Chapter 2 He Just Added Me

0 0 0
                                    

Pagkalikong pagkaliko ng barkada sa sunod na hallway, agad na inakbayan ni Matt si Giel at ginulo ang buhok ng kaibigan, "Woho! Mr. Heartthrob strikes again! Imba ka pre! Napatulala mo yung chikababes dun ah! halos tunawin ka sa titig e!"
"Baka akala kasi ni Miss Pretty nakakita siya ng maligno. hehe" banat ni Chad.
"Ulol ka Chad!" tugon ni Giel, sabay pogi pose. "Maligno? Sa gwapo kong to?"
"O pre! wag masyadong mahangin! Baka magkahydrocephalus ka nyan!" banat naman ni Paul.
"Mukhang may bago na namang bibiktimahin ang mga kolokoy na'to a!"
Nagulat ang apat at sabay-sabay napalingon sa pinanggalingan ng nakakatakot na boses sa likod. Hindi na naman talaga nila kailangang lingunin kung kanino nanggaling ang boses dahil kilalang kilala na nila kung kanino ang kinaiinisan nilang boses of all the Allyson's College pero nilingon pa din nila at di sila nagkamali sa kanilang hinala. Tumambad sa kanila ang pagmumukha ni Mr. Alfredo Salazar, ang terror prof nila sa sa Calculus!
"O anong itinutulala nyong apat dyan? Do you want to stay out of my room? 'Cause that will be far better for the both of us"
"No sir!" sabay na sagot ng apat at agad na silang pumasok sa loob ng classroom at nagsiupuan sa likod.
"O backseat boys, who told you to sit there? Spread out or I' ll kick you out!" sigaw ni Prof. At naglingunan ang ibang estudyante sa kanilang apat. May ibang naaawa, me ibang naaamuse, at me ibang nag-iintay lang ng sunod na mangyayari.
"What? Can't lift your asses handsomes? tanong ng titser na halatang ineenjoy ang pagpapahiya sa apat.
Nagtinginan ang apat at napakibit-balikat na lang si Chad at tumayo na, hudyat na no choice na sila. Nagtayuan na din ang tatlo at nagsilipatan sila ng upuan. Si Chad sa may pinto, si Giel sa may second row sa harap ng propesor, si Matt sa may bintana sa kabilang dulo ng room at si Paul ay nanatili naman sa kanyang kinauupuan.
"Well then, now that everything's settled, I'd say we should start our class." Taas noong pagsasalita nito, tuwang tuwa sa nangyari, "Now, who will be kind enough to remind the class of our previous topic? Anyone?"                                                             
* * * * * * *
Nagstay muna sa bakeshop ang tatlo nina Jea, Linds at Mitch. Nakatingin pa rin sa phone nya si Jea, dismayado. Paulit-ulit nyang pinipindot ang 'Add Friend' tab sa FB account ni Giel pero paulit-ulit lang din ang response na narereceive nya, 'This person has reached the friend request limit and can't accept anymore'
"Kaasar! Bakit kasi andami na nyang friends? di ko na tuloy sya ma-add!
"Naku friend! Kahit ilang beses kang mag-aadd friend dyan, wala nang pag-asa! Maximum number of friends na nga di ba?" sabi ni Linds habang nginunguya ang kinakain nya.
"Wag mo naman sya masyado inega girl, malay mo naman may iunfriend o mag-unfriend sya tapos makita nya friend request ni Jea at iaccept nya di ba?" tugon ni MItch.
"Sineset ko lang expectation ng friend natin, girl!"
"Grabe ka Linds! Tsk tsk. Jea bakit di mo itry ang twitter o ibang social media accounts nya?"
Biglang nabuhayan ng loob si Jea sa suggestion ng kaibigan. "Oo nga, igu-google ko sya, wait!"
"You're just giving her false hope Mitch!" ani Linds
"Atleast she tried, diba?" depensa ni Mitch, "What's up, girl? Do we know something about your prince charming na?"
"Wait! nagloloading pa!"
Agad na itinype ni Jea ang pangalan ni Giel sa Search tab at agad din namang lumabas ang search results
