Page 32

131 9 4
                                    

"Mika, may nagpapabigay sa'yo"

Sabi ni Brent saka ibinigay sa kanya ang isang paper bag. Nang buksan niya iyon ay nakita niya doon ang palda ng uniform niya.

Nakalimutan niya kasing dalhin iyon para sa gagamitin nila mamayang costume.

"Sige, salamat!"

Maya-maya ay nagbihis na silang lahat dahil magpeperform sila ng sayaw. Ngayong araw kasi ang Christmas presentation nila.

Kung last year ay propsmen lang siya, ngayon ay isa na rin siya sa mga sasayaw niyang mga kaklase dahil sa panibagong panuntunan na ibinigay sa kanila.

Kailangan daw kasi ngayon na lahat ng estudyante ay makikitang sumayaw kaya naman wala siyang choice. Ieenjoy na lang din niya tutal naman ay last na ito.

"Mika, pwedeng patulong?"

Tanong sa kanya ni Brent nang makita niya itong nahihirapan ikabit ang suspender na parte ng costume nito.

Tutal tapos na din naman siyang mag-ayos ng damit niya kaya naman tinulungan na niya ito.

"Sabihin mo 'pag natusok kita ng pin ha?"

"Sige"

Dahan-dahan niyang ikinabit sa balikat ng suot nitong polo uniform ang dulo ng suspender gamit ang safety pin.

Kinakabahan siya dahil baka matusok niya ito ng pin at dahil na rin sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa't isa.

Nakatingin kasi ito sa balikat nito kaya talaga namang kaunting galaw lang ay mag-uuntugan na sila.

"Aray, masakit!"

"Hala! Natusok kita?"

"Oo"

Agad naman siyang humingi ng paumanhin dito.

"Baba ka ng kaunti, ang tangkad mo masyado"

"Magpatangkad ka kasi"

Natatawang sabi nito at sinadya naman niyang tusukin ng kaunti ang balikat nito.

"Hoy, masakit!"

"Huwag ka kasing malikot"

"Mika, nasaan 'yong—"

Napatingin silang dalawa ni Brent kay Clara nang magsalita ito ngunit hindi na nito itinuloy ang sasabihin nang makita sila.

"Ano 'yon?"

"Wala, wala"

Iyon na lang ang sinabi nito habang nakakalokong ngumiti sa kanya na para bang sinasabing ituloy lang niya ang ginagawa nila ni Brent at hindi na ito mang-iistorbo pa.

Matapos ikabit ang dulo ng suspender sa balikat ni Brent ay ikinabit naman niya ang isa pang dulo sa pinaglalagyan ng belt ng seda pants nito. Medyo awkward pa dahil baka mamaya ay kung anong mahawakan niya.

Nako, Mika!

"Thank you, Mika. Teka, ayos lang ba ang damit ko?"

Tanong nito at tiningnan naman niya ito mula ulo hanggang paa. Napakagwapo nito ngayon at wala na siyang iba pang masasabi.

Napansin lang niya na hindi ayos ang pagkakatuck-in ng damit nito kaya naman inayos niya. Inayos na din niya ang polo uniform nito na medyo nagusot.

"Ayan! Ayos na! Ay, wait! Hindi pa pala"

Inayos din niya ang buhok nito na medyo gulo at napangiti naman siya nang maayos niya iyon. Sobrang gwapo na tuloy nito lalo ngayon at nanggigigil siya dito.

IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon