"Susmaryosep! Ang hirap kumita ng pera ha!" Nag-inat si Ella para kahit papaano ay ma-stretch ang nangangalay na katawan habang naglilinis ng grand staircase. "Anak ng kinalbong palaka naman oh, ang sakit na ng balakang ko." Alas-siyete pa lang ng umaga pero parang gusto na ulit niya mahiga at matulog ng mahaba. Kaya lang ay araw ng sabado ngayon, ang araw kung saan umuuwi ang Pamilya Hendelson sa Mansion para sa lingguhang pahinga mula sa busy na trabaho sa Maynila. Ibig sabihin ay busy ang araw niya at walang oras magpetiks.
Nakadagdag pa sa iniinda niya ang sakit ng katawan na nakuha mula sa pagwoworkout. Mula kasi ng sabihin ni Trace na mabigat siya ay kinarir na niya ang pagpapaganda lalo ng katawan. Halos mag-iisang buwan na niya ginagaya ang mga workout video na pinapanood niya sa youtube. Mapa-pilates, yoga, zumba, at kung ano-ano pa, lahat iyon ay ginagawa niya para mapaganda ang katawan.
Hindi naman siya mataba. Kung tutuusin ay maraming nagsasabi na nakakainggit ang daw kurba ng kaniyang katawan dahil iyon ang klase ng pigura na gustong-gusto ng mga lalake. Pero ang sira ulong si Trace ay hindi iyon naaappreciate kaya gusto niya patunayan dito na mas may igaganda pa siya, "Hmmp! Hintayin mo lang at matatameme ka din sa sobrang sarap ko."
Pero naputol ang pagmonologue niyanv iyon ng biglang magsalita ang boses ng isang lalake mula sa ibaba ng hagdan. "Nasisiraan ka na ata ng bait, Ella. Gusto mo bang tumuwag na ako sa mental para ipasundo ka?"
Nang lingunin niya kung sino iyon ay muntik na niya mapagkamalan na si Trace iyon, ngunit ang sabi ng kaniya isipan ay hindi. At alam niyang tama siya. Nakasuot ng green t-shirt at white shorts ang binata habang bitbit ang isang sports bag nito na tiyak naglalaman ng mga maruruming damit.
"Hindi na, Sir Jace. Mahal ang gas ngayon, lalakad na lang ako papunta doon mamaya." Sakay niyang sagot sa biro nito.
"I'm not Jace." tanggi nito.
"Hindi mo ko maloloko, Sir Jace. Kilala kita." Aniya sabay dila dito.
"Hindi nga ako si Jace." Pagpipilit na tanggi pa rin ng lalake na akala siguro ay maloloko siya nito. Naging habit na kasi ng kambal na paglaruan ang mga tao sa Hacienda.
"At hindi rin ikaw si Sir Trace." Mabilis niyang sagot dahil sigurado siya sa kaniyang sinasabi.
"At paano ka nakakasigurado na tama ka?"
"At paano ka nakakasigurado na mali ako?
"Because like I said, I'm not Jace."
"So kung hindi ikaw si Sir Jace, at hindi rin ikaw si Sir Trace... So, sino ka? Triplets kayo?" Patuloy na pamimilosopo niya sa lalaki. "O baka naman doppelganger ka, huh?!" Eksaherada niyang sabi at saka pa umarte na kunwaring natatakot na sinabayan pa ng pagdadasal. "Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo---" Pero hindi na niya naituloy ang pag-acting dahil biglang tinawanan lang siya ng malakas ni Jace. Sa sobrang galak nito ay halos maiyak na nga ito sa kakatawa.
"Daig mo pa ang high!" Sabi nito na halos habol ang hininga at pilit na kinokontrol ang sarili. "Sabog ka ba, Ella?"
"Nakaka-high talaga ang ganda ko." Aniya sabay hawi ng buhok.
"Hmm, I've seen prettier and sexier girls, Ella." Pambabara naman ni Jace sa kaniya at saka ito naglakad paakyat ng hagdan. Nang makalapit na ito sa kaniyang pwesto ay mataman nitong tinitigan ang kaniyang mukha na tila ba pinag-aaralan at sinusuri ang bawat bahagi niyon. "But I must admit, tama ka nga. Nakaka-high ang ganda mo dahil parang wala kang insecurities sa katawan." Sabay kurot sa kaniyang pisngi, "I've never dated someone as confident as you are."
BINABASA MO ANG
One That Got Away (Playboy Series #4)
Romansa(Tragic Romance) Trace is a rich young businessman and a well-known playboy. At hindi niya iyon itatanggi, in fact, nagagawa pa nga niya pagsabayin ang mga babaeng nilalandi niya. And Ella is just another innocent victim of Trace's game. Dahil ang...