“Ilang beses ko pa ba dapat sabihin sayo Ms. Dela Vega that this school is a smoke free campus. Which part of that rule ba ang hindi mo naiintindihan?! Pwede ka namang mag-smoke sa labas ng campus kung di mo na talaga kaya at ata na atat ka ng humithit ng sigarilyo.” Nangagalaiting sermon ng dean ng campus nila.
Ngunit tila hindi naman ntinag ang kausap nito at walang anumang sinagot ng pabalang ang dean nila na ngayon ay halos ready ng mangatay ng tao.
“Hindi naman ako kasali doon ah. Ba’t akong pinagsasabihan nyo nyan?” kampante nitong sagot sa dean na halos lumabas na lahat ng ugat sa leeg sa kakatimpi na huwag ng sumigaw ulit sa kaharap na estudyante.
“Hindi ka kasali? Then why did you end up here Ms. Dela Vega? Sinong linoloko mo? Akala mo siguro hindi kami aware sa mga kwentong naririnig naming tungkol---”
“Tungkol sa ano? Huh. No wonder. Pati pala sainyo nakarating ng mga tsismis tungkol sakin. Kaya pala di kayo naniniwala saakin eh. Pare-parehas lang kayo.” tila may bakas ng hinanakit sa boses ng estudyante na ngayon ay tila napatameme ang dean nila sa mga sinabi nito.
Ng medyo nahimasmasan ang dean nila ay nakita nya itong lumingon sa direksyon nya. Bigla nalang syang nataranta at napahiya dahil nahuli sya nitong nakikinig sa usapan nito. Muntik nya ng mabitawan ang mga test paper nyang dala na iniutos nitong ibigay dito pagkatapos ng pasok nya.
“Oh andyan ka na pala Mr. Alfonso. Akin na yang mga yan at para makauwi kana. Kanina kapa ba dyan?”
“Ah.. eh. Hindi po. Halos kakarating ko lang.” nauutal kong sabi sabay abot sakanya ng mga papel at ayos ng eyeglasses ko. Mannerism ko na ata to. Yung sa tuwing kinakabahan ako at di komportable sa sitwasyon ay aayusin kong salamin ko sa mata kahit hindi naman kailangan. Tulad ngayon na tila naiipit sya sa dalawang taong nagbangayawan palang.
“Ganun ba? Osge. Makakaalis kana. Maraming salamat ulit Iho.” Nakangiti ng pasalamat ng dean nila sakanya.
Tipid na ngiti naman ang sinukli nya dito at nagpaalam na. Ngunit bago pa man ako makalabas ng opisina nito narinig ko pa ang huling sinabi nito sa kausap.
“Final warning ko na to sayo Ms. Dela Vega. Sa susunod na gumawa ka pa ulit ng kalokohan. I have no other choice but to kick you out of this campus.” seryosong pahayag ng dean nila sa kausap.
Bago nya pa narinig ang sagot ng kausap nito ay nakalabas na sya ng opisina at tuloy tuloy na naglakad hanggang sa locker nya.
“Hay.. Kahit kalian talagang babaeng yun. Makauwi na nga..” pabulong kong kausap sa sarili.
Cy’s POV
Palabas na sya ng office ng dean ng school nila. Di nya na pinansin ang mga matang nakamasid sakanya habang naglalakad sya. Sanay na sya eh. Sanay na syang husgahan lagi ng mga taong nakapalibot sakanya.
Di na rin to bago sakanya. Sa katunayan manhid na nga sya. Sino ba naman ang hindi masasanay? Simula pagkabata nya ganito ng mga tao sakanya. Kahit mga kapamilya nya ganito. Mabuti nalang andyan ang Lolo at Lola nya kung hindi marahil sa mga ito ay matagal nya ng itinuloy ang balak nyang mag suicide.
“Hay nako Charmy Cyntea. Ngayon ka pa ba magda-drama?” saway nya sa sarili habang naglalakad na sya palabas ng school nila.
Sa totoo lang wala naman syang kinalaman doon sa pagssmoke sa school nila eh. Sa katanuyan nga eh wala syang bisyo pero ba’t nadamay nanaman sya sa gulong yun kanina?
Nakatambay lang naman sya sa may parking lot at hinihintay na tumawag ang Lolo nya tapos walang ano anong tinawag sya ng dean nila at ayun na nga.. pinagalitan sya. Akala siguro nito kasama sya sa mga nagsisigarilyong mga estudyante na medyo malapit sa kinatatayuan nya. Di na sya nagabala pang magpaliwanag. Wala namang maniniwala. Pagod na pagod na syang magpaliwanag sa mga taong ayaw naman maniwala sakanya.
BINABASA MO ANG
Boyfriend kong Baduy.
Teen FictionAng boyfriend kong baduy. by misxaria Author's Note: Based on my imagination ko lang po lahat ng nasa story na 'to. If ever man na may kapangalan purely coincidence lang po. You're welcome to state your own opinions basta po before anything else thi...