Elise
Ano ba 'tong gulong pinasok ko?
Relax Elise, take a deep breath, good
I checked the time. It's already 7:30
May pasok pala ako ngayon!
Ogosh, mamaya ko na lang siya hahanapin, first day ko pala ngayon.
Omay, first day na first day late ka Elise!
Nag prepare lang ako na pangmadalian at tumakbo na kaagad palabas ng dorm.
I hailed a cab kasi hindi ko pa kabisado ang Maynila kaya hindi ako makakajeep.
"To xxxx University po" sabi ko sa driver at agad niya pinatakbo ang taxi na sinasakyan namin.
Mga 15 minutes lang pala papunta ng school mula sa dorm, malapit lang pala.
Kailangan ko na talagang ifamillarize lahat ng lugar dito, ang laki laki kasi ng Maynila jusko!
Pinarada na ni manong driver ang taxi sa tapat ng University.
Nagbayad na ako at lumabas na sa taxi.
Pumasok na kaagad ako because late na late na talaga ako.
Hinanap ko kaagad 'yung name ko sa mga classrooms.
Elise Mariana Lopez
Napatulala lang ako labas ng classroom, hindi ko talaga kasi alam ang gagawin ko, papasok ba ako o hindi?
Go Elise kaya mo yan!
Okay, it's now or never.
Unti-unti akong pumasok sa classroom, pumasok ako na parang model, red carpet na lang 'yung kulang hehe.
Halos lahat ng estudyante ay napatingin sakin, parang naninibago eh.
Uy pre, chiks oh!
Hi miss, ganda mo naman
Are you lost, baby girl?
Ughh! First day na first day ganito agad?
And suddenly the teacher broke the silence.
"Oh, I suppose you are Elise Lopez, the new transferee. Please come in and take your seat right behind Adlaon" sabi ng teacher sakin na agad ko namang sinunod.
"Y-yes maam!" sabi ko at umupo na kaagad sa inassign niya na seat sakin.
Phew! Pinagpawisan ako doon ah!
Umupo na lang ako at hindi na umimik, nahihiya na talaga kasi ako eh.
Maya-maya ay nagsalita na ang teacher.
"Ms. Lopez, can you introduce yourself to your new classmates?" sabi ng teacher.
Bigla naman ako napatayo ng matuwid.
"Y-yes maam" sabi ko at pumunta na sa harapan.
"Hello everyone, my name is Elise Mariana Lopez, 18 years old, I hope we will all be good friends" sabi ko sabay ngiti sa kanila.
"Thank you Ms. Lopez, you may take your seat now" sabi ng teacher
At nagsimula na ang klase.
***
*Kriingg*
Pagkatapos ng morning period ko ay napagdesisyunan ko na kumain muna, kanina pa kasi ako nagugutom eh hehe.
I bought my lunch and sat at the back row of the cafeteria.
Mag-isa ka na muna ngayon Elise, wala ka pang friends dito
Kumain lang ako ng kumain. Hindi ko na pinansin ang mga taong nakapaligid sa cafeteria.
Bigla kong naalala ang lalaki kahapon.
Nasan na kaya 'yun? Pagkatapos ko siyang tulungan kagabi ay tinakasan niya lang ako, walang modo!
"Hi Elise, can I sit here?" napatingin naman kaagad ako sa nagsalita.
Ahh, 'yung classmate ko pala, si Franzel.
"Ahh! Oo naman..." sagot ko sakanya
Umupo na siya at pinatong 'yung milktea at fries niya sa table.
"Alam mo, palagi kang bukam-bibig ng mga classmates natin at pati narin 'yung ibang section. Mostly boys, nagagandahan sila sayo eh." nakilabutan kaagad ako sa lahat ng mga sinabi ni Franzel, hindi kasi ako sanay na ako 'yung chismis ng bayan.
Natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Ang boys? Nagagandahan sakin? Naku baka fake news lang 'yun" sabi ko habang tumatawa.
"Totoo 'yun sis, sa wakas may kukuha na ng korona ni Andrea at ikaw 'yun!" sabi niya na parang excited sa mangyayari.
"Sino si Andrea?" agad ko namang tanong.
"Si Andrea? Siya 'yung Queen Bee of this University, maganda at palahabulin ng boys" sabi niya sabay irap.
Mukhang ma-atittude 'tong si Andrea ahh.
Kinwentuhan niya pa ako tungkol kay Andrea at ang lahat na nangyari dito sa University.
May lahing chismosa rin pala tong si Franzel, maraming kwento eh.
*Kringg*
It's already 1:00, I need to get to my next class.
Tumayo na si Franzel at nagpaalam.
"Sa susunod ko na lang itutuloy yung kwento ko sis, bye" sabi niya at pumunta na sa kanyang next class.
Tumayo na rin ako at tumakbo papuntang next class ko.
Nagsilabasan narin 'yung mga estudyante mula roon sa next class ko.
At sa wakas hindi ako late.
______________________________________________
Aldren
"Dalian mo na dyan pagong, malalate na tayo sa next class natin!" sigaw ni Richard sakin
"Oo nah, lalabas na ako" walang ganang sinabi ko sakanya.
Nagsilabasan narin 'yung mga classmates ko sa room.
"Pare, pwedeng pashare ng textbook mo mamaya, nakalimutan ko kasi 'yung akin sa bahay" sabi ni Richard habang pangiti ngiti pa.
"Oo nah, palagi mo naman nakakalimutan 'yung textbooks mo eh. Palibhasa marami kang chiks, nakakalimutan mo pati na 'yung mga textbooks mo!"
"You're the best talaga pare, kung wala ka, baka sa basurero na ako ngayon hahaha!"
Tahimik lang kaming naglakad hanggang may napansin akong may nahulog na I.D. sa sahig.
Pinulot ko kaagad iyon at ipinakita kay Richard.
"Richard, may nahulog na I.D. oh, isauli natin sa office" sabi ko
"Patingin nga..." tinignan niya ang I.D. at napanga-nga.
"Hindi mo to kilala? Siya yung usap usapan ng mga classmates natin, yung new student na maganda. Oh, tignan mo...." sabi ni Richard at ipinakita ang picture sa I.D.
Elise Mariana Lopez
Siya?!!
YOU ARE READING
My Roommate, My Soulmate
Ficção Adolescente𝐎𝐍 𝐆𝐎𝐈𝐍𝐆 "Nahulog na yata ako eh...." I am Zephy, just a normal teenage student. I have the beauty, the brain, everything you could imagine. But fate had its twists and turns, until I met Aldren. The guy who changed everything and little did...