Heneral POV.
Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon,malaki ang kasalanan na nagawa ko kay Ayra.Kung alam ko lang hahantong sa ganitong sitwasyon,hindi ko nalang sana ginawa ang planong pag-iwan ko sa kanya.
Nilingon ko siya sa likuran ko,at nasilayan ko ang kanyang nakaka-awang kalagayan na sinapit sa mga taong iyun.
Hindi ko siya magawang titigan nang matagal,binabagabag ako ng konsensya ko.Ano ang ipapaliwanag ko sa kanilang Anyeras,pag dating ko doon.Pag nalaman nila ang ginawa ko,sigurado akong hindi nila ako mapapatawad.
Ilang sandali pa lang ay narating ko na ang aking mansion,agad akong bumaba at binuhat si Ayra.Mabilis akong pumasok sa loob at dinala siya patungo sa silid ko.Wala siyang malay at kitang kita ang pasa sa kanyang mukha.
Nag-alala ako kung sakaling hindi na siya magising,paano kung hindi na niya matiis ang pang aalipusta ng mga taong iyun kaya't...
Hindi ko dapat iniisip iyun,kailangan sa madaling panahon,magamot ko siya at mapagaling.Gagawin ko ang lahat para lang mailigtas siya.
Hinanap ko sa mga aparador ang mga nakatagong gamot ko,sigurado akong dito ko lang yun nilagay.Hinalughog ko ang loob nito,puro alikabok at mga sapot ng gagamba ang bumungad sakin.Hindi ko narin kasi matandaan kung kailan ko to muling nabuksan.
Hanggang napansin ko ang isang kahon,kinuha ko ito at inilapag sa kama.Kabado ako sa bawat kilos ko,hindi ko alam kung magtatagumpay ako pero sisiguraduhin kong gagawin ko ang lahat para lang mapagaling si Ayra.
Kasalanan ko ito,kaya kailangan ko itong ayusin.
"Jusko!!..Ayra!!!!..Anong nangyari sa'yo!"nabigla ako nang marinig kong boses ni Anyeras na pumasok sa silid ko.
Paano ko ipapaliwanag sa kanya,paano ko sasabihin sa kanya ang nangyari.
"Heneral!Anong nangyari kay Ayra!!"pag-alalang tugon niya bago lumingon sakin si Anyeras.Sigurado akong labis ang kanyang pag alala.
"Uh...eh.."nauutal na tugon ko sa kanya.Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon,umaagos na ang pawis saking katawan.
"Na-nahulog siya, sa ku-kubo...."pagsisinungaling ko sa kanya.
"Ano?..paano..teka,magsabi ka nga ng totoo Heneral..ANO BANG NANGYARI KAY AYRA?!!"pagtataas ng boses niya.
Ilang segundo akong natahimik.Nanginginig ang buong katawan ko,kinakabahan at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.
"Mu-muntikan na siyang magahasa.."mahinang tugon ko sa kanya.
"Ano!!!Paano nangyari Heneral!!.."pagsisigaw niya.Hindi niya ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi sa kanya ang buong nangyari.
"Noong umalis ako sa kubo u-upang maghanap ng aming makakain...pagbalik ko...muntikan na siyang magahasa ng mga lalaki doon.."pagsisinungaling ko sa kanya.Ayukong sabihin sa kanya ang totoo at sisihin niya ako sa pangyayari.Ipinagkatiwala nila si Ayra sakin at ganito ang ginawa ko sa kanya.
"Napakawalang hiya nila!!.."
Hinawakan niya ang mukha ni Ayra,nasisiguro akong labis rin na nasaktan si Anyeras sa nangyari kay Ayra.Malaki ang naging kasalanan ko sa kanila,naging makasarili ako at sinunod ko ang maling pananaw ko.
Abala ako panggagamot kay Ayra,tinulungan narin ako nina Anyeras.Ilang sandali pa ay maayos na ang kalagayan niya at mahimbing siyang natutulog.Iniwan narin muna ako nina Anyeras,upang hayaan ang sarili ko na magbantay kay Ayra.
Inayos ko muna ang mga gamot bago ibinalik ito sa aparador.Nagbihis narin muna ako ng aking damit,at inayos ang sarili ko.Tanging isang lampara lamang ang nagbibigay ng liwanag sa aming paligid.
BINABASA MO ANG
He's my Historic Guy
Ficción histórica(COMPLETED) Hindi naging madali ang pagbabakasyon ni Ayra kasama ang ama sa probinsya,bukod kasi sa malayo ito sa bayan,mahirap ding makasagap ng signal doon. Kaya't hahamakin niya na maghanap ng signal sa labas papasok sa kagubatan. Hanggang mapagt...