Isang magdamag na nakalipas, wala pa ring reply si Jea. Ichat ko na kaya?
**************
Hindi pa ulit nagchachat si Giel. Ako na kaya magchat?
*************
Me typing: Hi sorry, nakita mo pa yun. Hehe…
Erase! Erase!
*************
Me typing: Hi Jea. Kamusta?
Erase! Erase!
*************
Owi! Bukas na lang nga!
*************
Argh! Bukas na lang siguro…
*************
Kinabukasan, maaga ako gumising. Hmmm? Hairclip o headband? Ano kayang mas magugustuhan ni Giel na isuot ko?
*************
Nakakaubo pala pag kulang na lang ipaligo ko body spray ko. Ngayon, ano kayang mas trip ni Jea? Kimpi o spiked? Hmmm magustuhan kaya nya pag eyeglass ako?
**************
Tamang commute muna papasok ng school. Sana makita ko agad si Giel. Nakakaexcite nang pumasok. Napasilip ako sa bintana ng bus. Sobrang traffic. Sana di ako malate pagpasok. Napatingin ako sa phone ko. Nagchat na kaya si Giel? Okay wala. Scroll scroll muna tingin ng news feeds sa FB.
**************
Hay amboring naman, antraffic pa. Buti nalang hatid sundo ako ng driver namin. Napasandal nalang ako sa bintana. Chineck ko na ulit messenger ko pero wala pa ding reply si Jea. Napahalumbaba na lang ako habang nakasandal sa bintana. Men, bat ka natotorpe? Ayaw ko namang masabihang atat makipagkilala.
Tapos nakita ko sya, standing sa bus na nasa gilid ko. Napatanggal ako ng headset at napangiti. Ang cute nya pa din kahit malayo. Mukhang kinikilig pa ah. Nanonood siguro Kdrama. Nauna na tumakbo yung bus sa hudyat ng traffic light. Bumaba na si Jea sa bus stop sa tapat ng uni namen at naghihintay makatawid.
"Kuya Jairus, dun mo nalang ako sa bus stop"
"Sir?"
"Ahmm pababa na lang po ako sa bus stop"
"Bakit sir? Madalas sa loob kayo nagpapababa ah"
"Nakita kop o yung kaklase ko. Sasabay na po ako sa kanya"
"Sure kayo sir?"
"Yes"
Tumango lang sya at tumigil sa likod ng bus
***************
Ang cute ni Giel nung bata pa sya. Sinong mag-aakala na from chubby to hottie sya. Yii ang cute! Antaba taba, ansarap pisilin ng pisngi! Tamang stalk muna while in the bus.
"Oh yung mga estudyanteng bababa dyan! St. George! St. George!" sigaw ni manong konduktor
Stop data muna. Pagbaba sa bus stop, ready na sana akong tumawid papunta ng gate. Pero may biglang tumawag
"Hi Jea!" Si Giel! Sabay ngiti! OMG!
***********************
Hindi ko alam sasabihin ko kundi "Hi Jea!" Baket ko ba naisip na bumaba para lapitan sya tapos wala naman akong sasabihin.
Jea tucked her hair behind her ears, "Hi Giel! Ahmm maaga din ang klase mo?"
"Ahmmm oo. Ikaw?" C'mon! Man up! Isip ng masasabi! Bilis!
********************
Hindi ko alam sasabihin ko. Bigla na lang sya lumapit saken, anong gagawen ko? Ang ganda ng iningingiti nya habang papalapit saken. Ang pogi pogi nya sa uniform namen my ghadd! Tas paglapit, ambango! Ganto ba sya lage pagpapasok nang umaga?
********************
"Lagi ka lang nagko-commute papasok?" natanong ko. Wala na akong maisip na maitanong eh
Ngumiti sya, "Oo. Ikaw? Same ba tayo ng bus na sinakyan?"
Napailing ako, "Ah hindi, hatid ako ng driver namen"
"Ahhh"
Ngiti na lang nasagot ko sa response nya. Me humawak sa balikat ko eh
"Giel?"
Paglingon ko, si Chad pala
"Himala at dito ka nagpababa sa driver nyo? Duon ka sa loob madalas nagpapababa ah"
"Ah oo – "
Nagchange color na ulit ang traffic light. Pwede na kame tumawid.
"Oh tara na pre!"
"Wait lang –" at lumingon ako kay Jea kaya lang kasama na nya yung mga kaibigan nya at nauna nang tumawid. Lumingon lang si Jea saglit at nginitian ako. Napabuntong hininga na lang ako. Just lost my chance.*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @iamjeromeangelo