Part 36

1.4K 60 0
                                    

EVERYTHING had been so fast since then. Agad idinaos ang civil wedding sa pagitan nina Johna at Prince. Siyempe pa, magkakaroon din ng church wedding. Sa huwes man ang naging kasalan, bumaha naman ang inumin at pagkain sa barangay nila. Their marriage was well celebrated. To Johna's utter amazement, dumalo sina Randall, Art, Jared, Mike, Miro, Pierro, at Milo. Kasama ng mga ito ang kani-kanilang asawa at ilang anak. Dumalo rin maging ang mga kasamahan ni Johna sa Angelicious Cake and Café.

"Saan ba tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya sa asawa.

Asawa. Napangiti si Johna dahil napakanatural lang nang pumasok iyon sa isip niya.

"I saw that smile," sabi ni Prince nang sumulyap sa kanya. "Ano'ng iniisip mo?"

They were now in his car. Hindi alam ni Johna kung saan sila pupunta. Basta agad silang tumakas mula sa reception. Si Lia ay naiwan sa nanay niya.

"Wala," kaila ni Johna. Pero hindi rin niya napigilang mapangiti. Sinubukan niyang hilahin ang kaliwang kamay pero hindi iyon binibitiwan ni Prince. In fact, bahagya pa nga siyang napalapit sa may driver's seat dahil dito. Ang kaliwang kamay lang kasi nito ang nasa manibela.

Tuluyan siyang dumikit kay Prince at inihilig ang ulo sa balikat nito. Mukhang ikinatuwa iyon ng kanyang asawa. Hindi niya alam kung paano iyon nasabi gayong hindi naman siya nakatingin dito. She just felt it. She felt his happiness. "Prince?"

"Yes, love?"

"Mag-aaral pa rin ako, ha?"

"Of course!" agad na sagot ni Prince, mayamaya ay itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Hinawakan nito ang baba niya at itinaas ang kanyang mukha. He held her eyes. "Johna, love, listen to me. Hindi ibig sabihing kasal na tayo na ay pipigilan na kitang abutin ang mga pangarap mo. Hindi ibig sabihin n'on na magbabago na ang mga priority mo. Look, ang gusto ko lang ay magkaroon ako ng karapatan sa 'yo dahil gusto kong samahan ka sa pagtupad ng mga pangarap mo. Gusto kong malaman mong nasa tabi mo lang ako at puwede mong sandalan anumang oras."

Johna bit her lip. Pero hindi pa rin niya napigilang mapaiyak dahil sa pagmamahal ni Prince sa kanya. Noon pa siya naniniwala na may dahilan ang lahat ng bagay na nangyayari. That everything happened according to His will. So when Vaughn left her, alam ni Johna na may nakahihigit kaysa rito na nakalaan para sa kanya. Someone better... Someone she deserved. Kaya hindi ganoon kapait ang kabiguan niya noon. That time, inisip niyang baka maging miserable lang din ang buhay niya kay Vaughn kaya mabuti na rin iyong hindi sila nagkatuluyan.

Now, looking at Prince... alam na niya ang sagot kung bakit hindi naging sila ni Vaughn.

"Hey," natatarantang sabi ni Prince nang pumatak ang mga luha ni Johna. He kissed her tears away. And she knew he would always do that. Lagi siya nitong iko-comfort.

"T-tears of joy," sabi niya.

"Does it mean hindi ka nagsisising pinakasalan mo ako?" biro nito.

Natatawang iningusan niya ang asawa. "Baka 'kamo ikaw ang magsisi," balik niya.

"Never. Hindi ko kailanman pagsisisihan na minahal kita. Na mahal kita at patuloy na mamahalin."

"Really?" Nagkunwari siyang hindi naniniwala.

"Aba't—" Pinisil ni Prince ang tungki ng kanyang ilong. "You, Mrs. Prince Wolfe Patterson... Humanda ka dahil bubusugin kita sa pagmamahal." And then he kissed her. A kind of kiss that aroused not only her body but also her soul. It was hot and deep. Wild and very passionate. It was full of love.

"Oh, dear..." habol ang hiningang usal ni Prince. "Let's get inside our home, shall we?"

"H-home?" nagtatakang tanong ni Johna, hindi na ma-entertain ang nararamdamang pag-iinit ng mga pisngi. But then, so what if they've been very intimate? Kakakasal lang nila. In fact, hindi lang pisngi ang nag-iinit sa kanya. Her body was already on fire. Halik at haplos lang ni Prince ay para na siyang tuyong kahoy na nadikit sa apoy at biglang naglagablab.

Bilang sagot, bumaba ng sasakyan si Prince at mabilis na umikot sa gawi niya. He opened the door for her. Nagtatakang lumabas siya ng sasakyan. Madilim na ang paligid.

"Welcome to our love nest," sabi nito patungkol sa bahay na iyon.

"L-love nest? A-ano'ng... ano'ng ibig mong sabihin?" The house was so grand. Buhay na buhay iyon dahil nakabukas lahat ng ilaw. "Bahay mo 'yan?" Hindi niya alam ang tungkol doon. Oh, well, sa loob nga ng apat na taon ay hindi niya nalaman na konektado pala si Prince kina Randall Clark. Isa pang na-discover niya ay... mayaman talaga si Prince. As in mayaman sa tunay na kahulugan niyon.

Pumunta ang lalaki sa likod ni Johna at niyakap siya. "'Yan ang magiging tahanan natin. Ipinagawa ko 'yan early this year na ikaw talaga ang nasa isip ko na magiging ilaw ng tahanan. Though I'm warning you na halos wala pang mga gamit 'yan. Gusto ko kasing may personal touch mo ang magiging ayos."

"Wow!" bulalas niya. "As in?"

"Do you like it?" he asked while kissing her neck.

Napigil ni Johna ang hininga dahil sa sensasyong naramdaman hatid ng mainit na mga labi ng asawa. Prince caressed her thigh up to the curve of her waist. Shit, akala ba nito ay naapula na ang init ng katawan niya kaya muli siyang pinag-iinit? No. Oh, dear, no. Her body was still burning with need. It was still tingling with desire. At masasabi niyang ganoon din si Prince dahil... well... She could feel him on her behind. He was noticeably hard and it was making her crazy.

Of Love... And Miracles (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon