Chapter 2: The Grudge

46 1 0
                                    

Mall~

Dumeretso ako sa supermarket at bumili ng snacks namin. Hayy, nasaan na ba yung pillows? Paikot-ikot lang ako hanggang sa makita ko na yung hinahanap ko. Mwahahahaha! Pillows here i come! kumuha ako ng tatlo. Yung Pinakamalaki yung kinuha ko at saka ishinoot sa pushcart. Kumuha pa ako ng kung anu-ano at saka pumunta sa counter.

Umalis na ako ng supermarket at dumeretso sa KFC. Dalawang bucket ang binili ko Bakit? matatakaw yung mga kasama ko. Sa Yellow cab nagpunta din ako. Dalawang malaking pizza ang binili ko. Pagkatapos sa tokyo tokyo. Hayy! Pagod na ko. Ang dami na nito. Okay na toh. Pagkatapos kong bumili umalis na ako. Tumingin ako sa relos ko at 8:04 na pala. Ang tagal ko pala. He-he baka nagwawala na yung tatlo dun. Pumara na ako ng taxi. Umandar na toh at sinabi ko kay manong ang address ko. 

"Ah, Manong Morel's Residence po tayo." Biglang pumreno ng malakas yung driver. Aray ha, kamuntikan pa akong mauntog.

"Bakit po manong? May problema ba?" Nakita kong tense ang mukha niya at halatang kabado. Ano bang meron? Nako! Baka may LBM si manong. Anu ba yan! dito pa inabutan. Mukhang natataeng ewan e.

"M-morel's R-residence po ba?" Ay bingi yata si manong. Napakamot na lang ako sa ulo.

"Ah opo. Bakit po?" Umandar na ulit yung taxi.

"W-wala naman ihja, Baka hindi lang yun ang may ganung residence sa Pilipinas"  Huh? Ano bang pinagsasabi ni Manong?

"Ah eh Manong driver, Nag-iisa lang po ang Morel's Residence sa Pilipinas. Yun na yung pinakamalaki dito." At muli pumreno na naman si manong ng malakas. Anak ka naman ng sampung tupa oh! This time nauntog na ako. Aray huhuhu,

"Aray naman manong! Nakakailang preno ka na ha! Aray huhuhu, ang sakit." Hinimas himas ko pa yung noo ko. Grabe ang lakas ng impact. Nyemas naman oh. Magkakabukol pa yata ako nito.

"Sandali, ang ibig mo bang sabihin na Morel's Residence ay yung may pinakamalaking gate tapos my Logo sa Pinakagitna na Scorpio?" Paano nalaman ni Manong Driver yun? Halaa, hindi kaya magnanakaw si manong driver at yun ang main spot niya? O_O tinignan kong maigi si manong. Matanda na eh, Hindi na niya kayang mangnakaw niyan.

"Opo! Paano niyo po nalaman? May kilala po ba kayo dun?" mukhang natigilan si Manong sa tanong ko. May nasabi ba akong mali? 

Twelve Olympians: The Beginning (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon