CHAPTER 6

1K 20 0
                                    

Napahinto ako sa paglakad ng makita siya.

Nakita kong napahinto rin ito pero agad ding iniwas ang tingin sa akin.

Lumiko ako sa ibang daanan.

Hindi ko na pagpipilitan ang sarili ko sa kanya dahil masasaktan ako lalo at may masasaktan akong iba.

Lumipas ang araw at dumating ang araw ng Birthday ko, debut ko pero hindi ako pumayag na magkaroon pa kami ng engranding celebration.

Ang gusto ko lang ay simple lang , sapat ng makasama sila.

Hindi naman tumutol si Tito ng hingin ko ito.

Naghanda ng maraming putahi si nanay , halos paborito ko rin ito.

Naging magana ang kain ko at masaya kaming nagkwekwentuhan.

May nilahad si Tito na maliit na regalo.

"Buksan mo, Hija." Masayang wika ni nito.

Nakita ko ang saya sa mga mata ng ina ko.

Nang mapuksan ko ito ay lumaki ang mata ko at napasulyap dito.

Napangiti ako.

" Pwede mo ng makita ito sa labas Hija."

Napatakbo ako sa labas.

Nakita ko ang Ferrari na napakakintab pa at halatang bago.

"Nagustuhan mo ba ang regalo namin ng nanay mo Hija."

Napalingon ako dito.

"Sobra Tito! Maraming salamat po, Tito, Nay" masaya kong wika at binigyan sila ng yakap..

Pumasok na sa loob sila Tito at nanatili kami roon ni Russel, tahimik lang siya at pinagmasdan lang ako.

Lumapit ako sa sasakyan at binuksan ito.

"Tuturuan kita."

Napahinto ako sa pagsuri sa sasakyan.

"Hindi na kailangan, mag e.enrol ako upang matuto sa pagmamaneho."

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. " may pasok ka pa! Mas mapadali ang pagtuto mo kapag tinuruan kita."

Bumuntong hiningga ako at nilingon siya.

"Hayaan mo ako sa gusto ko, birthday ko naman eh."

Tinigan niya ako ng mataman.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at napagdesesyonan ko ng pumasok sa loob.

Bago ako makapasok sa kwarto ko ay hinawakan niya ang braso ko.

Napalingon ako sa kanya.

Napaatras ako ng malapit lang ito sa akin.

Pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa baywang ko.

Napigilan ko ang paghinga ko ng may nilagay siya sa leeg ko , hindi niya inalis ang tingin sa akin habang sinuot niya ito sa akin.

Bumaba ang tingin nito at  napatingin ako sa pendant ,Heart shape, hinawakan niya ito at hinaplos.

"This is my heart, kahit 'yan lang pag-ingatan mo." 

Parang may bumara sa lalamonan ko ng marinig ito sa kanya.

Hindi ito utos kundi nagsusumamo ito.

Pinilit kong lumunok upang pigilan ang pag-init ng mata ko.

------

Napalunok ako ng makita siya, iniwas ko ang tingin ko at pinatili ang tingin sa harapan , may General Meeting kami para sa darating na Christmas Party sa school namin .

YOU BELONG TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon