"And they live happily ever after... the end!"
"Haysss... ang sarap talaga ulit - ulitin ng mga fairytale no? " sabi ni Jea
"Kahit na ikaw na lang ang nagbabasa nyan?" sabi ni Mitch, friend ni Jea
"Like yeah! girl move on din sa pagkabata, ok? You're so pretty, you're so witty pa, and yet you're still into children's fairytales! Eeeeewwww!!! " sabi ni Linds, friend din ni Jea
"Yung totoo, kontrabida lang ang peg nyo no?" sabi ni Jea
"Like yeah! Kung yan lang ang makakapagpatigil sayo sa pagiging isip-bata mo, we'll be your personal fairy devil sisters" sagot naman ni Linds
"Try mong magbasa ng mga present - day novels teh! Atleast medyo malapit sa katotohanan yung mga yun, " banat ni MItch.
"Ay nako!" bulalas ni Jea, sabay tayo at imis ng gamit na nagkalat sa table.
"Ssshhhh!" saway ng librarian sa kanila
"Sorry Miss Ariel" sabi ng tatlo, at nagpatuloy sila sa pag-iimis ng nagkalat sa table at ready na umalis.
"Basta girls, I'm telling you, mamimeet ko rin yang ka-forever ko!" sabi ni Jea habang palabas sila ng library.
* * * * * *
"Forever? Ano yun? Nakakaen ba yun?" tanong ni Giel, "Masyado kang nagpapaniwala sa GF mo pre."
"Kaya nga, baka mamalayan namen, under da saya ka na nyan, hala!" biro naman ni Matt
"Ano ba kayo mga amigo, magandang pang-akit yun sa girls, " sagot ni Paul with matching gestures, "Yung tipong 'I wanna spend my forever with you' sabay kindat...booom! Kundi mahimatay sila sa kilig nun..."
"Me hand gestures ka pang nalalaman dyan! tara na guys malelate na tayo!" ani Chad
And with that, nagsibatan na ang barkada mula sa CR.
* * * * * * *
Back at the hallway, naglalakad na papunta sa klase sina Jea, pero di pa din natapos ang usapang forever.
"Basta feeling ko, malapit ko na sya makilala"
Nagtinginan ang dalawa ni Mitch at Linds, at sabay, " ha? ano?"
"Si Mr. Forever ko!"
"Ay nako! enough na girl, baka mabaliw ka na nyan kakaassume" ani Mitch
"Like yeah! There's one in a billion chance na mameet mo yang 'forever' mo" banat ni Linds, "pakidescribe nga yang dreamboy mong yan!"
* * * * * * *
"Forever, forever, walang ganun... di yun totoo!" sagot ni Giel habang naglalakad silang apat sa hallway
"Malay ba natin kung hindi nga, pero trust me, girls believe that such thing exist" pagdedefend ni Paul
* * * * * * *
"Hay nako Jea Crisitina Romualdez, ang hirap na nga maniwala sa forever na yan, gusto mo pa ng papable na malaPiolo Pascual?" ani Linds
"Oo nga, malabo kang makakita ng Minnie Me ni Papa P!" sabat naman ni Mitch
"Well, who knows," pagkikibit balikat ni Jea, "malay naten he's at the next corner di ba?"
"Dream on, girl!" sabay na response ng dalwa
* * * * * * *
"Well, kung totoo nga yang sinasabi mo, I wanna meet that girl now" sagot ni Giel kay Paul habang papaliko sa hallway....
* * * * * * *
"Aaaayyyy!" sigaw ni Jea habang nagbabagsakan mga gamit na hawak nya
"Ohhh!" sigaw naman ni Giel, "Sorry di ko tinitingnan dinadaanan ko" pinaglilimot na ang mga gamit na nanlaglag sa sahig
Nagsimula na ding manglimot ng gamit si Jea, "Sorry din po, di ko din kasi tinitingnan ang nilalakaran ko", sabay sulyap sa nakabanggaan
At nandilat mga mata ng dalaga
Nalimot nang lahat ni Giel ang mga nanlaglag nilang gamit ni Jea. Tumayo na ito, at tumayo na din si Jea
"Ah miss eto na nga pala ang gamit mo. Sorry ulit ha" sabi nito kay Jea habang inaabot ang gamit sa dalaga
"Ahhmmmm....sa.....salamat" ang tanging naisagot ni Jea habang kinukuha ang gamit mula kay Giel
"Aaaaa...Miss?"
"Y-yes?"
"Yung kamay ko..."
"Ay sorry!" at doon lang nya napansin na hawak pala nya ang kamay ni Giel, at bumitaw agad to, sabay yapos sa mga libro at notebook na inabot nito sa kanya
"Tssss....sorry girls, but if you'll just excuse us, may klase pa klame," singit ni Chad
"Ay girl, oo nga! malelate na din tayo!" sabi ni Mitch. at on queue naman ang bell
krrrrrrrrrrriiiiiinnnnnnnnnnggggggggg!!!!!!!!
"Ooops! tara na! sabi ni Paul, at nagtakbuhan na ang apat, samantalang ang iba namang estudyante ng Allyson's College ay nagpasukan na din sa kani-kanilang mga klase. Naiwan ang tatlo ni Jea sa hallway.
"OMG! girl! Spell tulala?!" banat ni Linds kay Jea
"Ahmmm...ang cute nya kasi e" tanging naisagot ni Jea
"Where's your phone?" tanong ni Mitch, na nagsimula nang kapkapan si Jea
"Ha? Bakit?" gulat na tanong ni Jea habang kinukuha sa bag ang cellphone at inabot kay Mitch
"Di mo napansin? Anlaki kaya?!"
"Eeeewww! Ang gross mo girl! Yun agad ang tiningnan mo? so kaderder!" ani Linds
"Gaga!" sabay tampal kay Linds
"Aray! sabi ng nagulat na Linds
"Ang dumi ng isip mo Linds! Ipavaccuum mo yan please!" sabi ni Mitch habang nagpipindot sa phone ni Jea, "Nakita ko yung name sa ID nya. Giel Carlos, BS COE 2."*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @iamjeromeangelo