Prologo

45 5 0
                                    


[First Star- Prologue]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[First Star- Prologue]

(THIRD PERSON POINT OF VIEW)
"noong unang panahon, may isang binatilyo nangangarap na matupad ang kanayang mga kahilingan. Isang gabi noong kanyang pinagmamasdan ang mga bituin na kumikinang sa kalangitan, ay may isang kakaibang bulalakaw na nahulog sa harap nya mula sa kawalan. Nang kanyang tiningnan kung ano iyon, nagulat sya ng may isang diwata na lumabas sa kakaibang hugis tala na bagay. Bumati sa kanya ang magandang diwata at sinabi nito na maaring siyang humiling. Binigyan ng diwata ang binatilyo ng tatlong kahilingan para tuparin ang pangarap nito. Una nyang hiniling ay magkaroon siya ng maayos na buhay kasama ang mga magulang nya.  Naging maayos ang kanyang buhay nang dahil sa mahiwagang diwata. Naging malapit ang diwata sa binatilyo at hangang sa nagtagal ay nagkamabutihan sila. Inamin ang binatilyo ang nararamdaman nito sa diwata at ganon din ang diwata sa kanya. Naging mas masaya ang buhay ng binatilyo kasama ang minamahal niya. Ngunit isang araw ay nagising-----" hindi na natapos ni Mirasol ang kanyang kinukwento sa kanyang anak na si Stella nang sumakit ang kanyang tiyan.

"m-manganganak na ata ako, m-mahal!" sigaw ni Mirasol habang ang kanyang anak naman na si Stella ay mabilis na tinawag ang kanyang amang si Calisto. Nang marating ni Calisto ang kuwarto kung saan ang mag-ina ay binuhay nya papunta sa sasakyan nila si Mirasol.

Agad isinugod ni Calisto sa ospital si Mirasol. Tinawagan nga din ang kanayang kapatid na si Calista upang may magbantay kay Stella.

Apat na taong gulang palang si Stella sa panahong iyon at hindi na sya makapaghintay na makita ang kanyang bagong kapatid.

"Stella halika, maupo kamuna dito. Kanina ka pa kasi nakadungaw diyan sa bintana" mahinhing saad ni Calista habang nagtitimpla ng gatas para kay Stella. "hindi ka pa ba matutulog, Stella?" tanong ni Calista sabay abot ng gatas sa bata.

"hindi pa po tita, hihintayin ko po si papa at mama" masayang saad ni Stella at ininom na nya ang hinandang gatas ng kanyang Tita. "hihintayin ko po si mama dahil hindi pa niya natapos ang kuwento niya sa akin. Salamat po" saad niya sabay abot ng baso sa kanyang Tita Cali.

"alam mo Ella kung matutulog ka ngayon, magigising ka bukas at makikita mo na ang iyong kapatid" nakangiting saad ni Cali sabay gulo ng buhok ni Stella.

"sige po, goodnight po" saad ni Stella at mabilis na lumundag sa kama nito.

Kinabukasan maagang nagising si Stella dahil sabik na sabik siyang hawakan ang kanyang munting kapatid. Tumakbo sya sa salas ng bahay nila, umaasa na nakauwi na ang kanyang ina at ama kasama ang kapatid nito.

"Tita ayos lang po ba kayo?" tanong ni Stella sabay hawak sa kamay ng kanyang Tita. Nakita niyang umiiyak si Calista habang may kausap sa telepono. Mayamaya lang ay ibinaba na nito ang tawag.

"uhhm ayos lang si Tita, maligo ka muna doon para pagkatapos mo ay makikita mo na ang baby Brother mo" nakangiting saad ni Calista ngunit mababakas sa ngiti nito ang kalungkutan at panghihinayang.

Agad sumunod ang batang si Stella sa tugon ng kanyang Tita at masayang naligo. Kahit na nagtataka sya dahil umiiyak ang kanyang Tita Cali, masnangingibabaw parin ang kanyang pagkasabik na makita ang kanyang magulang at kapatid.

Nang matapos syang mag-ayos ay umupo na siya ng maayos sa sofa ng salas nila at matiyagang naghintay sa pagdating ng ina nito. Nagsimula nang umulan. Para sa kanya ay umiiyak ngayon ang langit.

Nang marinig niya ang sasakyan nilang paparating na ay agad syang tumakbo sa pintuan para abangan ang kanyang minamahal na kapatid na ayon sa tita nya ay lalake daw.

Nakita nyang sinalubong ng tita Calista niya ang bagong dating na kapatid niyang lalaki. Agad niyang inilibot ang kanyang mga mata. May kung anong lungkot ang naramdaman niya dahil ang nakita lang ni Stella na bumaba sa sasakyan ay ang kanyang ama, bitbit ang kanyang sanggol na kapatid na lalake.

*******************************************

My First StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon