"Si Sabrina..." mahina niyang sabi. Ramdam ko ang lungkot at gulat sa kanyang tono.
"Bakit...." nag-unahang bumagsak ang kanyang mga luha sa pisngi. Ayoko siyang makitang ganyan. Alam mo yung ganung feeling? Na ayaw mong makitang may umiiyak para hindi ka ka rin maiyak?
"Tarantadong Leo yan ha! Gusto mong sugurin ko siya saka supalpalin nitong juice?" galit na galit si Darlene.
"Huwag na. Alis na lang tayo..."
"Gago talagang Leo yan! Nakakakulo ng dugo! Tarantado pa siya sa tarantado!" gigil na sabi ni Darlene.
"Tara na...samahan niyo na lang muna ako sa bahay..." wika niya. Patuloy pa rin ang pagtulo ng kanyang luha.
Naghaharutan ngayon yung dalawa. Isang malaking bwisit talaga si Leo. Nakakainis lang dahil bakit walang pasabi? Bakit nangako pa kung ganun lang din ang gagawin niya sa kaibigan ko? Hindi makatarungan. Magka-LBM sana siya hanggang next week. Tapos magka-pigsa sana siya. Hmp.
Sumakay na lang kami ng trike pauwi. Doon muna raw kami mag-stay sa bahay ni Kaye. Siyempre, pumayag kami. Para naman may nagcocomfort sa kanya 'di ba? At para may pagkain? Joke. Sama ko namang kaibigan.
Alam ng nanay ni Kaye na may Leo siya. Tinanggap naman ng nanay niya yun as long na inspirasyon nila ang isa't-isa at hindi naaapektuhan ang pag-aaral. Sana lahat 'di ba? Si mama kasi ang KJ. Ayaw maniwalang may ka-m.u ako na saksakan ng kagwapuhan. Imagination ko lang daw kasi yun. Hindi naman ako ganun 'no! Hmp.
Nakarating na kami sa bahay nina Kaye. Malaki ang bahay nila para sa apat na miyembro ng pamilya.
"Huwag niyo sabihing broken ako...baka magalburoto si mama." saad ni Kaye.
"Okay pu-Kaye."
Sumalubong sa amin ang magulang niyang nagkakape. Ngumiti sila sa amin. Nagmano kami kaagad.
"Salamat mga anak..." pasasalamat ng tatay niya.
"Oh nga pala Kaye? Bakit namumula mga mata mo? Umiyak ka ba?"
"Tita, yung anak niyo po kasi nahuli sa school na nag-aadik." pabirong sagot ko.
"HA?!" gulat tatay niya eh.
"Ay susmiyo...anong klaseng bata ka?!" napahawak sa dibdib nanay niya.
"Charot lang tita!"
"Sus ginoo ka Hyacinth! Nanikip dibdib ko sa'yong dalagita ka!"
"Eh kasi Tita, may audition kasi kanina sa school namin. Search for the next Nora Aunor. Naisipan naming si Kaye ang pwede doon. Galing niya nga po eh! Halos mawalan na siya ng boses kanina kakaiyak."
"Ayos yan, anak. Nakakaproud naman!" puri ng tatay niya.
"Nga pala Kaye, nasaan si Leo? Hindi ko na siya nakikitang hinahatid ka pauwi. Gusto ko sana siyang makasama ulit dito sa bahay."
Nagtinginan kaming lima.
"Ah...ehh...busy lang kasi sa sepak takraw kaya wala na siyang time. Lagi na kasing pagod. Late pa umuuwi. Kaya ayoko na munang magabala..." walang ganang sagot ni Kaye.
"Ay ganun ba. Sabihin mo sa kanya, huwag na siyang mahiya kapag pumupunta dito. Welcome na welcome siya rito. Anytime pa! Ipagluto ko pa kayong dalawa!"
"Kung sana hindi niya hinalikan ex niya..." bulong niya pero hindi siya narinig ng nanay niya.
"Ano pala sadya niyo rito mga anak?"
"Hmmm...tutulungan po namin anak niyong magpractice ng lines." sagot ni Jannah.
"Huwag kayong mataranta Tita kung may maririnig kayong iyak ha? Normal lang po yun sa script ni Kaye." dagdag ni Ashley.