prologue
'' Imanuelle manganganak na ako '' sigaw ni lucille buhat sa labas ng kanilang barong barong .. naka upo ito sa silyang gawa lamang sa punong kahoy
Hangos na lumabas ito ng bahay .. sa kamamadali ay hindi nito napansin ang ugat ng puno sa may tabi ng kanilang bahay
'' Aray ! '' sigaw nito sa sakit .. bahagyang pang dumikit ang mukha nito sa lupa buhat sa pag kakasubsob
'' bakit ba ang ingay mu diyan ?" sabi nito habang bumabangon mula sa pag kakadapa
'' manganganak na ako .. pumutok na ang panubigan ko .. '' sabi ni lucille na hindi malaman kung aling parte ng katawan nito ang hihimasin ..
'' ano ?? '' tanong nito na wariy hindi alam ang sinabi ng asawa..
'' manganganak na sabi ako eh .. '' sabi nito sa asawa..
'' teka ano nga ulit yun '' sabi nito sa asawa nitong na papakamot sa batok
'' hinayupak ka isa pang tanong kahit manga-nganak na ako ingu-ngudngod kita diyan sa pinagsubsuban mong hayop ka '' gigil na gigil sabi nito sa asawa nito ..animoy parang hindi manganganak ..
'' ay naku halika't pumasok tayo sa loob ng bahay at duon kana dumaing ng dumaing .. '' sabi nitong natataranta hindi malaman kung saang parte ng katawan nito bubuhatin ang asawa ..
dahan dahang silang pumasok sa loob ng bahay .. at pinaupo ni imanuelle ang asawa nito sa isang mahabang bangko.. na abutan nila ang kanilang nag iisang anak na gumagawa ng assignment ..
'' Inay bakit po ?? '' takang tanong ng sampung taong gulang na batang babae
'' manganganak na ang inay mo Mina .. lalabas na ang kapatid mo . '' sagot sa kanya ng kanyang itay ..
'' ho talaga po .. '' kay ganda ng ngiti na sabi nito sa kanyang ama .. isang nahihirapang ngiti lang ang na ibigay ng kanyang ina dito ..
'' tawagin mo si ka juling, mina .. sabihin mo manganganak na ang inay mo .. mag madali kamo .. '' sabi ng kanyang ama habang inaayos ang mga gagamitin sa pag papa-anak ..
'' opo itay '' excited na lumabas ng bahay si mina para tawagin ang kumadrona sa baryo nila ..
ilang sandali pa ay .. hingal na hingal na naka balik sa bahay nila si mina kasama ang kumadronang si ka juling,.
'' imanuelle .. nakapag painit kana ba ng tubig ang mga gagamitin ko .. ??''
'' opo ka juling .. nakahanda na pong lahat.. '' sabi nitong nininerbyos
'' ilang buwan na ba ang tiyan mo lucille huh anak .. ?? ''
'' walong buwan pa lamang ho .. ''
'' huh ganon ba .. tumawag ka ng tricyle at dalin natin siya sa ospital .. '' wariy biglang ninerbyos na sabi nito kay imanuelle..
agad na lumabas si imanuelle para mag tawag ng tricle
'' anak ko baket ngayon pa . kulang ka pa sa buwan .. '' sabi nito na ang mukha ay hilam na sa luha .. bahagyang hinihimas ang na nanakit na balakang ..
'' mina i handa mo ang mga gamit at dadalin natin siya sa ospital .. ''
'' opo nanay juling'' agad na tumakbo ito sa silid nito at inayos ang mga dadalhin sa ospital
ilang sandali pa ay narinig na nila ang ingay ng tricyle sa labas ng kanilang bahay ..pinagtulangang na dalawang lalaki si lucille para maipasok sa loob ng tricle..
samantalang sa ospital ..
'' misis pasensiya na pero hindi kana po talaga mag kaka-anak '' sabi ng isang may katandaan ng doktor..
'' ganon po ba doktor.. ''
'' ganon na nga ho mister '' sabi pa dito ng doktor
'' tanggapin na lang kasi natin yun hon.. '' sabi pa nito sa asawa nitong umiiyak dahil hindi na mag kakaroon pa ng anak ..
bago nila lisanin ang lugar ay may nakita silang babae na hirap na hirap na hirap sa panganganak .. nakikita niya sa lalake na wariy wala itong pambayad ng ospital at hindi nito alam na isa itong private hospital ..
nagkatinginan ang dalawang lalake..
**
BINABASA MO ANG
My Hired Bodyguard (Mahal Kita Manhid Ka Lang) ON HOLD DONT READ :)
RomanceSi Francine ay anak ng isang kilalang negosyante .. na nag mamay ari ng isang multi millioner na company .. eh paano kung biglang manganib ang buhay ni francine?? ''she's nothing but a spoild brat'' galit na sabi ni aquillez kay Troy na bestfriend...