"Hmmm...Giel Sean Carlos, taking up Bachelor of Science in Computer Engineering at Allyson's College... Son of Dr. Richard Carlos, MD and Architect Carmina Reyes... Ayyy!"
"O bakit?" tanong ni Mitch.
"Internet Connection Failed! Wala na akong load!" sagot ni Jea.
"See? It's like a bad omen na talaga! Sumuko ka na girl!" sabi ni Linds.
"Hindi ko sya susukuan! Not yet! Punta lang ako sa internet shop, girls. See ya later!" tanging tugon ni Jea habang nagmamadali nitong nilimot ang gamit at naglakad papuntang computer shop.
"O hindi mo man lang ginalaw itong cake na inorder mo!" pahabol ni Mitch, pero di na sumagot pa si Jea habang patuloy ito sa paglakad.                                                                        
* * * * * * *
"F**Sh*t! Ano bang problema ng prof na yun at lagi na lang nya tayong pinag-iinitan?" tanong ni Matt sa barkada nang makalayo sila sa klasrum.
"E di ba nga kasi nayabangan sya kay Chad nung minali nya yung formula na itinuturo nya saten noon?" sagot ni Paul.
"E sa kawasa, mali naman talaga yung itinuturo nya e" depensa ni Matt.
"O sya tama na! Can't change the past na diba?  Umiwas na lang tayo sa gulo at ipagpasalamat na si Miss Elaine na ang next subject natin" ani Chad.
"Shoot!" Napasigaw si Giel nang maalala ang assignment nila sa sunod sa subject! "Nakalimutan kong ipaprint yung niresearch ko kagabi sa Physics! Wait lang! Magpapaprint lang ako saglit!" At nagsimula nang maglakad patungo sa computer shop si Giel.
"Ixerox mo na lang kaya yung saken para less hussle?" alok ni Paul.
"Wala akong tiwala sa'yo pagdating sa mga gantong bagay pre! Tiyak ako copy-paste mo lang yan sa net! Joke!" sagot ni Giel with a peace sign at nagdire-diretso na syang tumakbo papunta sa computer shop...                                   
* * * * * * *
Nakastation si Jea sa PC #24, nireresearch ang lahat ng pwedeng iresearch about Giel. So far, nalaman nya na nagtetake ito ng modelling projects, pangalawa sa tatlong magkakapatid at apo ng kilalang businessman. Unfortunately, wala syang makitang ibang social media account ng binata. Inopen nya uli ang fb account nya at tinry ulit i-add si Giel. Same response. Nagring ang phone nya na agad naman nyang chineck. Si Mitch. Hays, sayang ang pag-oonline ko.                    
* * * * * * *
Namumuo ang pawis sa noo ni Giel nang marating nya ang computer shop
"Uy sir, kamusta? Open hour ba ulit for Dota?" tanong ng nagbabantay sa computer shop.
"Hindi, magpapaprint lang," sabay abot ng flashdrive, "Thermodynamics ang filename."
"Ah o sige po. Wait lang ha."
"Okay."
Tumingin-tigin muna sa paligid si Giel. Duon nya nakita si Jea, nakastation malapit sa counter at nakatalikod sa kanya. Nilapitan nya ito, para sana humingi ulit ng dispensa sa banggaan nila kanina at makilala na din ang dalaga sa pangalan. Pero napangiti sya sa nakita nya sa screen ng PC ni Jea, panay mukha at detalye tungkol sa kanya. Paulit-ulit na pinipindot ni Jea ang 'Add Friend' tab sa account nya pero paulit-ulit lang din ang response nito sa kanya. 'This person has reached the friend request limit and can't accept any more.'
"Di ko talaga sya ma-add friend! huuuuu!" sabi nito sa kausap sa telepono.
Giel pursed his lips in a self-satisfied smirk. Medyo napailing-iling din to. Giel, ma men! Nakapagpafall ka na naman!
Kinuha nito ang phone at naglog-in sa fb nya. In-unfriend nya yung isa nyang friend na di naman talaga nya kilala. Tas dumungaw sya sa PC ni Jea at saka sinearch si Jea Romualdez.

*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @iamjeromeangelo

Ever After With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon