Regret

222 3 3
                                    

Nang ligawan ako ni Ian, ang visor sa isang boutique na pinagtatrabahuhan ko, ay di ako makapaniwalang totoo ang pagtingin niya sa akin. Buong paniniwala ko, e gusto niya lang magbilang ng girlfriend, at gusto niya lang akong ibilang sa mga nabiktima niya.

   At paano ako maniniwala, eh masyado kaming alangan. Sobrang gwapo niya. Mukha na nga siyang artista. 

  Pero love ko na siya even before he courted me, kaya sinagot ko pa rin siya. Pagsagot na later ay pinagsisihan ko ng husto. Lagi kasi akong natatakot na one of these days ay be-break-in na niya ako. Lalo na pag nakuha niya ang virginity ko.

  Ano pa ba ang hahanapin ng super gwapong lalaking ito sa ordinary looking girl na katulad ko?

   "Iiwan ka rin niyan! Nagkukunwari lang na mabait an!Ganiyan naman ang mga lalake!Puro sila manloloko!Lalo na yung pogi at sobrang pogi!" pananakot pa ng co-employee ko na si Mylene.

   Ang pinaka-nakakatakot na sinabi niya sa akin ay ng makita niya si Ian kasama ang isang magandang babae na kumakain sa isang sikat na restaurant. Ang sweet-sweet daw nila at naghahalikan pa.

    Concerned lang daw siya sa akin kaya niya nasabi yun. Wag ko raw ipaalam kay Ian na sinabi niya sa akin dahil ayaw pa niyang mawalan ng trabaho.

    Natakot naman ako. Ang tanga ko kasi. At sa takot at katangahan ko, bago pa ako binreak ni Ian y inunahan ko na siya. Nag-resign ako sa trabaho, naghanap ng iba at lumipat ng bahay. Madali para sa akin dahil nangungupahan lang naman ako. 22 ako that time at independent na.

    Tapos nakipag-break ako sa kaniya. Sa text lang. Hindi niya matanggap. Inaalam niya ang dahilan.

     Sabi ko ayoko na sa kaniya dahil pinagloloko niya lang ako. Pero ano raw ba ang pinagsasabi ko. Wag daw akong magduda dahil love daw niya tlaga ako.

   Sabi ko doon na lang siya sa mga magagandang babae na nahuhuli kung kinakausap at binibiro niya. Sabi niya acquintances and friends lang daw sila, while ako ang totoong love niya. Kaya nga raw ako ang niligawan niya.

    Kaso matindi talaga ang belief at takot ko na lolokohin niya lang ako. So I told him that ''wag niya na kong hanapin pa, kasi hindi ko na siya mahal, at may bago na akong boyfriend".

     Tapos nagpalit ako ng sim para di na niya ako makulit pa. 

       But I soon realized that kung mayroon mang mas nasaktan sa break-up namin, eh walang iba kundi ako yun. Love ko kasi siya talaga; samantaling siya, isa lang naman ang habol sa akin. At nasaktan lang siya dahil nasaktan ko ang ego niya.

         And to forget him as soon as possible, at para makalimutan ko siya agad, para hindi ako masyadong masaktan sa pagkawala niya, eh sinagot ko ang isa sa mga sumunod kong manliligaw.

        Tapos, nang yayain niya ko ng kasal, nagpakasal na ako.

          Inisip ko rin kasi na if magmamahal si Ian sa iba at magpapakasal ng tuluyan sa kung sinumang babaeng iyon, eh di na ako masyadong masasaktan dahil kasal na rin ko at may sarili na ring pamilya.

        But, it was in vain. Kasi kahit na may iba na ako, at kahit kasal na kami, hindi ko pa rin siya nakakalimutan.

       Siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Kaya di ako maligaya sa piling ng asawa ko.

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon