Prologue

79 4 0
                                    

Nagkakilala ang tatlong magkakaibigan na sina Elaine, Arnold at Kaye. Matagal ng may gusto si Elaine kay Arnold hindi nya lang sinasabi kay Arnold ang lihim na ito, tanging si Elaine at Kaye lang ang nakakaalam. Ng isang araw ay umalis ng bansa si Elaine dahil kailangan nyang magtrabaho sa America. Sobrang nalungkot si Kaye dahil wala na si Elaine. Makalipas ang 1 buwan inaya ni Arnold si Kaye na magpakasal. Ito naman si Kaye ay hindi maka oo dahil alam nyang matagal ng may gusto si Elaine kay Arnold. Pero sinunod nya ang sinasabi ng kanyang puso kaya matamis na "Yes" ang sinagot niya kay Arnold. Makalipas ang 3 taon nabuntis si Kaye na sakto na uuwi na rin si Elaine ng Pilipinas. 8 buwan na ang dinadala ni Kaye
"Mr. and Mrs. congratulation tatlo po ang magiging anak nyo" sabi ng doktor. Hindi mapakaniwala ang mag asawang Kaye at Arnold.


Pumunta naman tayo sa airport kung nasaan na si Elaine.
Nang makita na ni Elaine ang pamilya nya agad nitong tinanong kung nasaan sina Kaye at Arnold. Hindi agad nakasagot ang mga magulang ni Elaine. "Anak si Arnold at si Kaye ..... ay kasal na" sabi ng kanyang ina. "Ano! Hindi maari ito!! Nangako sa akin si Kaye na hindi nya sa akin aagawin si Arnold" sigaw ni Elaine. "Anak hayaan mo na sila! Masaya na sila ngayon at magkakaroon na sila ng mga anak" sabi ng kanyang ina. "Magkakaroon na rin sila ng anak?! Hindi pwede ito mangyari. Pupunta ako sa kanila" sabi ni Elaine. Pipigilan na sana nila si Elaine kaso ayaw nyang magpapigil. Nang makarating na si Elaine sa bahay nila Kaye at Arnold. May kumatok sa pinto nila Kaye at agad naman itong binuksan ng kanilang kasambahay. "Sino po kayo?" tanong ng kasambahay. "Sabihin mo sa iyong amo na nandito si Elaine" sabi ni Elaine. "Sige po ma'am. Kaano-ano po kayo ni ma'am?" sabi ng kasambahay. "Matalik na kaibigan" sabi ni Elaine. "Ma'am Kaye may naghahanap po sa inyo. Elaine daw po ang pangalan" sabi ng katulong. "Papasukin mo" sagot ni Kaye. Pumasok sa isip ni Kaye na kaya bumalik si Elaine para bawiin si Arnold. Nang makapasok si Elaine ay bigla itong pumalakpak. "Wow asensado na talaga kayo. Kamusta na kayo ni Arnold na INAGAW mo sa akin?" sabi ni Elaine. "Hoy! Magdahan-dahan ka nga sa sinabi mo baka nakakalimutan mo na nasa pamamahay namin ikaw at isa pa kahit kailan hindi naging SAYO si Arnold at kahit kailan hinding hindi magiging sayo si Arnold" tugon naman ni Kaye. "Kung hindi mo lang siya kinuha magiging kami sana kung hindi ka lang nangialam.....akin na sana sya ngayon" sambat ni Elaine. "Hanggang pangarap mo lang yun" tugon ni Kaye at biglang dinugo si Kaye. Tinawag naman ni Elaine ang guard. "Kuya!! Tulong!! Yung amo nyo dinudugo" sigaw ni Elaine. Sinugod na si Kaye sa hospital si Kaye at nasa room na. "Oh! Nasaan na ang doktor tingnan nyo manganganak na yung kaibigan ko" sabi ni Elaine. "Ma'am may inaasikaso pa pong pasyente" sagot naman ng nurse. "Sige ganto na lang ako na lang ang magpapaanak....doktor rin ako sa America" sabi ni Elaine. "Sige po" tugon ng nurse. "Iri Kaye Iri bilis nakikita ko na ang ulo ng bata" sabi ni Elaine. Nagulat si Elaine ng may isang ulo pa syang nakita. "Iri pa Kaye may nakikita pa ako" sabi ni Elaine. Nang lumabas na ay sumasakit pa ang tiyan ni Kaye. "Aray!!" sigaw ni Kaye. "Meron pa Iri pa bilis isa pa" sabi ni Elaine. Nang lumabas na ang lahat ng baby ni Kaye at Arnold ay biglang nahimatay si Kaye. Nang mabalitaan ni Arnold na nanganak na nga si Kaye ay agad itong dumiresto sa hospital para makita nya ang kanyang mga anak. Pagdating nya doon ay wala na si Elaine at pabalik na ng America.

.

.

.

.

.

.

Hi friends

Second story ko po ito

Sana paki laganap naman po thanks!

Sa mga Silent Readers dyan paramdam naman kayo para alam ko kung sino nagbabasa

Enjoy the story

Marami pa ang magaganap

Abangan!

-Anabelle

The 3 loyal girlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon