"Rebecca ayusin mo nga ang lakad mo! Act like a girl!"

I almost rolled my eyes at that. Madalas akong pagsabihan ng ganun ni ina. Madalas nga niya sa aking ituro ang mga ganiyang bagay. Siguro dahil nag iisa akong anak at babae pa. Pero sa isip ko hindi naman importante kung umasta ako ng ganito. At isa pa wala akong pakielam sa sasabihin ng iba! Sa totoo nga ay marami pa rin namang may gusto sa akin sa paaralan! Partida di ba?

Habang naliligo ay nasa isip ko pa rin yung crown prince. Sobra talaga ang kaniyang mukha! Gwapo talaga siya! Napapikit ako. Hindi ko dapat yun isipin! Naku po! Sigurado akong malaki ang responsibilidad nun sa palasyo!

Bilang anak ng General Army ng Freliord, hindi naman kami sobrang marangya katulad ng mga dugong bughaw. Nakatira lang kami sa isang maliit na bahay tama lang sa aming pamilya. I'm the only child. Kaya naman nasa akin ang lahat ng atensyon ng aking mga magulang. Natatawa pa nga ako kapag nagtatalo si ina at ama sa mga dapat kong ikilos. While my mother wants me to act like a fine girl, my father wants me to act what I really want. He even teach me how to fight and use swords! Kaya siguro hindi ako katulad ng mga natural na babae. Sino ba naman kasing babae ang magiging interesado sa pakikipaglaban at sa paggamit ng espada?

Nang lumabas ako ng kwarto ay napangiti ako dahil nakita ko si ama na nakakarating lang galing palasyo. He's wearing his army attire with his sword in his side.

"Ama!" Sigaw ko at mabilis na lumapit sa kaniya para yumakap. Humalakhak siya at hinagkan ako pabalik. Hindi pa naman katandaan si ama. He's just 45 years old while my mother is 43. Kaya naman kitang kita pa rin ang tikas ng kaniyang pangangatawan.

"Where's your mother?" He asked softly. I smiled widely.

"Nasa kusina yata, nagluluto na ng hapunan." Sabi ko.

"Sige, mag papalit lang ako, sabihin mo sa ina mo na sabay sabay na tayo kumain." He kissed me in my forehead before he walk towards their room. Ngumiti ako masiglang dumiretso sa kusina at doon ko nakita ang aking ina na naghahain na ng pagkain.

"Ina! Dumating na si ama, sabay sabay na daw tayong kumain!" Maligaya kong sinabi at umupo sa upuan ko.

"Sige." Sabi ni ina at taas kilay na tiningnan ang aking suot. I'm wearing a pajama and loose t shirt. Napasimangot ako dahil alam ko na kung anong sasabihin niya.

Light and Darkness (Lips of a Royalty Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon