Nasaan ang Pag-asa?

73 3 0
                                    

Sa aking murang edad,

Namulat na ako sa kalagayan ng sosyodad.

Kapag ika'y walang-wala,

Ikaw ay binabalewala.

At kung sino pa ang marangya,

Ay siya pang nandadaya.

Sa mga kagaya kung nangangarap,

Na kung minsan ay umaabot sa alapaap.

Wala na ba talagang pag-asa?

Pagka't ang buhay ko ay punong-puno ng pagdurusa.

Bakit sadyang ganito ang buhay?

Kahit lahat ay iyong ialay,

Lagi ka paring naghihintay.

Wala sanang naghihirap,

Kung walang mga corrupt.

Wala sanang nagugutom,

Kung walang nangungutong.

Hindi na sila naawa!

Mga kawawang tao ay kanila pang kinawawa.

Ano ang silbi ng buhay?

Kung unti-unti nila tayong pinapatay.

Mga estudyanteng gaya ko?

May pakialam pa ba kayo?

Nasaan ang sinasabi nilang pag asa?

Kung hanggang ngayon tayo ay umaasa..

--------
Hey guys! Thanks for reading this poem.
First time kung sumulat ng ganito sa wattpad so sorry if this isn't good enough.
Ginaganahan akong gumawa ng mga ganito ee.
Just leave your comment if you want.

Book of poems (tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon